19- How To Reveal The Princess's Past?

13 0 0
                                    

Warning: Some scene may consist of bullying.

Jane's P.O.V.

Bagot akong lumingon sa mga nakasunod ko.

"Hoy, kayong dalawa, hindi ba kayo titigl kakasunod sa akin?"

"Hahaha, we went together with a same car, tapos iisa rin ang pupuntahan natin. Ayan, na ang school oh." Nakapamulsang tinuro ni Justin ang tapat namin.

"Pero bakit sa likod ko? Umalis nga kayo d'yan."

"Bakit kasi pinauna mo sila L at Thea? We should come together, ang ganda sana nating tignan." Ngumiti si Jazelle.

Hindi ako makasagot. Dinahilan ko sa kanilang hindi ako siguradong papasok dahil sa sakit, pero hindi, may iba pa akong rason. At mga parating na ata.

"Mauna na kayo." Tumigil ako. May mga nag-aabang sa akin sa parking. Baka madamay sila.

"What's wrong? Parang hindi naman kami Marven's High dati ah, alam na namin 'yan." Kumaway si Justin sa mga lalaking nakatingin. Hindi sila mga magkakaibigan, mga magkakakilala lang. Pero ang paglapit nila ng may mga ngisi at mapanuring nakakalait na tingin ang nagpahayag na hindi nila kami papalagpasin.

"Justin, si Jazelle."

"Akong bahala d'yan."

Parehas namin inintay ang mga paglapit nila. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa likod habang nakangiti ng malapad. Ako ang kinakabahan. Hindi ako si Hayley, pero kung may gulo, nag-aalala ako para kay Jazelle. Ganito rin kami dati. Kami ang bahala ni Justin habang nag-aalal si Jazelle sa likod.

"Good morning nerd!" Bati ng isang lalaking may pekeng ngiti. Marami sila. Apat na lalaki at tatlong babae. Isa si Chello. Matapang talaga ang isang 'to.

"Good morning school mates, what do we have here?" Bati ni Justin na isa-isa silang tinignan.

Ayaw ko silang mapasama sa akin o makaranas ng mga ganito ulit na bagay, pero wala na akong magagawa. Ang kailangan kong lumaban para sa kanila. Kung hanggang saan ang kaya kong gawin ngayon? Wala. Hanggang sa kaya ko, hanggang sa kayang gawin ng dati akong. Wala na akong pake kung makilala nila ako bilang Hayley. Once na mapasama kaming tatlo, ready na rin akong makick out ulit.

"Nothing, we just want to check on your things." Kinuha ng isa ang mga gamit nila. Lalaban sana ako kaso humara si Justin para hayaan sila.

"It's okay. Wala naman silang makukuha."

Ganito siya kakalmado lagi. Mapagtripan man, nakangiti pa rin. Iisang bagay lang ang trigger ni Justin, iyun ay kung sasaktan si Jazelle.

"Opps!" Tinapon ng isa ang gamit naming tatlo.

Naikuyom ko ang kamao ko. Sira na naman ang mga gamit ko. Inapakan nila ang iba at sinipa.

"Look at that! Puwede palang magsoccer sa parking lot." Sinipa ng isa ang bag kong walang laman. Inangasan ako nito ng ngisi. "Bakit? Are you angry, nerdy?"

Natawa ang iba. "You're not only Dare's target. He said he doesn't care anymore. Hindi ka na ligtas sa amin, nerd!"

Nawalan ako ng gana. Kung puro sila salita, wala silang magagawa sa akin.

"Oh! You're rolling your eyes, aba may improvement ka!" Kinapitan ng isang lalaki ang ulo ko at pinihit ng harap-harapan. Asar 'to. "The nerd is rolling her eyes!"

"Don't do that. That's not nice." Ani ni Jazalle sa likod.

"Miss Not Nice, kamusta? I heard you got a stomach ache yesterday. Ayan kasi, masiyadong nagbabait-baitan." Nanloko ang babaeng nanulak sa kaniya. Mabilis kaming napalingon ni Justin.

How To Be A Princess To Troublemaker's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon