Ang Paborito kung RED-Tshirt

0 0 0
                                    

“MAMA! yong damit kung kulay pula nawawala” Inis kung pinaghahagis ang mga damit ko ng hindi ko makita ang damit kung pula. Takte yon pa naman ang pinaka paborito kung suotin. 5× a week ko yon suotin. Nyaters yan baka kung saan saang sulok  nanaman yon ni mudrakels nilagay.

“Hanapin mo jan, baka kung saan lang yon nakasabit.” sigaw ni mudrakels sa akin. Wow hah! Kala mo kung makasigaw nasa kabilang bahay ako.

“Pero wala nga dito? Kanina ko pa yon hinahanap. Nagkalat na nga mga damit ko sa lapag eeh!” Inis kung saad sinabayan ko pa ng pagpadyak ng paa.

“Hoy! Karyang mata ang naghahanap hindi bunganga, tigilan mo nga iyang kakapadyak jan sa lapag baka mamaya mabutas yan! Ikaw talaga paaayusin ko!”

Inis naman akong lumakad papunta sa kusina kung nasaan si mudrakels ko.

“Mama naman eeh! Sabi ngang wag ako tatawaging Karyang, tunong panglola kaya yon.Tsaka Karmen pangalan ko Mama hah KARMEN. As in capital K-A-R-M-E and N.”

“Ikaw na bata ka, wag mo ngang ma spell-spell sa akin yang pangalan mo! Baka nakakalimutan mo ako nagbigay niyan sayo kaya alam ko kung ano pangalan mo.”

Aay! Oo ng pala hihihi siya nga pala nagbigay ng pangalan sa akin. Napakamot nalang ako sa batok ko habang dahan dahan lumalakad palabas ng kusina.

Akmang tatakbo na ako ng may kung anong matigas na bagay ang tumama sa ulo ko. Kaya napasalampak ako sa sahig. Mukha tuloy akong butiki na nakadikit sa sahig.

Aray ko naman ang sakit ng ulo ko. Mukha yatang magkaka amnesia ako. Wag naman sana huhu!

“Oh! Ano masarap ba ha!” Pangaasar sa akin ni mudra. Mabilis naman akong tumayo at nagpagpag. “Mama ba't kaba nambabato ng sandok?”

“Wala trip ko lang bakit angal ka. Nanay ako, anak lang kita! Ano palag ka hah! ” Nanghahamong saad ni mudrakels habang may hawak na kaserola. Jusko po! Masakit yon kapag nakatama.

“Hihihi jokie joke lang yon Ma. Sige alis nako hanapin kona yong pula kung damit”. Tumakbo naman ako ng mabilis paalis ng kusina at nagtungo sa sala kung nasan ang kapatid ko na nag-oonline seller ng kung ano-ano.

Pagdating ko doon kita ko siyang nakaharap na naman sa selpon niyang cherry mobile. Mabuti pa yong akin mas malaki pa sa kaniya HUAWI akin eeh Hahaha!

“So Guys, meron ako ritong white t-shirt. Mura lang po ito, ang size niya po ay Large. Tignan niyo pong maigi. Original toh! Galing pa ng Japan, kakadeliver lang kahapon. Kaya mine niyo po! 350 pesos lang.” Nakangeti niyang savi sa harap ng selpon niya habang hawak ang damit.

Hindi niya manlang ba nakikita ang mukha niya sa kamera na parang natataeng aso. Wow hah! Kapal ng feys, kasing kapal ng uling doon sa kawaling hawak ni mudrakels.

“BYEEE GUYS! next time ulit!!”.

“HOY! BELAT NAKITA MOBA YONG DAMIT KOH?” ka agad na sigaw ko ng matapos na siya.

She's Belatine, 15 years old. Panget siya, makapal ang mukha at walang hiya. Ayan 3 in 1 HAHA. Nagmana kasi siya kay mudrakels na siga kaya panget siya. Duh ako lang maganda kasi mana ako kay pudra/papa.

“Anong damit Ate? Ang dami mo kayang damit! Duh.” Yay kung diko lang kapatid to matagal ko na tong nginudngod sa semento. May pataray taray pang nalalaman mukha tuloy siyang nakuryenting Igat.

“Yong paborito kung damit na t-shirt duh” Tinarayan ko din siya. Abah anong akala niya sa akin di marunong tumaray.

“Ah! Ayon ba? Ewan ko diko naman yon nakita eeh. Sige alis na shoo”

Wow ano ako aso? Eh siya naman yong mukhang aso aah! “AALIS TALAGA AKONG PUNYAWA KA!” Malakas na sigaw ko yong tipong aabot sa kabilang baranggay. At dahil mabait ako nag iwan ako ng remembrance sa kaniya.

“MAMA SI ATE NANAMBUNOT!!” dinig kong sigaw ni Belat sa loob ng bahay kaya mas binilisan kopa ang takbo ko.




TANGHALI na nang maisipan kong umuwi. Naglalakad ako ng may mahagip ang matang lawin kung mata.

Teka pamilyar sa akin ang damit na yon aah? Pulang t-shirt may print na kalansay na naka fvck you sign.

WAIT LOADING.....

30% loading----

70% loading---

90% load----- 100% access...

Teka t-shirt ko yon ah! Tama t-shirt ko nga!!

“Hoy! Baldog bat suot mo yang damit ko! Ikaw siguro yong nagnakaw niyan kaya nawala sa bahay?" Napatingin naman siya sa akin at maangas akong tinignan.

“Anong sayo! Hoy Karmen binili ko'to. Wag ka ngang mang angkin ng di sayo.” dinuro niya pa ako.

Nagsalubong naman ang kilay ko. “Hoy baldog, para sabihin ko sayo ako lang ang may ganiyang damit kasi ako mismo ang nagpaprint ng tatak niyan.” Inis kung sigaw sa kaniya.

“Akin nga to, kakabili ko lang nito--ARAYY KARMEN BITAW! ARAY KO” Malakas kung hinila ang tenga niya. Tignan lang natin yang angas mo.

“Baldog para sabihin ko sayo. Akin yang damit na yan hah iniinis mo talaga ako eeh noh!” hila-hila ko parin ang tenga niya. Wala akong pake kahit umiyak pa siya sa sakit. Kahit magsumbong pa siya don sa nanay niyang balyena.

“Aray! Karmen tama na huhuhu! Binili ko naman talaga to eeh ARAY!” Iyak niyang sabi.

“Ano kamo binili? Ako pa uutuin mo! Oy wag ako baldog” nangaasar kung saad at mas nilakasan pa ang paghila sa tenga niya na namumula na.

“Totoo naman eeh! ARAY kakabili ko lang nito kahapon kay ARAY huhuhu kay belat!”.

Teka ano daw? Weyt.
Tama ba ang pagkakarinig ko?

Binitawan kona ang tenga niya at namaywang sa harapan niya. “Sino kamo?”.

“Si Belat nga! Aray ang sakit ng tenga ko.”

Walang hiya ka talaga Belat. Sa dinami dami ng t-shirt ko yong paborito ko pa talaga ang kinuha mo. Punyeta ka talaga.

Pinapangako ko belat makakatikim ka talaga sa akin ng sambunot at sampal. Gaga ka uubusin ko yang buhok mo mapataas man o baba. Yawa ka

“BELATT”

“PUNYETA KA TALAGA! TATANGGALAN TALAGA KITA NG MUKHA NG SA GANON MATUTO KA NG MAHIYA!!”

“Aaahhhhhhhhhhh! mamaya ka lang sa akin sa bahay. Yawa ka!”






Ladies OneShot StoriesWhere stories live. Discover now