EPISODE 2

35 1 0
                                    

EPISODE 2:

Story 1: Bagpack 

Nag-labas si kenkoy ng mga damit na mga dadalhin nya at ilalagay sa bag, mga sabon, sipilyo towel pagkatapos nya ilabas lahat kumuha sya ng bag tapos nilagay nya sa loob ng bag pero hindi kasya, kaya binawasan nya yung mga damit na dadalhin nya.

Pero hindi parin kasya sa bag nya, kaya ang ginawa nya ay namili na lang sya sa mga paborito nyang polo, pero lahat paborito nya at dapat isa lang piliin nya, nag eenie mini mayni mow pa sya sa mga damit nya at ng naturo nya ang isang damit na nilapag nya ay nag-alanganin pa sya at ipinalit ng pwesto sa pinaka gusto nyang dalin at inulit ang eenie mini mayni mow para tumapat yung turo nya sa gusto nyang damit.

Pagkalagay nya ng polo ay kumuha sya ng t-shirt, sando at nilagay sa bag, pagkakuha nya ng pantalon ay nakita nyang masyadong mahaba kaya ginupit nya ito para gawing shorts at ng pagkalagay nya sa bag nya ay may nakita syang shorts kaya tinapon nya yung ginupit nya at nilagay nalang ang shorts.

Meron syang maliit at malaking towel kaya ang pinili na lang nya ang maliit na towel para kasya sa bag, nilagyan na nya ng toothpaste ang toothbrush na dala nya at nilagay sa loob ng bag at iniwan ang lalagyanan ng toothpaste tapos sinarado ang bag.

Para kumuha ng mas malaki pang Bag at ilagay ang bag na yun sa loob.

-THE END-


Story 2: Dedicate

Naglalakad si Kenkoy sa kalsada ng may matapakan syang  Papel na matagal na nakakabit sa sapatos ni kenkoy habang naglalakad sya hanggang sa mapansin nya ito, kinuha nya yung papel at binasa nya ang nakasulat na "I Dedicate this letter to my one and only".

Napangiti si kenkoy pero tinapon nya din yung papel at pagkahagis nya sa papel ay naglakad na sya paalis, ng makita nya sa salamin ay nasa likod nya yung papel na yun at nakadikit sa damit nya. Kaya naman inabot nya yung likod nya para tanggalin yung papel na nakadikit at nang makuha na nya yung papel ay nilukot nya ito at humanap ng basurahan para ihinagis sa loob ng basurahan pero hindi ito naalis sa kamay nya kung kaya't kinuha nya ito ng kaliwang kamay at itinapon, ngunit ganun din ang nangyari hindi rin ito kagad naalis sa kamay nya.

Tinapakan nya yung papel para matanggal sa kamay nya at natanggal nga ito sa kamay ni Kenkoy pero dumikit nanaman sa sapatos nya, tumadyak-tadyak si kenkoy para maalis yung papel pero hindi to naalis. Nakita si Mr. Kenkoy ng isang lalake na napadaan sa harap nya at naki-usap si Kenkoy na tulungan syang tanggalin ang papel sa paanan nya at agad namang tumulong yung lalake at natanggal naman ng lalake yung papel sa paa ni Kenkoy, pero yung kamay ng lalakeng tumulong ay nakadikit parin sa paa ni kenkoy.

At naiwan ang isang kamay ng lalake na may hawak na papel at ang kabila ay sa paa ni Kenkoy. Nagsisigaw si kenkoy na bitiwan na siya pero hindi makaalis ang lalake sa pagkakahawak sa paa nya, hanggang sa may dalawang lalakeng napadaan at tumulong na paghiwalayin silang dalawa.

Yung isang lalake ay pumwesto sa likuran ni Kenkoy para hilahin sya sa kanyang braso at hinawakan si Kenkoy sa may Kili-kile at ang isa naman ay humawak sa bewang ng lalakeng nakahawak sa paanan ni Kenkoy. At pagbilang nila ng tatlo ay sabay-sabay silang humila, pero sa pagkalakas ng hila nila sa isa't-isa ay napa-pwersa ang dalawang tumulong at lalung napadikit.

At apat na sila ngayuung nagkadikit-dikit ang mukha at katawan. 

Naghanap yung apat kasama si Kenkoy na magkakadikit ng maaring makatulong sa kanila na makapagpa-alis sa kanilang sitwasyon, nagtanung-tanung sila sa mga tao na malalapitan nila habang magkakadikit silang apat. At ang lahat ng malapitan nila ay lumalayo at nandidiri sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mister KenkoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon