Digmaan, isang napakalaking digmaan ang nagaganap. Umaagos ang dugo dahil sa dami na ng mga namatay. Ang bawat isa ay may hawak na mga espada, pana at iba pang gamit panlaban, ang bawat isa ay lumalaban para mabuhay, para sa pamilya at para sa tagumpay na gustong matamasa. Saksak dito, pugot ulo doon, hindi mapagkakaila na isa ito sa mga madugong laban na naganap sa kasaysayan. Hindi alam kung papaano at kailan eto matatapos, hindi alam kung sino ang magwawagi. Halos isang daang taon na nang magsimula ito at hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin.
Ang digmaang nagsimula sa dalawang malalakas na angkan na nagmula sa hilaga at timog, ang mga Kline at Coldwell. Dalawang angkan na nag-aagawan sa isang trono. Pero alam natin na sa huli ay isa lamang pwedeng magwagi.
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, and incidents are products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual event is purely coincidental.
Please be aware that you will encounter grammatical errors and typographical error while reading the story.

BINABASA MO ANG
The Untold and Forgotten (slow update)
FantasyDalawang taong nasa pagitan ng digmaan ng hilaga at timog, ang isa ay itinakda na maging hari at ang isa naman ay maging tagapagtanggol ng hari. Pero paano kung may iba pang plano ang tadhana para sa kanilang dalawa, paano kung sa hindi inaasahang p...