Mara: teka ako to a?

3 0 0
                                    

Pumunta ako sa gitna na akala mo ay makikipag suntukan.

Pero napayuko nang nasa harap na nang mamalayan kong nakatingin sa akin si Budong.


"My...report is about...the Law of Attraction."

Hindi ako fan ng pag - aaral, pero at least, hindi ko naman iyon pinababayaan.

Hindi nga lang ako kagaya ng karamihan na pinagbigyang maging matalino.

Nasa gitna lang ako ng walang laman at ng punong puno.

Pero may ibubuga ako.

Hindi ko lang ibinubuga.

Mas gusto ko kasing ako ang tinuturuan kaysa ako ang nagtuturo.

Wala kaming piano sa bahay pero marunong akong tumugtog.

Wala pa nga lang nakakarinig dahil hindi naman nila alam na may ganon akong kakayahan.

Hindi ako mahilig magbasa pero madami akong natututunan base sa karanasan.

Kung pag uusapan naman ang kagandahan... kumpara kay Kring at sa iba...

Mag rereport na lang ako.

Sabi nila, pambato raw ako ng grupo sa Physics at History, mga course na paborito ng mga taong running for Librarian.

Hindi ko nga lang alam kung paanong hindi naman ako mahilig magbasa ay napakarami kong alam na kasaysayan.

"Gift mo siguro 'yon.", madalas na pag build up sa akin ni Kring.


"Opposite poles attract habang similar poles repel."

May tendency din akong ma carried away kadalasan.

Hindi ko na kasi namamalayan, lumalabas na ang inner geek ko at tuloy tuloy na nag lelecture tungkol sa mga kung ano - anong bagay.


"Dahil sa magkaiba ang charges ng bawat poles, ang tendency ay mag hilahan sila.

Dahil iyon ang mga charges na kailangan nila kaya nirereject nila ang charges na kapareho nila.

Kaya sila nag re repel."


Sumisenyas na noon si Kring na tumigil na ako sa pagsasalita dahil pati ang teacher namin ay natatakot nang baka mawalan na sya ng gagawin at i - le lesson nang dahil sa kadaldalan ko.

"Thank you, Mara. Thank You din, Kristine."

Sa mga ganong pagkakataon ko ikinahihiya ang ano mang kaunting kaalaman ko.

The Unexpected You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon