Kring

3 0 0
                                    

"Ba't naman dito ka natulog?"

Napalinga ako sa paligid, marami nang tao.

Kanina, nung pumunta ako rito para mag review kunwari, wala namang gaanong tao.

Pinagtitinginan at pinagtatawanan na tuloy nila ako.

Sino ba namang normal na tao at babae ang matutulog nang basta basta sa gilid ng hallway.

Nakakahiya.

Pero palaging dumarating si Kring.

Palagi nya akong nahahanap kapag naiwawala ko mismo ang sarili ko.

Hindi ko nga alam kung anong magandang nagawa ko at pinagkalooban ako ng ganitong klaseng kaibigan.

"Anong oras na?"

"Physics na."

Naramdaman ko ang adrenaline na umakyat basta basta sa ulo ko.

"May report ako."

"Kaya nga ako nandito e."


Ewan ko pero sa aming dalawa, siya yung palaging kalmado, poised lang palagi.

Na syang nagbibigay sa kanya ng plus plus plus na kagandahan.

But Kring is not just another pretty face.

Consistent Dean's Lister sya sa college namin at talagang mapapalaban ka pagdating sa Philosophy at Chemistry.

Alam rin nyang mag play ng piano, dahil may piano sila sa bahay.

Hindi naman lapitin pero talagang gustuhin.

Naiintimidate nga lang ang karamihan ng mga guys kapag nakikita na ang GWA nyang kasing taas ng mga nagdo doctorate.


Pagpasok ko sa room, nakatingin silang lahat.

Pati si Budong ko.

Kay Kring.

The Unexpected You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon