"Mabilis na sumikat ang kakabukas pa lang na Amusement Park noong taong 1998. Agad itong dinagsa ng mga tao at ang lahat ay gustong subukan ang iba't-ibang rides sa lugar na ito." inayos ni Prof. Syn ang salamin na suot bago muling tumingin sa amin. "Ngunit, sa hindi inaasahang pangyayari, ang kakabukas na lugar ay hindi man lamang tumagal nang isang araw dahil sa isang malaking aksidente."
Iniwasan ko ang pag hikab dahil sa antok. Kapag ganitong History ang topic, wala talaga akong interes. Hindi naman sa ayaw kong makinig pero, mas pipiliin ko na lang matulog. Napaayos ako ng tayo nang madapo sa akin ang paningin ng Professor. Para niya akong sinusuri kaya dahan-dahan akong napalunok bago napipilitang ngumiti.
"Inaantok ka na naman, Ms. Syine," natatawang ani nito kaya napanguso ako. "Well, kailangan mong makinig ngayon dahil isang beses lang sa isang linggo akong mag klase kaya huwag mo nang tulugan," nagtawanan ang mga ka-blockmates ko.
"Hindi nga po, Prof! Look, oh! Mulat pa 'ko!" itinuro ko ang matang pumipikit-pikit na at napailing na lamang siya.
"Okay, back to our topic dahil malapit nang mag time," tumingin pa siya sa relo bago muling magsalita. "Misteryo ang nangyaring aksidente dahil hindi naibalita sa publiko kung bakit ngayon ay abandunado na ang sinasabing parke. Wala ding nakakaalam kung saang lugar matatagpuan iyon."
Sunod-sunod ang naging ingay ng mga kaklase ko dahil sa nalaman.
"Hala, Professor! Kahit isa, walang nakakaalam?"
"Wews, goosebumps!"
"Paano kaya nangyari 'yon, 'no?"
Muling nagsalita ang Professor na siyang ikinatahimik ng lahat. "Dahil sinasabing binayaran daw ng may-ari nang Amusement Park ang media upang manatiling tahimik. May kumakalat ding balita na kung sino mang nagtatangkang ikwento ang nangyari noong panahong iyon ay natatagpuan nang patay kinabukasan."
Saktong tumunog ang bell kaya napatalon sa gulat ang ilan sa mga kaklase ko. Sa kabilang banda, heto ako at nag-aayos na ng mga gamit dahil plano naming kumain ng mga kaibigan ko sa bagong restaurant malapit lang sa mall. Paniguradong iniintay na nila ako kaya nang matapos, agad na akong lumabas ng room at hinanap sila.
"Oh, eto na pala si Vanessa!" turo sa 'kin ni Rye, isa sa lalaking kaibigan ko.
Nakita ko silang nakatayo sa tapat ng School Garden. Kumpleto na sila at ako na lang ang hinihintay.
"Aalis na ba? Tara na! Bilisan na natin dahil baka ma-late tayo sa next class mamaya! Ang bagal niyo pa namang kumain," wika ko at hinila na sila palabas ng gate.
Nakarating kami sa restaurant at pinagmasdan ko agad ang buong paligid. Maganda ang decorations at sigurado akong talagang sisikat ito sa mga estudyante rito.
Nang makahanap kami ng table, agad nang umorder si Fourth at Rye samantalang si Tracie naman ay dumiretso sa washroom para mag re-touch kaya kaming tatlo na lang nina Triana at Alianna ang naiwan.
Kinuha ko muna ang notes sa bag upang mag review habang wala pa ang foods. May quiz kami mamaya at hindi ko matatanggap kung magkakaroon ako ng mababang marka. Abala na si Alianna sa paghahanap ng gwapo gaya ng palagi niyang ginagawa. Si Triana naman ay nag p-phone lang kaya mas makaka-focus ako sa balak gawin.
After 30 minutes, nararamdaman ko na ang antok dahil alas-dose na ako nakatulog kagabi. Ilang beses kong kinusot ang mga mata at sinubukang basahin ang nakasulat sa notebook ngunit nag b-blur na talaga ito.
"Mamaya na 'yan, Sunshine!"
Nagulat ako ng may humigit sa hawak ko at nang tingnan ko kung sino iyon, ang nakangiting si Fourth ang bumungad sa akin. Inilagay nito ang notes ko sa loob ng bag niya nang subukan kong agawin 'yon. Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo na lang dahil inilapag na ni Rye ang pizza sa harap namin.
"Ibalik mo ang notes ko mamaya, Fourth." masama ang tingin ko sa kaniya. "Dahil kapag nakalimutan ko 'yan, ipupukpok ko 'yan sa ulo mo." banta ko pa sa lalaki.
Nang hindi na ito nakasagot at tanging pag lunok na lang ang nagawa ay naupo na ako. Saktong dating rin naman ni Tracie kaya nagsimula na kaming kumain. Panay ang daldal ni Rye na hindi na bago sa amin dahil wala talagang kapaguran ang bunganga ng lalaking iyan. Kahit nga ata tapalan ko ng tape o tahiin ang bibig niya ay maririndi pa rin ako.
"Ang hirap naman no'ng assignment natin kay Mr. Buenavista! Parang gusto ko nalang i-meet si San Pedro!" OA pa na pagsasalita nito habang puno nang pagkain ang kaniyang bibig.
"Nguyain mo nga muna ang nasa bibig mo, Rye! Napaka-salaula mo," puna ni Triana.
Napanguso ang lalaki bago tahimik na nginuya ang pagkain niya tsaka muling nag salita. Nag patuloy ang lahat sa pag ke-kwentuhan at nang mag ala-una na nang hapon ay sabay-sabay na kaming bumalik para um-attend ng afternoon class.
Time went on and on at mas lalo akong nabo-bored. Parang naubos ang lahat ng energy na inilaan ko sa buong linggo at wala na akong ibang gustong gawin kung hindi ang matulog. Kaya naman noong mag-aya si Alianna papuntang bar matapos ang klase ay agad na akong tumanggi.
Nakarating ako sa condo at handa na sanang pumasok ng may kumulbit sa akin. Nilingon ko kung sino iyon at nakita si Lucy na ngiting-ngiti habang hawak ang strap ng bag niya.
"Lucy! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at niyakap siya.
Yumakap siya pabalik bago nag salita. "Dinadalaw ka."
YOU ARE READING
Amusement Park
Horror"Are you ready to face the reality, Vanessa?" - Amusement Park Written by: sawisya_