Chapter 29

4.5K 87 0
                                    

Habang nagbabasa ako sa magazine, narinig ko ang busena ng sasakyan sa labas ng gate. Wala akong inaasahang bisita ngayon dahil wala si Phoebian. Kasama niya ang pamilya niya sa Guam. Hiniling ng isang kamag-anak nila na pumunta sila kasama si Lola Gracia.

Gusto akong isama ni Phoebian kaya lang ay hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala ang trabaho ko. Ayokong may maiwan akong trabaho. Kaya ngayon ay nandito ako sa apartment at nagrerelax.

Muli akong natinag sa busena sa labas ng gate ko. Sumilip ako sa bintana. Puting SUV ang nakaparada sa tapat ng aking gate. Kumunot ang noo ko at dahan-dahan akong naglakad palabas para usisahin kung sino yung tao na yun.

Binuksan ko ang gate at sinilip siya. Una kong napansin ang pulang killer heels na nakaapak sa maalikabok na kalsada. Pag-apak ng isang heels niya sa kalsada ay unti-unting lumabas ang babaeng kanina pa gumugulo sa katahimikan ko.

Napaawang ang labi ko nang makita ko si Valentine. Unang sumagi sa isip ko tuniladang katanungan. Kanino niya nalaman ang address ko? Bakit niya inalam? At ano ang kailangan niya sakin?

Paglabas niya ay pinalibot niya ang kanyang paningin sa mga apartment na okupado. Para siyang naiirita. Kung ang ikinaiirita niya ang pagpunta niya dito sa lugar ng mga hindi niya kauri. Huminga ako ng malalim. Ayokong makisabay sa init ng panahon ngayon. Relax lang dapat ako dahil stress na nga ako sa trabaho, masstress pa ako dito sa pagpunta ni Valentine.

Matapos ang paglibot ng kanyang paningin ay nagtama ang tingin namin. Nagtaas ang kanyang kilay. Humakbang siya papalapit sa akin. Mga isang metro ang layo niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya.

Pinagkrus niya ang kanyang braso sa tapat ng kanyang dibdib. "I came here to negotiate with you."

Mas lumalim ang pagkakunot ng noo ko. "Wala akong natatandaan na magkakilala tayo ng husto para makipagkasundo ka sakin."

"Fuck the casualties and formalities Maiarie Gascon. I don't care kung hindi tayo magkakilala ng husto but I want you to cooperate with this negotiation." Maanghang niyang sagot.

Napangiwi ako sa pagmura niya.

"Paano kung 'ayoko' ang sagot ko? May magagawa ka ba?"

Napangisi siya. "I know you can't say no to my offer."

"Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Ano ba talaga ang sadyo mo dito? Hindi ikaw yung tipo na mamasyal lang sa lugar na'to." Malamig kong sabi.

"Feisty." Ngisi niya pero bumalik sa pagkablanko ang kanyang mukha.

Binuksan ang kanyang bag na nakasabit sa kanyang braso at may kinuha. May kinuha siyang isang maliit na papel. Inabot niya yun sakin. Tinanggap ko dahil nagtataka ako kung ano ang laman nun. Kumunot uli ang noo ko noong mapagtanto kung tseke pala yun.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Kinuha ko ang kamay niya at binalik ang tseke na yun. Para saan ang pera na yun? Yun ang pinagtataka ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ako nagbebenta ng laman-loob."

Nanglalait siyang ngumiti sakin. "Don't worry, wala akong balak na gawin yun. I came here to offer this large amount of money to you to stay away from Phoebian. Diba ganyan naman kayong mahihirap? Naghahanap ng mapera para magkapera. Gaya ng paghahanap ng mga babaeng ambisyosa sa mga foreigners? Huh, what a shame!"

Nag-init agad ang ulo ko sa sinabi niya. Ipinahihiwatig ba niya na salapi lang ang habol ko kay Phoebian? Kahit kailan ay hindi pa ako humingi na kahit isang kusing manlang. Siya ang nagbibigay sakin at kahit magpumilit ako na wag akong bilhan ng kahit anong materyal ay hindi siya nakikinig sakin.

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon