Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong gagawa ng isang bagay na hindi naman pala nila kayang panindigan. Katulad na lang ng pagbibigay ng motibo sa isang tao na hindi naman pala nila kayang panindigan. Panindigan, sa pamamagitan ng lalandiin mo sila pero hindi mo naman pala kayang panindigan ang mga salitang
binitawan mo sakanya. Syempre, ang tao mapurok, madaling mainlove. Pero hindi naman na nila kasalanan yun. Mahirap
naman talaga malaman kung seryoso nga ba ang isang tao o hindi. Mahirap malaman
kung gaano kaseryoso ang isang tao sayo. Hindi naman kasi basta basta nakikita yan
ng isang iglapan, nang isang kurap lang malalaman nanatin ang sinseridad ng isang tao satin. Alam mo yun? Kung hindi pala nila
kayang panindigan ang isang tao, bakit lalandiin nila? Kung hindi pa sila ready magmahal, dapat sila na mismo ang
gagawa ng paraan para maghintay, para dumating ang isang araw na kaya na pala nilang magmahal.
Hindi madali ang mahulog ka sa maling tao ng maling oras. Lalo na kung hindi mo
inaasahan ang pangyayari na, nahulog ka sa taong nagpakita lang ng motibo sayo pero wala pala syang balak sapuhin ka para
pumasok sya sa isang relasyon. Nakakagago lang dahil magpapakita sya
sayo ng motibo pero hindi ka naman pala nya seseryosohin? Akala nya ganun ganun na lang kadali ang mag-move on sa panahon ngayon? Akala nya ganun ganun nalang ang
masaktan, dahil alam nyang hindi naman sya masasaktan dahil wala naman talaga
syang nararamdaman, tulad ng pagmamahal na nararamadaman mo para
sakanya. Ang satin lang, kung mamahalin mo sya seryosohin mo sya. Pero kung hindi mo kayang mahalin yung tao wag na wag kang
magpapakita ng kahit anong motibo na kaya mo syang saluhin kapag nahulog syang
tuluyan sayo. Dahil hindi natin malalaman kung anong maaaring maging bunga ng
katarantaduhang ginawa mo. Dahil hindi nilalaro ang salitang pag-ibig, at hinding
hindi ito ginagawa lang ng dalawang tao na hindi naman seryoso sa isa't isa.
SHARE NYO TO PARA MABASA NG MGA PAASA!
BINABASA MO ANG
Hugot Lines
RomanceThat Thing Called Hugot. Stories. Sayings. Quotes. Love Tips. Guide Books. Teen Love. #Pumapagibig