Sa umaga, siguro masasabi siguro ng ibang tao na payapa lamang at masayang nagkukwentuhan ang mga estudyanteng nagtitipon sa lugar na ito.
Ngunit sa pagpatak nang takipsilim, hindi nila alam na dito na nagsisimula ang impyernong tatahakin ng bawat isa. Takbo dito, takbo doon, Nakasanayan na ng lahat ang gawing ito mula nang mapadpad kami dito
"AAAAAAHH!! HELP!!"
Saan ka man magpunta makakadinig ka nang malalakas na hiyaw ng taong namimilipit sa sakit. Kahit saang lugar ka magtungo ay may mga bakas ng dugo na naiwan ng mga taong walang awa sa pagpatay.
Ni wala pa sa amin ang nakakatulog nang maayos dahil sa takot na baka siya na ang sunod na mapaslang.
Hindi ko alam kung bakit...
ngunit pa'no nga ba ulit kami napunta sa ganitong klase ng sitwasyon...?
********
(One Week Ago)
ABALA AKO sa pagpipirna ng mga papeles nang biglang bumukas ang pinto, "President, there's someone who left this note on your locker." said Hailey— our SSC* muse. Then, she continued without waiting for me to respond, "nakita kong nakadikit ang papel na ito sa iyong locker. Nakapagtatakha dahil walang pangalan ng sender sa likod gayong may mga pirma ito"
(A/N: *Supreme Student Council)
Itinigil ko ang pagpirma at itinuon ang atensiyon sa hawak niyang papel. "Give it to me." Hindi naman nag dalawang-isip ang dalaga at ibinigay ito sa akin.
Sinuri ko muna ang papel na may itatayang sukat na 768x1024. Printed naman ang nilalamang mensahi sa loob ngunit walang nakasulat na kahit na anong pangalan o address tungkol sa nagpadala
Hindi ko na pinansin ang tungkol d'on bagkus ay sinimulan na lang ang pagbasa.
"Ipagpaumanhin niyo na at dahil masyado kaming nahuli para sa nakatakdang deadline nang pagpasa nito kaya wala nang oras upang maiayos. Ang pagpupulong ay gaganapin bukas nang tanghali sa ******* *****. Mahigpit na pinapabilin sa amin na kailangan kompleto ang mga miyembro ng ssc na dadalo bukas. Iyon lang, maraming salamat." basa ko sa sulat. Sa ilalim nito ay may pangalan ng aming principal at ang kaniyang pirma.
Mukhang ang papel na ito ay isang imbitasyon tungkol sa gaganaping festival dito sa aming eskwelahan sa susunod na buwan.
Muling bumukas ang pinto ng silid. Bumungad sa aming harapan ang mga mukha nina Raze at Whimsy.
"What's the matter?" Whimsy asked
"May nakita akong papel sa locker ni President." Hailey replied
Daling naglakad papalapit sa aking gawi si Raze at binasa ang aking hawak na papel. "Hm...what do you think about this letter? Isn't it strange that the sender didn't put his name on it?"
Muli kong ibinalik ang tingin sa hawak na papel, "May pirma na ito ng principal kaya sa tingin ko wala naman kahina-hinala tungkol dito." tanging sagot ko bago ito inilapag sa lamesa
"Nasaan ba ang principal ngayon?"
"He attended some conference meeting right after the lunch. We can confirm about this letter later."
Whimsy raised her hand, "I'll do it. It's my duty as the SSC secretary."
"Okay..." Sagot ko at muling ibinalik ang sarili sa pagpipirma ng mga papeles. Pinabayaan ko na lamang ang tatlo na mag-ingay sa loob.
"By the way, where's the other members?" Dinig kong tanong ni Hailey. Nakaupo ang dalaga 'di lamang kalayuan sa aking pwesto at sumisimsim ng kape.
'seryoso, sa ganito kainit na panahon nakuha mo pang magkape?' tanong ng aking bahaging kaisipan
YOU ARE READING
Game Series #2: The Mafia's Game
Mistero / ThrillerA group of students from different schools found themselves stuck in an uninhabitant island, suddenly a mysterious man appears and were forced them to kill each other in order for them to survive A psychological game that will test both physical and...