“Spin the bottle tayo guys!” Saad ni Rizza habang nakangesi kaya nagmumukha tuloy siyang manyak.
"Sige"
"Tara"
Sumangayon naman ang dalawang baliw. Di ba nila nararamdaman na mukhang may binabalak si Rizza? Hayts! Bat ko nga ba naging kaibigan itong mga to, eeh! Mukhang pare-parehong may sapak eeh.
Meet Rizza, Hellary and Kyla mga kaibigan kung may sapak. “Sino may bote jan?” Halos lumuwa ang mata ko ng may inilabas na bote ng suka si Rizza sa bag niya. Grabe reading-ready ang gaga.
“san mo naman napulot yan Rizza? Haha!” Natatawang saad ni Hellary habang si kyla naman halos gumulong na kakatawa.
“Pinapabili kasi ako ni mudra ng kalahating mantika. Kapag umuwi ako maya” Hanep din itong gagang to. “Hoy! Tama na chikahan, mag start na tayo” saad ko.
“Wah! Dali pwesto na bilis” Hindi namnn halatang excited sila eeh! Kasi pina-ikot na ka agad ang bote, mga walang hiya talaga di man lang nag sabi ng 1 2 3 Go.
“Boom! Pak ganern, lagot ka ngayon Cindy Haha!” napaikot naman ang mata ko ng magsimula na silang umingay. Sa tapat ko lang naman kasi nakaturo ang dulo ng bote. Nakakainis naman bat ako pa nauna.
“Cindy! Dare o Dare” Confirmed malala n tlaga sapak nila. Papiliin ba naman ako sa pareho lang. Mga baliw.
“Hoy! Wag niyo masyadong hirapan hah! Sasakalin ko talaga kayo.” Tinarayan ko pa sila para malaman nilang seryoso ako.
“Kalma lang Cindi” Rizza.
“Basic lang to sayo Cind” ani Hellary.
“Don't panic it's organic” saad ni Kyla. Halata talagang adik sa ML ang gaga.“Dare, Happy pill niyo kong mga bruha kayo” Konting konti nalang sasakalin kona itong tatlong itlog nato.
Nagusap-usap naman ang tatlo malayo sa akin. Siguradong kabulastugan nanaman yang ipapagawa nila sakin. Nang matapos ang pag uusap nila ay nakangesi silang lumapit sa akin kaya medyo kinabahan ako. Tang-ina di naman siguro kalukahan ang ipagagawa nila.
“So, ano na?”
“We dare you na i-prank mo ang Boyfriend mo na gusto mo ng makipaghiwalay dahil may babae siya” Dare lang naman to. Hindi naman siguro yon magagalit. “Dare accepted” Ang kaninang nakangesi nilang mukha ay napalitan ng pagaalala kahit nagtataka ay isinawalang bahala ko nalang.
Dali-dali ko namang kinuha ang selpon ko at tinawagan si Ryan. Mahigit isang taon ko ng jowa si Ryan. Hindi naman siya ka gwapuhan pero sweet siya at caring kaya nga na fall ako sa kaniya eeh.
"Hello"napangeti naman ako ng marinig ko ang boses niya. Pero agad din yong nabura ng maalala ko ang dare sa akin. Pinaseryoso ko ang mukha ko para makatutohanan talaga.
“Ryan! Maghiwalay na tayo. Ang lakas ng loob mong mangbabae, di kapa talaga nakuntento sa akin. Bakit mo nagawa yon? Minahal naman kita pero bakit nagawa mo pang humanap ng iba!” Sinabayan ko pa ng pag-iyak para medyo makatutohanan. Haha.
“Sinabi na pala sayo ng mga kaibigan mo na may bago nako” para akong binuhusan ng malamig natubig dahil sa narinig.
“Matagal na akong may bago Cindy, halos naka lima na ngako eeh! Habang girlfriend kita haha. Masyado ka kasing tanga, dapat nga matagal nakong nakipaghiwalay sayo, kaso ngalang gusto pa kitang paglaruan”
“W-what”
“Ow! Nakalimutan kung sabihin na may fiancee na pala ako. Actually dalawang buwan na siyang buntis at sa susunod na buwan na kami ikakasal. Sa kasal ko pa sana kita hihiwalayan kaso ngalang nalaman mo na, Sayang naman!”
"Oo ng pala, papadalhan kita ng invitation para sa kasal ko.”
“Bye!”
*toot--toot--toot*
“P-prank lang yon d-diba g-guys?” Ramdam ko ang pagyakap nilang tatlo sa akin. “Tahan na Cindy” ani Kyla.
“Shhh! Where just here” Rizza.
“Hey! Stop crying already” Hellary.“It's HURTS” bulong ko.
______________
•Wattpad username
@Lady_Reopresseory