SIX

183 13 3
                                    

"How did you know about them?" Sinulyapan ko lang saglit si Eli at binalik ang atensyon ko sa pag-eeksamin ng bangkay ng babaeng brutal na pinatay sa pamamagitan ng pagkuha sa puso nito.

Nandito na kami sa Elite, isang exclusive bar sa Metro.

Maraming kapulisahan at medya na ang nandito nang dumating kami. At nandito rin ang magulang ng biktima na isa palang Gobernador ng isang probinsya.

"Venom!" mahina ngunit may diin na tawag nito sa pangalan ko.

"Wow? Close ba tayo to be in the first name basis?" gulat na tanong ko sa kaniya sabay ngisi.

Sisilipin ko na sana ang butas na dibdib ng biktima nang hawakan ni Elixir ang braso ko. Kaya napatingin na ako sa kaniya at tiningnan siya ng seryoso.

"I am working here, Lt. Vergara. So could you please?" malumanay pero inis ko nang saad sa kaniya. Napabuntonghininga naman siya at binitiwan na ang braso ko.

"Fine. Tsk." Huling narinig ko lang sa kaniya at narinig ko ang yabag nito paalis sa crime scene.

***

"So what do you think about the case, Dra. Versailles?" tanong sa akin ni Capt. Falcon.

Nandito na kami ngayon sa Resurrection. Nasa conference room ako kasama ang departamento nila Elixir.

Nasa harapan ako with a projector on, at pinindot ko ang maliit na remote control para lumabas sa white screen ang isang uri ng droga that contains strong kind of anesthesia.

"May involvement ng isang uri ng local anesthesia na nakakapagpamanhid ng buong katawan to the extent na hindi ka makakaramdam ng so much pain like opening your chest and grabbing your heart out." Paunang salita ko. At pansin ko ang atensyon nilang lahat sa akin, they are all waiting sa mga susunod ko pang sasabihin. Alam kong ramdam na nila na may sasabihin akong magandang impormasyon na makakatulong ng malaki sa kaso ng brutal na pagpatay sa dalagita.

"At isa lang ang kilala kong hospital na gumagamit ng ganitong anesthesia..." pabiting dugtong ko pa.

"And?" Hindi na nakapaghintay na sambit ni Elixir.

Sinasadya ko talagang bitinin ang sasabihin ko dahil baka hindi matanggap ni Elixir na hospital na pinamumunuan ni Ninang Historia ang hospital na sinasabi ko. Ngunit mukhang alam niya na ang susunod kong sasabihin.

"It's the General Hospital," sagot ko. And as expected hindi na nagulat si Elixir.

"I will ask my mom kung sino ang distributor ng local anesthesia na sinasabi mo," saad lang nito.

"Dra. Historia Guerero is your mom?" Kunwari ay gulat ko pang tanong kahit alam ko naman na ang sagot. 

"Yeah," maikling tugon lang nito.

Ngunit umiling na ako bilang pagtugon na huwag na, hindi na kailangan, because I already know who was it. At nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Elixir sa akin at ni Uncle.

"No need to ask her about it because I already know who was it," sagot ko na lamang. At pinindot ang remote ng projector.

"Corpus Industries." Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Uncle Sergio.

I know na may sama ng loob sa mga Corpus si Uncle. Dahil ang Crucifix na pinamumunuan ni Vladimir Corpus ang kumuha at may hawak kay Tita Josephine ngayon, Uncle Sergio's dearest wife. In short, she is a Corpus, kapatid niya si Vladimir. Nagkasakit ito na naging dahilan para isuko siya ni Uncle sa Crucifix kapalit na madugtungan pa ang buhay nito. But the thing is walang nakakaalam sa mga Corpus that their only heiress ay ikinasal at nagkaanak sa isang kapitan ng hukbong sandatahan. It's a secret that my Dad and Uncle Sergio only knew, and ofcourse me. Kahit si Seth ay hindi alam ang tunay na pinagmulan ng kaniyang ina. HIndi niya ito nakasama sa paglaki dahil ilang buwan pa lang ang lumipas nang maipanganak siya ay sinuko na ni Uncle si Tita Josephine sa mga Corpus. Mag-isang itinaguyod ni Uncle si Seth hanggang sa panahong ito. Hindi ko lang sigurado kung may ideya pa ba si Uncle sa kalagayan ngayon ni Tita Josephine sa kamay ng kanyang pamilya. Pero sana balang araw dumating ang oras na bumalik sa mga bisig ni Uncle ang kaniyang pinakamamahal na asawa. He and Seth deserve a happy and complete family. 

"How bad this is?" tanong ng Deputy Director.

"Vladimir Corpus." Napatingin ang lahat kay Elixir na nagpakibit-balikat lang sa akin.

"Crucifix," maiksing turan naman ni Uncle.

"Sila din ang pangunahing suspek sa rape and murder case a month ago. Are they declaring a war?" tanong ng Deputy Director na obvious naman na ang sagot.

Ayoko man itong banggitin but...

"They are provoking Costa Nostra to come out. They want to kill him so bad, Alessandro Estevan." Palihim na lamang akong napakuyom dahil sa sarili kong statement.

"What do you mean, Dra. Versailles? And how did you know about the mafia group, Costa Nostra?" tanong ng Deputy Director na nakasalubong na ang kilay nito. Nakita ko ang mataimtim na pagtitig ni Uncle sa akin na tila sinasabing "huwag kang magsalita."

But I also want to provoke the organization.

Alam ko ang pag-iiwas ng organisasyon na ito na makaharap muli sa battlefield ang Costa Nostra. Kung noon, nakakatakot na ang pamilyang kinabibilangan ko, mas lalo na ngayon dahil hindi sa pagmamayabang patuloy ang tahimik na pag-usbong ng grupo sa pamumuno ng kakambal ko. At alam kong hina-hunting na rin ako ni Alexander ngayon dahil sa mga gulong ginagawa ko sa mundo ng mga Mafioso kahit kabilin-bilinan ni Daddy na huwag na kaming mangialam pa. Kaya bago pa man niya ma-trace ang exact location ko, kailangan ko nang lumikha ng pangamba at takot sa lahat para maglabasan na rin ang ibang mafia. Para makuha ko na ang sagot na magsasarado ng nakaraan naming lahat.

"Costa Nostra . . . I know them very well, who wouldn't? Kinakatakutan sila ng lahat. And they will surely come out from hiding... you know what I mean, Sir." Tiningnan kong maigi ang Deputy Director. Hindi na maipinta ang mukha nito sa reaksyong ipinapakita.

The government was afraid. Napangisi na lang ako ng palihim.

Tumayo ang lider ng organisasyon. Nakakuyom ang mga palad dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman.

"It can't be! Haunt them all. Start with that goddamn Crucifix!" saad nito nang may diin at awtoridad bago huminga nang malalim at lumabas ng conference room.

Nice. I got them to chase my unknown enemies. Hindi na ako mahihirapang ubusin ang ibang mafioso because the government will do it in behalf of me. Habang ako mag-f-focus lang sa paghahanap ng kasagutan to close the book of our past.


Wicked InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon