It was belike the very first time I wept, at least as a child, that not even the beatings from the men who chased my mother were able to cause me.
Sa katunayan ay natanto kong mas pipiliin ko pa ang magulpi kaysa ang matunghayan iyon kay Mama. That was probably what did it, not the dangerous men nor the privation of a paternal figure. Yet what I find hard to believe was that early on, I already knew what she was attempting to do with the wide-eyed ignorance I had. It made me wonder that if I were another mother's kid, I would have most likely thought she was only wanting to take a dip.
But of all the possibilities of what could have happened if she wasn't stopped, I thought about a life ending. Instead of a random spark of exploring new interest, I just directly assumed it was her desire to end herself then leave me and that already is an indicative of what might the future holds for us. For me.
Will I die young if she dies now? Sa totoo lang, nabubuhay lang naman siguro ako dahil humihinga pa si Mama. Kung natuloy lang iyong sa tulay, hindi ko alam saan ako pupulutin; Sa gilid ba ng daan, sa ampunan, o sa isang pampublikong libingan na hindi binibisita dahil bata at wala pang maituturing na kaibigan at kakilala.
Sumisinghot pa rin ako at iniinda ang panghahapdi ng mga mata nang dumating si Ate Merewald. Tumayo ang kaibigan niya na nagbabantay sa akin. Kung anu-ano ang mga tinatanong kanina pa na hindi ko nasasagot nang maayos dahil parang naroon pa rin ako sa likod ni Mama, nagyeyelo sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang unti-unting pag-angat ng isang paa niya, handa sa pagtalon.
Ate Merewald knelt in front of me in heedful stance, too wary for a perching bird to notice. Napakurap ako ngunit hindi makatingin sa kanya. It felt as if I was still frozen in place behind my mother...
"Gusto mong pag-usapan natin ang nangyari kanina, Angelov?" Binagalan niya ang pananalita at may pag-iingat. "Kung ayaw mo pa, puwede naman mamaya o sa ibang araw..."
Ilang sandali akong tulala saka umiling.
"Sis, kanina ko pa rin siya kinakausap. The incident is surely still very fresh in his mind so... pagpahingahin muna siguro natin?" ani ng kaibigan niya sa likod.
Tumama sa dibdib ko ang hangin mula sa paghinga niya nang malalim. Hindi ko alam anong nararamdaman niya habang tinitigan ako ngayong wala sa kanila ang hindi ko kayang balikan ng tingin. Naninikip ang dibdib ko sa dinaramdam na pagsisisi. Hinihila ako pababa ng pakiramdam na kasalanan ko ang nangyari.
"Alam mo, nakuwento sa akin ni Tito Bobby na magaling ka raw mag-drawing," mas pinasigla ang boses niya. "May coloring pens ako sa taas, gusto mo bang ipag-drawing ang Mama mo?"
Sa banggit kay Mama ay nahila niyon ang paningin ko kay Ate Merewald. Hope lit up her round brown eyes when I finally met her cautious stare.
"Saan siya? Bakit niya ginawa iyon? Ayaw na ba niya sa 'kin?"
Her lips parted as if ready to spew better words but shut them eventually. Kumunot ang noo niya na tila ba nag-iisip ng mas magaan na paliwanag--Kung meron pa bang kagaan-gaan sa sitwasyong ito.
"Malungkot lang ang Mama mo. At dahil sa pinagdadaanan niya ngayon, mahirap nang makapag-isip ng tamang sulusyon dahil natatabunan ang isip niya ng matinding kalungkutan. Pero hindi ibig sabihin na ayaw na niya sa 'yo. Hindi ganoon, Angelov..."
She tried. I believe she tried to make me feel better. Pero lumala ang mga tanong ko.
"Nakakalungkot ba akong kasama? Pinapakain ko naman siya, a? Hindi ba siya nasisiyahan sa luto ko? Tsaka lagi ko siyang binibigyan ng roses. O siguro nalaman niyang nangupit ulit ako sa hardin niyo kaya nagtampo siya. Tapos nalungkot."