Chapter 1: ( It's Been Two Years)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Good morning!"
Ang ganda naman ata ng gising ko sa first day ng pangatlong taon ko sa college.
Actually afternoon class ang schedule ko talaga, may pupuntahan lang ako ngayon kaya ang aga-aga ay nakagayak na ako.
Excited akong bumaba ng hagdan and as expected, eto nga siya.
"Beep-beep little angel." mabilis siyang lumapit sa akin nung makita niya ako. "Waaaah. Ang aga naman nagising ng baby namin." niyakap ko siya ng mahigpit.
This one year old kiddo reminds me of him...Lewis.
"Mama!" she cheerfully said.
"That's right baby, call me mama Sheen." then she answered me with her cute mannerism, her giggling reaction. Ugh. Gustong-gusto ko nakikita yun.
"So, where's my morning kiss baby?" sabi ko sa kanya na may kasama pang pag-pout.
"Here." *kiss*
"Thanks baby, let's go." binuhat ko na siya at kinuha ang bag niya na nakapatong sa may center table. Naka-set naman na lahat ng gamit niya, like diapers and milk.
Bago kami umalis, sinilip muna ako sa may kusina. Naabutan ko si tita Alih na busy sa pagluluto ng breakfast. "Hey, mommy!"
"Alis na kayo? Halika mag-breakfast."
"Sige po, doon nalang ako kakain mamaya."
"Okay dear." kumindat pa siya sakin. Haha.
"Say goodbye to mommy." sabi ko kay Ciara na mabilis namang nagwave kay tita.
"Aww. Ang cute mo talaga baby. Behave ka mamaya kasama si mama Sheen, okay?" paalala ni tita kay little angel.
Ang baby ko naman tinawanan lang si tita. Ang cute. "Alis na po kami."
"Sige Sheen, take care 'cause I care." tsaka siya tumawa ng tumawa. Ang kulit parin ni tita parang si....Ayst. Namiss ko lang siya lalo.
Sa labas andun na si kuyang driver, pinagbuksan niya kami ng pinto kaya diretso na kami ni baby Ciara sa backseat.
"San po tayo ngayon ma'am?"
Sus, kailangan pabang itanong yun? Si kuya talaga oh.
"Sa private hospital po, alam mo yan kuya." *chuckles*
"Opo ma'am. Siguro po ay namiss niyo na naman si Sir, di po ba?"
Sabi na nga ba, alam na alam ni kuya. "Sobrang miss na po." Haaay kung alam niyo lang.
"Okay po ma'am, eto at bibilisan ko na."
Haha. Joker pa si manong. Pagtingin ko naman kay Ciara, ayun at busy ang baby ko sa paglalaro ng barbie keychain sa bag niya.
"Ciara are you excited to visit papa?"
Mabilis siyang tumingin sakin at ngumiti.
Mukhang excited na nga rin siya, kanina pa siya ngiting-ngiti e.
Malapit lang naman yung hospital kaya sa konting oras nakarating na kami. Nauna akong lumabas tsaka ko binuhat si baby. "Here we go, makikita na natin ulit si papa."
Halos karamihan ng nakakasalubong naming nurse at doktor bumabati.
Good morning ma'am.
Hello Ciara.
BINABASA MO ANG
Lifetime Overtime (FALL 2)
Roman pour Adolescents"Basta mamahalin nalang kita kahit lumagpas pa ako sa lifetime." yan ang pangako ni Sheen kay Lewis. Pero sabi nga nila ang buhay parang teleserye, laging may ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA. Paano kung sa pagharap niya sa susunod na kabanata ng buh...