20- How The Princess Switched Sides?

15 0 0
                                    


Jane's P.O.V.

Tahimik ang buong oras ng paggagamot sa akin ni Sam. Maliit lang ang sugat ko pero may kunting lalim. Hindi ko na sinabi kayna Justin, baka mag-alala sila. Sira rin ang vest ko at may tastas. Ang malas ko kay Chello.

"More alcohol." Pagbibiro ni Sam. Tahimik siya kanina, siguro ay patapos na kaya nag-iingay. Ang seriyoso niya kanina. May personality complex ata. Ang sama ng ugali pero pagnakakakita ng sugat pinagtri-tripan. Parang ewan ang mga nakukuhang kaibigan ni Dare.

"Kanina mo pa ako binubuhusan ng alcohol, basang-basa na ako tapos kulang pa?"

"Hahaha, di pa kita nakikinig umaray."

Ang grabe lang. Hindi pala tulong 'to at masokista siya.

"Aren't you comfortable? Naghuhubad ka sa harap ng lalaki."

Napadiin ang kapit ko sa blazer ko sa dibdib. Nakatakip iyun sa dibdib ko dahil kailangan buksan ang kalhati ng polo ko sa kanan. Tanggal ang pagkakasuot ko sa sleeves pero hanggang sa balikat lang. Hindi ako nagsa-sando. Kita ang bra strap ko sa balikat. Mas easy access sa kaniya para makita kaagad ang sugat ko.

"Akala ko natulong ka, eh bakit may pamomosong kasama? Hindi ba pag mga doctor dapat wala ng pakialam sa mga ganun." Nangilabot ako bigla ng lumapat ang basang-basang bulak sa sugat ko.

"Haha, what makes you so sure na magdo-doctor ako? I'm only a high school student, you're asking for a fifteen years career, who are you? My parents?"

Okay pahiya ako.

"Malay ko ba sa gusto mo. Eh sa ganito ang ginagawa mo, edi nag-assume ako."

"I helped because I can. I don't want to be a hypocrite who can offer but chooses to ignore my knowledge."

"Edi magdo-doctor ka nga, ganiyan naman diba lahat ng doctor? Mahilig tumulong sa kaya nila."

"No, you're wrong." Naging malagong ang tono nito. Humiwalay ang bulak sa balat ko kasunod ng pagdikit niya ng something. "I'm helping you because no one can. It's a pity, not a good will."

Nablangko akong napatitig sa baba ng parking lot. Naandito kami sa green house, samantalang nawawala na ng mabilis ang mga estud'yante sa baba dahil bell na.

Tulong? Walang tumutulong sa akin dati. Lahat sila nandidiri pagnapapa-away ako. Kababae ko daw na tao tapos kung saan-saan ako napapa-away. Wala daw akong kahihiyanan kaya nababagay lang daw sa akin ang makaranas ng mga ganitong bagay. Mas gusto ko naman iyun, hindi na ako tinitignan na mahina. Naiiba man sa tingin ng karamihan, at least napapaglaban ko ang sarili ko.

"Kahit na, minsan sa awa nagsisimula ang paggawa ng mabuti." Tinaas ko ang sleeves ng polo ko at tsaka sinuot. Nakatitig ako sa labas sa pagbibihis.

"If you will continue doing that, you will hurt yourself."

"Ha?" Nang lingunin ko siya nakaturo ito sa balikat ko.

"Over extending. Kung hindi ka gagalaw ng dahan-dahan, treating your wound would be useless." Sinabi niya iyun habang naglilinis ng mga pinaggamitan. Mukhang sanay na sanay siya dahil hindi man lang siya nandidiri sa mga bulak na may dugo ko. "And pity? It can ruin you sometimes. Like now, I'm late to classes because I helped you."

Ngumiti siya ng sarkastiko. Natatawa ako, ayaw niya talagang magpatalo. Gusto laging siya ang tama. Ang komplikado.

"Wala pa akong influence sa iyo, nagre-reklamo na ka? Hindi ka pa nga ata natututong magcutting." Umiiling akong nagbitunes ng polo.

"Cutting? For a good nerd A plus student, you've done that?" May halong tawa at hindi naniniwala ang naging pag-iling niya.

"Katulad mo, hindi lahat ng kayang tumulong gustong maging doctor. Hindi rin ibig sabihin na dahil nerd, hindi gumagawa ng mali."

How To Be A Princess To Troublemaker's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon