Chapter 2

5 0 0
                                    

Basang-basa ako na pumasok sa hospital, lahat ng tao nakatingin sa akin. Pero wala akong pake sa kanila.
Dali-dali akong pumunta sa front desk at nagtanong tungkol sa lola ko.

"Ma'am, nasa operating room na po ang lola ninyo. Sa unahan lang po ang OR"

Walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi ang lola ko.
Kada hakbang ko, para pinapako ang ang mga paa ko sa sahig dahil sa takot.

Walang humpay ang agos nga mga luha sa aking mga mata nang matanaw ko ang operating room. Sobrang tahimik na mga yapak ko lamang ang akong naririnig.

"La" tanging sambit ko.

Di pa ako nakakaabot sa upuan ay napaluhod nalang ako. Umiiyak habang nagdadasal na sana maging okay ang operasyon.

"La" tanging sambit ko.

Pilit sinasambit ang pangalan niyang hindi naman niya marinig.

Nakaluhod lang ako sa gilid, iyak ng iyak habang naghihintay na matapos ang operasyon.

"White.."

"Rio... Si Lola..." napatingin lang ako kay Rio kahit hindi ko na maaninag ang kanyang mukha dahil sa mga luha ko.

"Magdasal lang tayo okay? Magiging okay lang si Lola okay??"

Pero alam naming hindi okay.

Iyak lang ako ng iyak, na para bang isang basang sisiw na itinakwil ng lahat.

Kahit anong sabihin ko sa sarili ko, hindi ko kayang tumigil sa kakaiyak.

Ilang oras ang dumaan, hindi parin lumalabas ang mga doctor.

Di ko na alintana na natuyo na ang aking damit.
Palagi akong sinasabihan ni Rio na umuwi na muna upang makapagbihis pero ayoko. Gusto kong malaman agad ang resulta ng operasyon.

Nakayuko lang ako, taimtim na nagdadasal para kay Lola. Humihingi ng pakiusap sa Diyos na sana huwag na muna siyang kunin sa akin dahil hinding-hindi ko kayang mawala siya.

Siya nalang ang meron ako.
Mababaliw ako pag nawala pa si lola sa piling ko.

Nanginginig na ako sa kaba na para bang ibinabad ako sa isang tub na puro yelo.

Ilang minuto pa ang lumipas nang lumabas na ang mga doctor.

"Kayo ho ba ang pamilya ni Elma Lopez?"

Dali-dali akong tumayo at lumapit sa doctor.

"A-ako ho. Ako h-ho ang apo. K-kamusta po si Lola??"

"I will be straight to the point, there are good news and bad news. The good news is the operation was successful. We did our best. Honestly, we were expecting the worst-case scenario but maybe the heavens are on your side." parang nabunutan ako ng tinik nang marinig ko ang good news, pero biglang nandilim ang mukha nh doctor

" The bad news is, she is now in a critical condition. She suffered so many injuries. At her age, it will not be long till she dies. She is in a vegetative state. If walang aparato, I'm sorry to tell you this, she'll barely live."

Halos matumba ako sa mga narinig ko. Hindi agad rumehistro sa isipan ko ang mga sinasabi ni doc. Para akong unti-unting hinihila sa kailaliman ng dagat.

"But we'll try our best ma'am. Let's just pray for her fast recovery" huling sabi ng doctor at umalis na sya.

Napaupo nalang ako dahil sa panghihina ng akong mga tuhod. Vegetative state? Aparato nalang ang bubuhay sa kanya? Iniisip ko palang na hindi maririnig ang boses ng lola ko ay parang sinasaksak ang dibdib ko.

Ruthless YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon