MUST READ!!!

73 0 0
                                    

Siguro iniisip mo na sana sa isang kurap lang maayos na ang lahat agad sa inyo. Mahirap magpatawad lalo na't alam mong niloko ka ng mahal mo. Pero mas mahirap kung sa mahabang panahon ay ipagdadamot mo dyan sa puso mo ang magpatawad. Di mo kailangang magmadali. If he's worthy enough and he's really back to love you again, he should learn how to wait

for your forgiveness and he'll make willful and sincere efforts to win you back again. Nagkalamat na ang relasyon nyo, pero lahat naman ng bagay na may lamat pwede pang

irecycle di ba? Ang isang bagay na nirecycle ay mas tumataas ang appreciation value. Kasi pinaghirapan mong ayusin ulit yun.

Totoong pag nasira na ang tiwala mahirap nang ibalik ang lahat sa dati. Pero hindi mo naman kailangan ibalik ang lahat sa dati

kung nasaktan ka. Gumawa kayo ng

"bagong kayo" wag na yung dati. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na baguhin ang mga bagay na sa tingin mo hindi tama.

At isa rin yung pagkakataon para sa kanya na ipakita sayong hindi niya sinasadya ang bagay na yun at nagsisisi sya sa ginawa nya. Sa panahon na buo pa ang bitterness at hatred, gamitin niyo yun para mas maintindihan ang isa't isa. Wag maging makasarili. Pag nagawa niyong makagawa ng bago, mas mataas na ang paghanga sa inyo ng ibang tao, maging paghanga niyo sa sarili niyo. Kasi nagawa niyo! Nagawa niyong lagpasan ang isang bagay na akala niyo hindi na maaayos. Lahat naman ng relasyon dadaan dun eh. Mangyayari ang dapat mangyari kung siya talaga ang God's Best mo.

Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon