"Bakit po ba ngayon pa?"
Yung nagsabay sabay lahat.
Lunes, ang daming paper works na hindi na kasya sa bag kaya bitbit ko lang, start pa ng dalaw ko.
Wala na ngang positibong nangyari sa araw na ito, nabakli yung takong ng sapatos ko.
"Lahat na lang ng crap!"
Tapos pagkalapag ko ng mga gamit ko, pinagsisipa naman ito ng mga walang pakialam na estudyanteng gaya ko ay nagmamadali na rin sa pagpasok.
Pinanood ko lang ang sinapit ng mga gamit ko.
Lumong lumo dahil hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari kung wala ang mga iyon.
"Ate, yung mga gamit mo."
Hanggang sa nagsugo siguro ng anghel ang langit at ginising ako sa bangungot at tinulungan akong magpulot ng kalat kalat kong mga papel.
"O.", sabay abot sa akin ng mga napulot nya.
"May...problema ba?"
Umiling lang ako sa harap nya.
"E kasi nakanga nga ka."
Tumayo ako ng tuwid sabay sara ng bibig ko.
Naman, Mara.
Ngumanga ba?
Hindi rin ako nakayanang suportahan ng sapatos kong may putol na takong.
"O, okay ka lang?"
"Ano e...yung takong ko."
Tiningnan nya muna ang sapatos ko bago ngumiti.
Awang awa na siguro to sa akin.
Dumukot sya ng kung ano sa bulsa ng pantalon nya.
Chewing gum.
Sabay nginuya ito sa harap ko.
Noon ay isang malaking tandang pananong ang naka drawing sa buong mukha ko.
Bakit naman sa harap ko pa sya ngumuya ng chewing gum?
At bakit nakakapit pa sya sa balikat ko?
"Akin na."
"Ha? Alin?"
"Yung sapatos mo. Akin na."
Tinanggal ko naman.
Kinuha nya at maingat na inilapat sa loob ng sira ang chewing gum na kanina ay nginunguya nya.
Sabay ihinataw nya sa sahig ang sakong ng sapatos ko.
"Ayan. Hindi permanente yan kaya bumili ka na ng bago a?"
Para syang panaginip.
Para syang sagot sa mga panalangin.
Tumuloy na sya sa paglakad kaya sinundan ko na lang sya ng tingin.
Binasa ko nang mataimtim ang mga letrang nakaburda sa likod ng jacket nya.
"Budong."
Noon din ay nasabi kong siya ang positibong nangyari sa araw na iyon.
BINABASA MO ANG
The Unexpected You and Me
General FictionAng plano namin, paghiwalayin sina Kring at Budong, pero sa huli, kami ang na trap sa plano nilang pagsamahin kami ni Travy. ;)