Back to normal na naman ang life naming dalawa ni Cross after nung araw na yun. Buti na lang at nadatnan ko pa si Cookie Monster dahil kung hindi, paano na lang ako? Pano ako mabubuhay pag wala siya. Choz!
Pero tama na sa pag-eemote kasi eto ako ngayon oh dyosang-dyosa naghahanda para pumasok sa school and besides its been a month na rin since nung muntikan niyang pag-alis.
About sa lolo niya, well, nung una ay galit na galit parin ito pero ginawa talaga lahat ni CM ang lahat lahat lahat lahat ng paraan para ipagtanggol ako at ang aming pag-iibigan syempre pati na rin ang daddy nito. Kaya di rin naglaon ay nahihimasmasan na rin ang lolo ni Cross sa sa galit nito at pinabayaan na lang kami sa aming relasyon.
Buti na lang at wala ng harang sa amin. Haha. Sana maging fairytale na lang to na may Happily Ever After. Hmpf.
Palabas na ako ngayon sa restaurant nina auntie dahil sa lunes ngayon ay doon ako natulog sa kanila noong weekend. Nasa harapan na ako ng pinto dala-dala ang bag ko at mga art materials para sa art lesson namin ng biglang...
"Hoy Eya!" Ay lintik naman muntikan na akong masubsob ang mukha ko sa pinto. Pano ba naman tong si auntie eh sigaw ng sigaw ang aga-aga.
"Bakit po auntie?! Nanggugulat naman po kayo," tumalikod ako para tingnan si auntie ng papalapit sa akin.
"Ano ka bang bata ka? Sabi ko sayo wag mong kalimutan tong bayad na to," inabutan niya ako ng pera pambayad doon sa isang shop para sa mga inorder niyang mga bagong plato.
"Ay naku! Sorry po auntie hehe nakalimutan ko po," napakamot na lang ako sa ulo ko at nginitian ko siya.
"Napakamalimutin mong bata ka! Palusot ka naman siguro para hindi kita mauutusan. Eh madadaanan mo naman yung shop ni Yeye ah," oh eto na naman si auntie rarat-ratan na naman ako ng machine gun.
"Opo auntie, bye!" Agad akonng tumakbo para makaiwas sa mga mala-machine gun niyang bibig. Hay naku!
Naglalakad na ako. Papuntang school pero bago yun ay dadaan pa muna ako sa shop ni aleng Yeye para iabot ang bayad ng may sumisitsit. Kakaasar lang yun ha.
Psssst.
Pssst.
Pssst.
Ano ba namang tao yan, sitsit ng sitsit.
Pssst.
Pssst.
Naku sino ba yang sitsit ng sitsit? Tanga rin yung sinitsitan niya eh ayaw makarinig. Tch. Lakad lang ako ng lakad at tanaw ko na ang shop ni aling Yeye.
"Bulaga!"
"Ay nagtataeng ice cream! Lintik naman oh!"
"Hahahahaha ano ka ba Cookie Bear," lintik na Cross naman oh nanggugulat at kakaasar pa kasi tawa ng tawa, "hahahahaha ang cute mong tingnan sa expression mong nagulat Cookie Bear! Hahaha ang panget panget ng istura mo! Haha"
Tae na monster yun oh ginulat na nga ako, tinawanan pa ako tapos nilait pa ako. Grabe tong monster na to.
"Tumigil ka nga! Hindi ka nakakatawa eh!"
"Hahahahaha."
Tae tawa pa rin ng tawa, "maka-alis na nga."
"Oy teka CB," hinawakan niya ang mga braso ko at inilapit niya ako sa kanya.
"Wag mo nga akong hawakan!" Nakaka-inis talaga naman oh.
"Sorry na CB, sorry na," shet naman imbes na magalait ako ay kinilig ako sa pagsosorry niya. Ang cute niya kasing tingnan tapos ang ang sarap iuwi sa bahay. Magtigil ka Eya! Humaharot ka! Naman kasi konsensya eh.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond (A fanfic of Diary ng Panget)
Teen FictionAno kaya ang nangyari sa pinakamamahal nating loveteam na sina Cross at Eya? atangi!