EPISODE 1

104 3 0
                                    

MISTER KENKOY

(Mga kakaibang pangyayari sa Buhay ni Mr. Kenkoy)


Story 1: Huwag Tumawid Nakamamatay!

Matatagpuan si Mister Kenkoy na nakatayo sa kabilang dulo ng Pedestrian Line. Mag-isa lamang syang nakatayo duon at walang ibang tumatawid sa Pedestrian Lane at wala ring kahit isang sasakyan na dumadaan.

Pawisan na si Mr. Kenkoy at hindi mapakali, mga mata nya ay malikot at paulit-ulit na nakatingin sa Traffic Light, gusto na nyang umalis sa pwesto pero nagdadalawang isip syang gumalaw para tumawid dahil sa Traffic Light na naka Red ang Walking Sign na ang ibig sabihin ay Bawal pang tumawid.

Hindi alam ni Mr. Kenkoy kung kelan magiging Green ang Traffic Light Para makatawid na sya sa kabila, lumingon na sya sa Kaliwa pati narin sa kanan, at sa isip-isip niya ay mukhang wala namang sasakyan na dadaan. Kaya sinubukan nyang tumawid, maka ilang tatlong hakbang palamang ay biglang may dumaan na mga sasakyan kaya napatakbo sya pabalik sa kanyang pwesto.

Kinabahan na siya sa kung anung gagawin, lingon na sya ng lingon kaliwa at kanan na wala namang sasakyan na dumadaan, at sa huling pagkakataon bago nya subukan ulit na tumawid ay nakita na nya sa Traffic Light na ito ay nagkulay Green na ang ibig sabihin ay pwede nang tumawid.

Kaya naman masayang-masayang tumawid si Mister Kenkoy papunta sa Kabilang side ng kalsada, pagkadating nya sa kabila ay tuwang-tuwa sya at napatingin sya sa pinanggalingan nya kung saan nakita nya yung Bag nya at ibang mga dala ay naiwan nya sa kabila, at nung patawid na sya ay nakita nya na naka Red Light na naman ang Traffic Light.

At Nabwisit at nagdabog si Mr. Kenkoy sa sobrang inis.

-End of Story 1-


Story 2: Blind Date

Sa isang Restaurant ay naghihintay si Mr. Kenkoy sa kanyang makaka-date sa araw na iyon, pagpasok nya sa Restaurant ay sinalubong sya ng waiter at sinabi nya na nagpareserve na sya ng table sa lugar, pagkadating sa table ay hinila ng waiter ang upuan, para paupuin si Mr. Kenkoy pero inagaw ni Kenkoy yung upuan sa waiter ng pagalit.

Pagkaupo ni Mr. Kenkoy ay nakita nya sa may pintuan ang kanyang ka-date na nakita nya sa TINDER, kumaway si kenkoy sa kanya pero parang hindi ata sya nakita nung bababe, yun pala ay malabo ang mga mata kaya hindi nakakakita sa malayo, hinatid ng waiter yung babae papunta sa table kung nasaan si kenkoy at inagaw ulit ni Kenkoy sa waiter yung babae ng galit na parang batang inagawan ng candy.

Umupo na silang dalawa, at nagpakilala sa isa't-isa, Ang pangalan ng babae ay Trisha. Dumating ang waiter at hiningi ang order nila at naserve sa kanila, pagka serve ng pagkain ay agad na kinuha ni Kenkoy kanyang cellphone at piniktyuran lahat ng kanilang inorder, pagkatapos niya itong piktyuran ay kinuha na kagad nya yung pagkain nya, Pero bago pa nya makagatan eh nakita nya si Trisha na taimtim na nagdadasal.

Kaya binaba nya muna yung pagkaing hawak nya at tinago yung cellphone at yumuko na din si Mr. Kenkoy para magdasal, pero pagkatingala nya para tignan si Trisha kung tapos na magdasal ay nakita nyang Nag seselfie din kasama ng pagkain si Trisha.

Habang masayang nagkwentuhan si Trisha at Kenkoy ay nakita ni Kenkoy sa kabilang table ang masayang mag-kasintahan, binigyan ng lalake yung babae ng mga bulaklak tapos masaya itong tinanggap ng babae, tapos hinalikan nung lalake yung babae sa pisngi at pareho silang nagngitian.

Nainggit si Kenkoy sa dalawa, at naisip din nyang gawin ito sa kadate nya pero wala syang dalang bulaklak, kung kaya naman nagpaalam syang pupunta ng cr saglit, pero naghanap sya ng mga bulaklak sa daan at pinitas nya ito para ibigay kay Trisha.

Mister KenkoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon