CHAPTER 2

0 0 0
                                    











Naririnig niya ang mga gamit na tila my nag hahain na, at gripo na tila my naghuhugas .. Uminat siya ng bahagya at dinilat ang mga matang gusto pang pumikit.. Ohmmm, anong oras na ba kz,
Sinipat niya ang maliit na alarm clock sa side bed niya... 5:30 pa lng ng umaga...
Alas syete pa ang pasok niya....

Ohmmm, pinikit niya ulit ang nga mata, ng biglang bumukas ang pinto,

Apo.. Bumangon kana riyan,
Di sya kumibo at nagtuloy tuloy sa pag pikit ng mata,, kahit dinig na dinig niya ang pag tawag ng lola niya....

Nang hindi sya gumalaw,ELAINE MARIE SILES  MONTERO ... Walang isang iglap naidilat niya ang mata niya, ng marinig ang buong pangalan niya....

Lola naman, tinignan niya ang lola niya habang nakatulis ang nguso niya....

Oh eh bakit, alam kong gising kana...
Pero nagtutulog tulogan ka pa...

Lola naman sa Selis po ang last name ko..Hindi po ako related sa Montero ok..

Matagal na po silang wala sa buhay ko "la..
Kaya wag mo na lang po idugtong sa pangalan ko.... Tanging si inay lang po ang siyang tumayong magulang sakin, at wala pong kahit isang Montero ang  lumitaw habang lumalaki ako at nag kaisip, kaya lola... Parang awa niyo na... Ha.. Ikaw lang at si inay ang syang meron ako...mahabang pag dedebate niya sa lola niya...

Hay naku, kahit bali baliktarin mo man ang mundo..my dugo ka pa ring Montero at hindi mo maiaalis ang bagay na yon sa buhay mo kahit kumulobot pa yang balat mo.. Ganting debate ng lola niya..

Ganito sila ng lola niya kapag umaga...pero ganun pa man mahal na mahal niya ito, at wala na siyang mahihiling pa sa pag aaruga nito sa kanya mula ng namayapa ang kanyang ina...dahil sa sakit nitong lukemya.

Bumangon na si Elaine ng tuloyan, at umupo sa kama.. La.. Maaga pa naman po..ang aga niyo pong nagluto,mamaya pa pong 7:00 ang pasok ko mag  a-alasais pa lng po ng umaga...

Hay, aalis ako ngayon, dadalawin ko ang lolo mo anniversary namin ngayon, kaya maaga akong nagluto, dahil balak kung duon muna ng ilang oras at baka hapon na akong maka uwe,saad ng lola niya..

Lumambot ang puso niya dahil sa sinabi ng lola niya.. Ayy oo nga pala.. Happy anniversary po sa inyo ni lolo ,la.. Salamat apo...bakas ang saya sa boses ng lola niya, niyakap niya eto...

Sege po lola.. Ako na po ang bahala sa sarili ko, kaya ko naman po ,aanhin ko pa ang lahat ng natutunan ko sa inyo ni inay kung hindi ko gagamitin....sa sinabi niya..tinignan siya ng tuwid ng lola niya.. Na para bang sinsigurado ang kanyang sinabi..
Kya natawa sya,... Bakit po la..
Ngitian sya nito ,, malaki ka nga at matured ng mag isip... Alam kong darating ang araw na hindi masasayang ang lahat ng tinuro namin sayo  ng nanay mo.. Ngumiti sya at niyakap ang abuelo..

Sege na tumayo kana at sabay na tayong mag almusal..
Ok , tara lets.. Natawa ang lola niya sa sagot niya...

Nag banyo muna siya at pag katapos sumunod siya sa lola niya, sa kusina.

Pritong itlog, hotdog na ilang piraso,at ilang daing, may nakahain ding special na kare kare, at mainit na kanin.. Habang my nakaready na pang sangkap sa kape at tasa tig isa sila ng lola niya..

Ganito sya alagaan at mahalin ng lola niya pati ng inay niya nong nabubuhay pa ito..

Miss na niya ito makasabay sa pagkain, madalas nga lang wala ito dahil may trabaho itong, kahit kailan hindi niya nalaman, dahil mabait at masurin syang anak at apo hindi sya gaanong nag usisa pa...

Marie, ano bang iniisip mo jan, kain na at lalamig ang pag kain.. Lola at inay niya lang ang tumatawag ng second name niya,

Ang lola niyang nag uumpisa ng humigop ng kape, kaya inumpisahan na niyang mag lagay ng pag kain sa plato at magsangkap ng kape...

Si Elaine ang nag ligpit ng piang kainan nila.. At pag ka tapos niyang maglipgpit, naligo na rin sya at nag handa sa pag pasok sa trabaho.

Regular secretary na sya ngayon ni Calleb, ang asawa ng kaibigan niyang si Alice, halos 9 months ng kasal ang mga ito at nabiyayaan na ng dalawang munting anghel, sina Ava at Carwyn ang kambal na cute na cute, ang sabi ni Alice sa kanya ng huli silang mag ka kwentuhan,next month papabinyagan na nila ang kambal kasabay ng first birthday ng mga ito.at isa sya sa mga ninang ng kambal...para daw maka tipid sa gastos,

Hay naiiling sya sa kaibigan niya.. Talagang si Alice ay simpleng tao lang hindi maluho, kahit na mayaman ang napangasawa nito.nanatili itong mababa at hindi, abusado sa mga biyaya nito sa buhay, hindi tulad ng iba na subra subra kung gumasta ng kayamanan..

Samantalang ito, nangingiming gastahin ang pera ng asawa nitong bilyonaryo...

Nang makapag bihis na sya.. Lumabas na sya ng kwarto, At ang lola niya handa na rin ang mga dadalhin nito sa sementeryo..

Lumapit sya dito at humalik, mag iingat ka lola , at tawagan mo ako kapag gagabihin ka para po bumili na lang tayo ng hapunan sa labas,

Ay ikaw talagang bata ka.. Sya sege, ikaw ay mag iingat din.. Ako na ang magsasara ng bahay ha, may sarili ka namang susi...
Tumango sya at nag paalam ng mauuna na...

Sumakay sya sa sariling sasakyan, na may kalumaan na halos madalas na ngang tumirik dahil sa tanda ng panahon, toyota vios, ang sasakyan ng inay niya..na naipundar nito nong nagtatrabaho pa ito..ang sabi ng ina niya sales manager ito sa isang companya...at lahat ng benefits nito at life inssurance ay naka pangalan sa kanya,pinaandar niya ang sasakyan palabas ng maliit nilang garahe, pati ang bahay nilang ito sa santo tomas maynila... Ay galing din sa pagtatrabaho ng ina niya...at ang sasakyan na pinamana sa kanya ,gamit na ng ina niya mula pa nong highschool sya ginagamit na ito panghated at sundo ng inay niya sa kanya...at ngayon sya naman ang nagtatrabaho sya naman ang gumagamit, kaya hindi niya ito maidispatsya ng ganun na lng, dahil malaki ang sentemental value sa kanya ng kotseng ito.. Kaya mahal na mahal niya rin ito....ito lang ang bagay na matagal naging pag mamay ari ng inay niya bukod sa bahay, nila ngayun ng lola niya.

Haist ang traffic naman talaga hindi na mawawala, bulong niya sa sarili,
Buti na lng talaga maaga akong pumasok ngayun... 6:30 pa lng.. Sana naman wag mag tagal ang traffic na ito..bulong niya sa sarili..

Maya maya pa umusad na sya , nang biglang, inunahan sya ng isang pulang sasakyan, na sa tingin niya sports car ferrari, yon...sumingit pa talaga ang gagong to... Buysit talaga.. Pag nga naman ang mga pilipino.. Karamihan di marunong magbigay ng daan gusto sila ang laging nauuna..porket maganda yong kotse, ng gago...basta basta na lng sisingit...

Mahabang sabi ni Elaine na animo may kausap sa loob ng sasakyan , kahit mag isa lang sya.....

Tandang tanda niya ang kulay ng sasakyang yon..kaya pag nakita niya yon malalman niya kung sino man ang may ari ng sasakyan na yon...ang sarap galusan, naisip ni Elaine, at napangiti sa sariling kalokohan..

Hanggang marating na niya ang building kung saan sya nag tatrabaho...ipinarada niya ng maayos ang sasakyan at pag katapos bitbit ang bag niya at pumasok na sya ng buliding, umpisa na para makipag bakbakan sa mga papel na ang aanatay sa kanyang lamesa.. Dahil ang boss niyang magaling at baliw, ayaw ng iwanan ang asawat anak nito, at baka ngayong araw ihated niya ang lahat ng trabaho nito sa mismong bahay nito sa Village kung saan ang mga ito nakatira....  Ang Alexander homes Village...

Hayy.. Ang swerte ng kaibigan kung yon...

Ang ganda at ang pogi ng mga anak nitong kambal at my gwapo pang asawa na..hands on sa kanyang pamilya...














Pacenxa na po sa mga typo ko..inaayos ko naman po... Kapag my mga wrong spelling pacenxa na kung hindi ko lahat na marepair, umasa kau na makakabasa kau ng mga wrong grammar at wrong spelling sa nga story ko...

Salamat po sa pang unawa....

Izzasangil06

SAVE ME Book -2 ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon