Chapter 2: ( Weird Feeling )
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lulundag-lundag pa ako pauwi sa bahay. Nanggaling ako kila tita Alih, nakipaglaro saglit kay baby Ciara dahil busy sa pagaayos yung mga makakasama ko sa bahay.
Napahinto ako saglit nung may marinig akong sigawan sa loob. Agad kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin yung apat na busy sa panonood?
"Yes! Three points!" sigaw ni Xien na napasuntok pa sa hangin.
"Wag kang maingay Xien, three points palang ang lamang mahaba pa ang oras." sabat naman ni Cyr.
Lumapit ako sa kanila at umupo ako sa tabi ni Kielzia.
"Oh Sheen, tutal andito kana. San ka pupusta? Talk n Text o Rain or Shine?" si Franz yan.
Finals na nga pala ng PBA ngayon.Syempre, dahil sa fan ako ni Jayson Castro. "TNT Nation ako." nakangiti kong sagot. Napakamot naman sa ulo si Cyr, samantalang si Xien ay napakalapad ng ngiti.
"Oh yes! May kakampi na ako!"
Psh. Andito si Kielzia tapos wala siyang kakampi? "Bakit? Ito ang gf mo ah."
"Waaah. Taksil yan Sheen. Nakita niya lang si Chris Tiu ipinagpalit na ako." haha, ang cute pala magtampo nitong si Xien. Si Kielzia naman, wala lang pakialam sa kanya.
Biruin mo, dahil sa basketball magkagalit sila. Haha.
Teka? Parang may kulang. "Si Yra asan?" hindi siya ata kasama ni Cyr ngayon.
"Andun sa kwarto, red days nun kaya napakainit ng ulo. Ayaw nga akong papasukin sa loob e. Ayaw daw niya ng maingay." malungkot na sagot ni Cyr.
Haha. LQ ba lahat ng lovers ngayon? Namiss ko tuloy si Lewis. Hmm.
"Haha, sige. First quarter palang naman, labas lang ako. Bigla ko kasing nagustuhang uminom ng slurpee." tsaka gusto kong sumaglit sa ospital para makita si Man. Hihi.
"Ingat ka Sheen, asahan mo sa paguwi mo ang panalo natin."
*boink
"Manahimik ka nga Xien!"
Haha. Kawawang Wixien, nabatukan pa. Natambakan na kasi yung Rain or Shine kaya medyo umiinit ang ulo ni Kiel.
Hindi ko na pinansin yung pagaaway nila, kinuha ko na sa kwarto yung susi ng kotse.
May madadaanan na 7/11 papunta sa ospital kaya makakabili ako ng slurpee.
Habang seryoso lang ako sa pagdrive, napansin ko yung kotse sa harap ko nung nag red ang light.
Kulay gray, ewan. Hindi naman ako paranoid pero naalala ko dahil dun si Jett at the same time nainis ako agad. Nakakaasar talaga yung mahangin na yun. Tss. Sa dami ng lalaki na nakilala ko, siya ang pinakamalala. Ayst.
Kalimutan na nga yun, ayoko ng kunsumihin ang sarili ko.
Nag-go na kaya nafocus na ako sa pagdrive. Agad na akong nakapark malapit sa 7/11.
Gutom na ako kaya kakain muna ako dito bago ako pumunta sa hospital. Magtakeout nalang ako ng slurpee para kay Man. ^___^
Pagkabili ko ng tuna sandwich, pick-A at pepsi naupo muna ako sa bakanteng mesa sa labas. Makapagpalipas ng gutom dito.
Busy na ako sa pagkain nung napansin ko si yabang na pumasok sa loob.
Sa dami ng lugar, ba't lagi kaming nagkikita? Psh.
BINABASA MO ANG
Lifetime Overtime (FALL 2)
Teen Fiction"Basta mamahalin nalang kita kahit lumagpas pa ako sa lifetime." yan ang pangako ni Sheen kay Lewis. Pero sabi nga nila ang buhay parang teleserye, laging may ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA. Paano kung sa pagharap niya sa susunod na kabanata ng buh...