Part-44

8 4 0
                                    

***


WYATT POV *





Excited ako na nag bihis ng aking uniform maaga akong papasok ng school ngayun, excited ako kasi mamaya may pupuntahan kami ni Yanna kasama pa si Zoe.

Inggit na inggit ang mga mukong sa akin sana daw pwede umabsent ngayun, Pakanta kanta pa ako ng bumaba mula sa aking kwarto naabutan ko pa ang aking napaka gandang ina na kumakain.

"Hi. . .Baby! . . .Good Morning!. ." Bati sa akin ng aking ina gumanti naman ako ng bati at humalik sa pisngi nito hindi ko na pinansin ang pag tawag sa akin ng baby ayuko kasi tinatawag na baby kasi nga! binata na ako.

"Mukhang maganda ang gising nang Baby ko aah!" Anito pa habang nilalagyan ang aking pinggan ng pagkain, Ngumiti lang ako sa kanya at nag simula ng kumain.

"Baby! . . .mamaya susunduin ka namin ng Daddy mo . . .May family Dinner tayong pupuntahan." Maya-maya sabi ni Mommy na kinatigil ko sa pagkain.

"But Mom! . . .may lakad ako!" Sagot ko dito "Baka pwede hindi ako sumama?" Dagdag ko pang tanong.

"No! . .sabi ng Daddy mo importante iyun, saka Dadating din ang lolo mo kaya kailangan nandun tayo" Mahabang paliwanag nito.

"But Mom!- . . ."

"No more but's susunduin kita before lunch malayo yung lugar na pupuntahan natin" Putol nito sa sasabihin ko.

wala naman akong nagawa nawala din bigla ang sigla ko, Paano ko ba sasabihin kay Yanna eh wala naman cellphone yun saka diko pa alam ang bahay nito.

matapos kumain nag paalam na rin ako sa ina ko na abala kausap ang bisitang fashion designer, Naiinis man pero wala akong magawa ayaw ko naman pagalitan ako ng Lolo ko.

Makalipas ang ilang minuto narating ko na ang aming paaralan nag paalam muna ako sa driver ko saka pinauwi na ito sila Mommy na ang susundo sa akin.

Pag pasok ko sa Gate nakita ko na agad ang apat kasama ng mga ito si Louise Wala pa din si Zoe,Malungkot akong lumapit sa kanila.

"Oh! . . .Anong mukha yan?" Tanong agad ni Axel sa akin.

"Gwapong mukha bro!" Sagot ko dito

"Saan banda?" Masungit na tanong ni Lincoln tss may regla na naman si Lincoln! Inismiran ko na lang ito.

" Sinubukan kong mag paalam kay couch pwede daw ako mag absent" Nakalabing kwento ni Tyree

"Oh!. . . Eh bakit ganyan din ang mukha mo?" Tanong ko naman dito

"Lahat tayo exempted sa practice ngayun dahil pinaalam tayo ng parents natin may family Dinner daw!" Si Tyler na ang sumagot sa tanong ko.

"I'm sure andun din si Zoe!" Sabi ni Louise

"Ikaw ba?" Tanong ko dito at umiling lang ito sa akin.

"Paano si ian?" Malungkot na tanong ni Axel.

"Okay lang hindi naman importante yung pupuntahan sana namin" Sabat ni ian sa usapan namin hindi kami nag malay sa pag dating nito.

"Sorry Yanna! . . ."Sabi ko dito saka humawak sa isang braso nito.

"Ayus lang. . ."Natatawang sagot naman nito.

"Akala ko absent ka?" Tanong dito ni Lincoln.

"Hinatid ko lang yung mga hiningi ni Dean sa akin saka paalis na rin ako" Sagot nito "alis na ako ingat kayo ha,. . . .wag kana sad. . .sa Saturday doon tayo lahat sa condo ko" Sabi pa nito nung makitang lumabi ako.

Yung lungkot namin biglang napalitan ng sigla, marami pa Sana akong sasabihin kaso sabi nya nag mamadali sya, Nakangiti kaming pumasok at ginawa ang mga dapat gawin.

Dumating ang oras sinundo nga ako nila Mommy before lunch nauna akong umalis sa mga kaibigan ko. Pag sundo sa akin dumeretso muna kami sa isang restaurant kakain muna kami saka pupunta na sa tagaytay pala gaganapin ang Dinner na yun.

Hindi ko na enjoy ang view nakatulog kasi ako dahil na rin sa pagod siguro nagising na lang ako sa mahihinang tapik sa pisngi ko kaya naman unti-unting nag mulat ako ng aking mata.

Pag mulat ng aking mata laking gulat ko na lang na pangit na mukha ang aking nasilayan kaya naman napasigaw ako ng malakas.

"Aaaahhh!!!!!!" Sigaw ko na nasundan ng malakas na tawanan saka lumabas sila Lincoln sa pagkakatago ng mga ito sa mga upuan ng sasakyan namin. Inalis naman ang maskara na pinang takot sa akin si Axel pala.

"Bro!. . . .if you see your face!? . . .haha!. . " Ani Axel na hindi matapos ang sasabihin sa pag tawa. Inis kung binato sya ng bote ng mineral na ininum ko kanina.

"Mautot ka sana mamaya sa Dinner bro!"Sabi ko dito habang bumababa ng sasakyan, matapos ayusin ang mga sarili pumasok na kami sa isang magandang restaurant kung saan gaganapin ang event.

Iniwan pala ako nila Mommy nung makita ang mga kaibigan ko hindi daw ako magising kaya sila na ang inutusan gisingin ako. Pag pasok namin sa naturang restaurant namangha ako sa Ganda nakakabakla pero maganda talaga ang pag kakaayus ng lugar.

"Wow!" Si Tyler yan na animo'y manghang mangha din sa lugar kaya tinanong ko ito.

"Ang Ganda ano?" Aniko saka tumingin dito mangha naman syang nakatingin sa isang banda ng restaurant kaya naman tumingin ako sa tinitingnan nito saka kami nag katingin apat saka sabay-sabay na nag wika ng "Aaaahhh!!. . . .maganda nga!" Saka nag tawanan kami.

Si Zoe pala ang tinitingnan nito dapat lalapitan namin si Zoe, pero tinawag na kami ng mga magulang namin at pinakikillala sa mga business partners ng mga ito.

Nag sisimula pa lang ang napaka habang gabing ito.

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon