Sa pagbukas ng aking mga mata, putting kisame agad ang aking nakita. Ni walang ka buhay-buhay gaya ng mga pader na sing puti ng mga ulap. Para akong nasa Psych ward na nakakulong sa kwartong puro puti. Di naman ako baliw at hindi ako nakatira sa mental hospital. Sadyang Paborito ko lang talaga ang kulay puti.
Ako si White Rose Lopez. Di naman halata kung bakit puti ang paborito kong kulay diba? Natatawa nalang ako pag-iniisip ang sinasabi ni lola sa'kin kung bakit White Rose ang pangalan ko. Sabi niya noong nagbubuntis si mama sa akin palagi niyang gustong makita ang puting rosas. Iiyak talaga siya kapag hindi siya nakakakita ng puting rosas kaya si papa, araw-araw na bumibili ng puting rosas. Doon ako pinaglihi, dahil di lang puti ang pangalan ko, pati balat ko sobrang puti na halos lahat ng taong makakakita sa akin, inaakalang taga-ibang bansa ako.
Bumaba na ako ng kama ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Hindi naman sa naghahabog ako pero alam kong may itsura ako. Maraming beses na akong ini-invite maging model pero ayaw ko. Sabi nila sayang ang ganda ko pero wala talaga akong talent sa model model na 'yan.
"White! Kain na!", sigaw ni lola sa ibaba.
"Opo, La! Bababa na!" dali-dali akong nanghilamos at nagmumog at bumaba na rin.
Pagkababa ko sa sala, Nakita ko yung mga box ng mga gulay at prutas na ititinda namin ni lola sa palengke.
Kakatapos lang ng kontrata ko sa pinagtatrabahuan ko, habang wala pa akong makitang trabaho, tutulungan ko muna si lola na magtinda. Parati ko namang tinutulungan si lola eh lalo na kapag wala akong pasok sa eskwela at sa trabaho noon.
"Halika kana apo, kain na tayo.", pagkaupo ko sa mesa ay agad akong binigyan ni lola ng aking agahan. Sobrang spoiled ako ni lola kaya ini-ispoil ko din siya. Kami nalang kasing dalawa ang magkasama sa buhay.
"La, umupo na po kayo, kumain ka na rin." Pilit ko sa kanya. Hindi pa talaga siya uupo kung hindi ko pinipilit kasi kakain lang siya pag alam niyang malapit na akong matapos kumain.
"Apo, anong oras tayo pupunta ng sementeryo?", malungkot niyang sabi.
"Pupunta muna tayo ng sementeryo la bago pupunta ng palengke, okay lang po ba?", sabi ko sabay ngisi. Ayokong maging malungkot si lola ngayong araw, o sa kahit anumang araw pa.
Death anniversary ngayon ng mama at papa ko.
Sampung taon na ang nakakaraan nang maaksidente sila papuntang palengke. Habang magka-angkas sila ng motor, isang lasing na driver ng truck ang bumangga sa kanila. Labing-limang taon pa ako noon, at mulat ako sa katotohanang wala na sila mama at papa. Maraming nakiramay, maraming naawa dahil sa aking pagka-ulila. Ilang buwan din akong nagkulong sa kwarto, iyak ng iyak dahil sa nangyari.
Walang anak ang hindi mababaliw pag nawalan ng magulang.
Pero kinaya ko. Nagpasya akong lumaban sa buhay. Pinipilit kong ilaban ang aking sarili dahil nandito pa si lola. Si lola nalang ang pinanghuhugutan ko ng lakas ng loob.
"Apo, okay ka lang ba?" Biglang tanong ni lola. Diko namalayan na nakatunganga pala ako ng ilang Segundo.
"Okay lang po ako la, medyo inaantok pa po, hehe" palusot ko. Ayaw kong makita ako ni lola na malungkot dahil malulungkot din si lola.
"Si james, sabi niya na sasama siya sa atin diba?" Nabuga ko ang kinain ko. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya na hindi makakapunta si James dahil may photoshoot siya ngayon. Tinext ko siya kagabi kung sasama ba siya kahit saglit lang.
Agad kong tiningnan ang cellphone ko at baka nga reply siya.
"I can't come. Sorry"
Simpleng salita lang pero halos gumuho ang buhay ko. Alam na alam niyang death anniversary ng mama at papa ko. Dalawang taon na kaming magnobyo pero ngayon lang siya nagkaganito.
BINABASA MO ANG
Ruthless You
RomanceHinding-hindi mo mapipili ang lalaking itinadhana para sa iyo. Kahit ang ugali niya ang sobrang kasalungat ng lalaking pinapangarap mo. White Rose Lopez, isang babaeng nangako sa sariling hinding-hindi niya kailanman mamahalin sang isang Cloud Loren...