Simula:

13 6 2
                                    

Liham 1                                   Hulyo 26,2022
                                              
Aking mahal                                     

   Ganito ba talaga kapag mahal mo ang isang tao?Handa kang gawin ang lahat para lang sa taong ito?

   Ito nanaman ako hawak ang aking ballpen ,handa na akong magsulat ng liham para sayo mahal ko.Kamusta ang araw mo?May maganda bang nangyari sa araw mo?Kumain ka na ba?

      Ganito ako lagi.Hindi ko masabi ng harapan ang mga salitang ito ,kaya idinadaan ko na lang sa liham .Ang hirap pala ng ganito ,kahit gusto mong sabihin hindi mo kaya .Dahil alam mo sa sarili mo na hindi ka nya kilala.Yun ang masakit na katotohanan.Wala syang alam tungkol sayo o sa nararamdaman mo.

        Pero kapag ikaw ang tinanong mas kilala mo pa sya kaysa sa sarili mo .Dahil nga mahal mo .Lahat ng bagay tungkol sa kanya alam mo.Know your place.Ano nga ba ako sa buhay nya?Bakit ba kasi ang hirap magmahal ng patago?Sana kahit kunting pagtingin lang Alejandro.

       Masaya akong nakita mo na ang para sayo.Pero sana makita mo rin ako ,ako yung babaeng mahal na mahal ka .Lagi lang akong nandito para sayo.Sana makita mo rin ako. Paalam mahal ko,bukas na ulit.

                     Ang babaeng mahal na mahal ka :
                                         Isabella.💔           

    

 
   

Liham (oneshot story)💛Where stories live. Discover now