Sabrina Chantelle's POV
Nakakainis naman ni Mama. Papuntahin ba naman ako dun sa bahay ng bago naming kapit-bahay?! Grabe ano? Di naman ako feeling close eh! Basta ako ayoko! Last week kasi nagpa- blessing sila. Eh, ako nasa bahay nila auntie, doon ako natulog kasi may pinagawa sakin for 3 days. Kaya si Mama lang yung nakapunta, at akalain mo, close agad sila nung may-ari noon! Haruskooo!
Tapos ngayon, gusto ni Mama, ako naman yung maki close doon! Hell no!
What i mean, wag muna sa ngayon, darating din yung tamang panahon diba? Atsaka busy ako ngayon. Marami pa akong tinatapos.
Well, magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Sabrina Chantelle Guzman, 19 na ako, at 4th year college taking up Business Management sa Colossantre University at last week na ngayon ng February ngayon kaya graduating na ako!!
Well, friday ngayon, at mabuti na lang, wala kaming pasok! Wuhooo!
Atsaka mga final special projects na lang ang ginagawa namin. At dahil masipag ako, wala na akong dapat abalahin pa, pero kailangan pa din namin ng attendance sa school.
by the way,
Maaga pa naman, 9:30 am. Ginising kasi ako ni Mama kanina para lang sabihan tungkol dun! Kaines nga eh! Wala ng ibang sinasabi kundi ganito daw, ganoon! Tsss!
Kaya Eto ako ngayon sa kwarto ko, kagagaling ko lang sa sala, kasi nga diba ginising ako ni Mama!
*tok tok* Punyeta, ayan na naman! Kumakatok na naman!!!
"Anak naman eh! Pumunta ka nga doon! Gusto ka makilala ni Tita mo Diane!" sabi ni Mama na patuloy pa din sa pagkatok!
Padabog akong naglakad sa pinto at binuksan ito.
"Eh!! Mama naman eh! Ayoko nga po diba? Atsaka may gagawin pa akong special project!" sagot ko naman pero joke lang yon.
"Heh! Tigilan mo ko Chantelle! Wala ka ng gagawin eh! Sigurado akong Cum Laude ka na kaya sige na! Pumunta ka na doon! " sabi niya. Oo nga pala, ayaw kong tinatawag ako ng Sabrina, lahat tawag nila sakin Chantelle, maliban sa isang tao. Secret! :P
"Hayst! Oo na Ma! Sige na. Mamayang hapon!" sabi ko at akmang isasara ko na ang pinto ng magsalita siya.
"Ok! Sige. Tamang tama naman, sabi ni Diane, doon daw tayo maglunch at may sasabihin ako doon sayo!" sabi niya at ngumiti
"Ge" sabi ko na lamang at sinara ang pinto!
——————————
12 noon na pala. Hay..
Kaliligo ko lang at nagbibihis ako ngayon. Ano kayang isusot ko? pambahay lang kaya o mag dress ako? Aish! Si mama kasi eh! Na pepressure tuloy ako! Aba, kahit maarte ako, gusto ko padin magmukang tao este decente doon diba? Atsaka, maganda ako kaya kahit wala ng make up hihihi ;P
Ang pinili ko na lang ay yung cream na dress na may floral design tapos nag doll shoes na lang ako. Ang sosyal no? sa kabilang bahay lang ang pupuntahan haha!
Naglagay ako ng konting powder at eyeliner tapos cologne para naman dagdag beauty points! Malay mo, may gwapong nilalang sa bahay nila mwahahaha!
"Oii Anak, tara na" sabi ni Mama.
"Ayy Lintek! Ang ganda ng anak ko!! Wooh! Mana ka talaga sakin!" nabigla nga ako sa pagsigaw eh! Grabe!
BINABASA MO ANG
My Ex Next Door
Fiksi Remaja"Anak, may bago tayong kapit-bahay. Diyan sa tapat lang natin!" ani ni Mrs. Guzman. Sinabi niya sa anak niya na may bago silang kapit-bahay, at mukhang wala lang eto sa dalaga. "Hoy! Anak. Wala ka bang balak pumunta doon?" "Ano ba Ma?! Ba't ako pupu...