Gabi na nang maka uwe si Elaine sa bahay nila, at naabutan niya ang lola niyang nanunuod ng balita, kumapit sya ang nag mano, hi, la mano po.. Kaawaan ng ng diyos apo, malamang traffic nanaman kaya ginabi kana, nakapag luto na ko at baka malamig na, halika na at ipag hahain kita,
Wag na lola, pigil niya sa lola niya, ako ng bahala sa sarili ko..sege na po jan na lng kayo at manuod ng tv, magpapalit lang po ako ng damit at kakain na ko...
Oh sya sege ikaw ang bahala,tawagin mo ako kapag may kailangan ka...tumango siya at nagtuloy sa kwarto niya, nag shower siya at nag babad ng kaunti, nag maginhawaan , pinatay niya ang shower saka nag tuyo gamit ang tuwakya, nang makapag bihis ay lumabas siya ng silid, wala na ang lola niya, siguro ay inaantok na at natulog na sa silid nito,
Nagtuloy na sya sa kusina at nag hain para sa sarili, tinolang manok ang ulam, ininit niya ng bahagya saka nag umpisa na syang kumain
Nang matapos maghapunan..nagligpit sya at pumasok sa sariling silid, hindi na nag ingay pa para di na magising ang lola niya na mahimbing nag tulog sa sariling,silid nito,
Pumasok sya sa banyo at nagtootbrush, gusto na rin niyang matulog, dahil pagod sya sa trabaho at bukas bibisita sya sa kamabal na cute na cute,
Inayos niya ang higa at saka sya nag kumot, hanggang tuloyan ng makatulog
Hindi ako makakapayag na sa isang tulad mo lang mabaliw ang anak ko,sigaw ng lola niya, ang ina ng kanyang ama, hindi ko hahayaang tuloyang masira mo ang buhay ni serafin, donya, Constansya, parang awa niyo na aalis po kami ng mga anak ko basta gusto ko lang pong mag paalam kay serafin, parang awa niyo na po, pag bigyan niyo na ako, aalis po kami at hindi na kailan man kayo gugulohin, pag mamakaawa ng inay niya, sa matandang donya, sa tingin mo papayagan ko iyong mangyare, hindi.....
Habang hila hila ng mga kasambahay ang kanilang mga gamit, bitbit sila ng inay niya habang ang donya naman at tinataboy silang parang hayup, umiyak ang bunso niyang kapated, kaya napahinto ang donya sa paghila sa inay niya palabas ng mansyon, at pilit na inagaw ang kanyang isang buwang sanggol, ..akina ang batang yan, sasabihin ko kay serafin na inabandona mo ang sarili mong anak para sumama sa iba ,dahil hindi ka makontento sa anak ko, kaya sigurado akong itatakwil ka ng anak ko,sisiguraduhin kong hinfi kana makakapasok sa buhay niya,sa mga oras na ito, sigurado akong hinding hindi ka niya mapapatawad, bulyaw ng donya sa kanyang ina na halos luhaan at ang mata nitong puno ng pakiki usap sa donya na ibalik ang anak niya at kapated sa kanila,pero di na hinayaan ng donya na makalapit pa sila, hangang sa nasa labas na sila ng mansyon at sumara na ang malaking gate, niyon...
Nakiusap ang inay niya sa mga guard,pero takot ang nga ito sa donya, kaya hindi sila nito matulongan,
Nang bumusina ang isang sasakyan, dumating ang kaniyang ama , at ng bumaba ito sa sasakyan, agad nitong hinawakan ang inay niya ng galit ang anyo,
Kailan mo pa ako niloloko, agatha, tama ang hinala ko, na nakikipag kita kapa sa dati mong nobyo, kailan mo pa ako iniiputan sa ulo,bulyaw ng ama niya sa inay niya,
Serafin mahal ko, maniwala ka sa akin, wala kong ginagawang masama sayo, parang awa mo na, maniwala ka mahal ko di kita niloko kailan man,
Pero hinagis ng ama niya ang mga larawan sa mukha ng inay niya na ikinasinghap nito,
Mga larawan ng tito george niya, magkasama ang dalawa habang masayang nag uusap, kuha ito sa ibat ibang angulo sa loob ng pribadong restawrant,
Tumingin ang ina niya sa ama niya, at nagmamakaawang pakinggan ito ng ama niya ,
Magpapaliwanag ako, mahal ko,hindi totoong may relasyon pa ako sa kanya,ang luhang panay ang daloy mula sa mga maga ng kanyang inay, punong puno ng sakit at pagmamakaawa na pakinggan ng ama niya, pero nabigo ang inay niya,
Hindi mo na mabibilog ang ulo ko..ngayon din lumayas ka sa buhay ko, at hinding hindi mo makikita ang bunso natin,
Tiningnan sya ng ama,ngunit nag sumiksik ang maliit niyang katawan sa likod ng inay niya, ang munting puso niya ay nagtanim ng galit at pag ka puot sa itay niya,
Serafin" maawa ka, pakinggan mo ako magpapaluwanag ako,...humahagulhol na paki usap ng inay niya,
Para ano pa agatha" para makuha mo ang pera ko, ha" para mabilog ulit ang ulo ko' para malaya kayo ng kalaguyo mo,
Hindi ko na hahayaang managyare yon'
Halos mapunit ang bata niyang puso sa mga nasaksihan niya ng gabing yon...
Iniwan sila ng ama niya at sumakay muli ito ng sasakyan, nagmaneho papasok ng mansyon,
Nang sumara muli ang malaking gate,
Tiningala niya ang inay niya,
Nay, si Liam baby.. Paano na tayo,san tayo pupunta nay,bad si lola,constas-yha inaaway ka niya lagi, at pinag bibintangan ng bad, pero di alam ni itay siya yong bad, pero si itay di sya nakinig sayo nay,
Libo libong sakit ang naramdaman ni Agatha, ng marinig ang mga sinabi ng munting Elaine,sakit ng puso at pag kawasak, alam niyang may kinalaman ang donya sa lahat ng ito,
Hindi alam ng ina ni Elaine kung paano sila mag uumpisa, sumabay pa ang kulog at kidlat, nabasa sila pati na rin ang nga gamit nila...
Nag mistula silang palaboy at kaawa awa sa sitwasyon nila,
Nag lakad sila palayo sa mansyon kahit umuulan, nag hanap ng masisilongan, at pagpaplipas ng gabi,
Nag makakita ng maliit na waiting shed, nag hintay sila na my dumaang sasakyan, iisa lang ang nasa isip ni agatha, ang umuwi sa sarili nitong probinsya, sa Quezon duon sa kanyang mga magulang
Mag uumpisa sila ni Elaine,wala siyang laban, wala siyang kakayahan mabawi ang bunso niya, pero sisikapin niyang matanaw ito kahit malayo ...pangako yon Liam anak, sambit ni agatha habang lulan ng bus patungong probinsya ng kanyang mga magulang,Ang mahabang panaginip nanaman na yon ang bumalik sa isipan ni Elaine na nag palayas ng antok niya, sa kalagitnaan ng gabi,
Matagal na niya iyong binaon sa limot, pero ,ang kapated na kasama niya araw araw sa trabaho niya, kung buhay lamang ang inay niya, baka hindi ito nakapag pigil sa sugurin ng yakap ang bunsong kapated kung sya nga nagpipigil lamang sa twing lalapit sa kanya si Liam,
Pero hanggang kailan niya pwedeng pigilan ang totoo niyang pinagmulan, hanggang saan siya dadalhin ng kangang nakaraan,
Nag init ang sulok ng kanyang mga mata, nay sana nandito ka para alam ko ang gaagwin ko, bulong niya sa hangin ,tuloyan ng nalaglag ang luha sa mga mata, sana nay kasama kita, para nakikita mo rin siya, ang gwapo niya nay, halos kahawig mo ang mata niya, ang ilong at ang bibig niya, samantalang ako, kasalungat, dahil si itay naman ang mas may malaking hawig sakin kesa sayo na kutis mo lang ang kumapit sakin,pag kausap niya sa hangin, habang tinitignan ang picture ni Liam na stolen shot, ito ung una silang nagkita sa lobby, at sabay na kumain sa Canten, kiuhanan niya ito ng palihim, kaya meron na syang remembrance sa kapated niya..
Akala ko di na tayo muling magkikita pa, pero ang tadhana ang naglalapit sating dalawa,baby brother, bulong niya habang nakatingin sa hawak na celpon,
Inayos ni Elaine ang pag higa at saka pinikit muli ang mata, hanngang sa makatulog
Mga dzaiiii, kapoy na hahahhha
Char lang . Liam Ortega Montero
Pogi yorn,