Forgotten

714 19 17
                                    

Hindi ako makapagconcentrate sa buong afternoon class. Eh pano ba naman kung yung cookie monster ko ininjan ako. Tss. Siya itong nagsabing sabay raw kaming mag lunch pero asan siya? Saang lupalop ko siya nakita? Ni anino niya di ko nakita.

Ugh! Ba't ba ako nagkakaganito? Kanina ang saya-saya pa namin tapos ngayon wasak na ang araw ko. Babatukan talaga kita Cross Sanford! Nakakainis ka! Nakakabaliw ka! Tae!

Dismissal na pala kaya napag-isipan kong bilisan ang lakad ko dahil kailangan ko pang bayaran si aleng Yeye para dun sa inorder ni auntie.

Nasa may gate na ako ng school at aktong kakaliwa para maka-alis na agad ng biglang may tumawag sa akin.

"Eya!" Napalingon ako at sana si Cross tong tumawag sa akin *cross fingers*.

Pero hindi pala. Si Aldrien ang tumawag sa akin pero ba't parang nalugi ang pakiramdam ko. Nakakaloka itong pakiramdam na ito ha. Si Cross naman kasi eh. Pinag-alala talaga ako.

"Oh Aldrien!"

"Hanggang ngayon ba naman Eya matamlay ka parin?"

"H-ha? Eh, di no," binigyan ko siya ng pilit na tawa. Klaro kayang sapilitan lang yun? Ewan.

"Ganun. Uwi ka na?"

"Hindi pa. Pero maiwan na kita Aldrien kasi nagmamadali na kasi ako eh."

"H-ha? Saan ka pupunta?"

"May babayaran pa ako kaso kelangan ko na talagang magmadali eh. Malilintikan ako ni auntie kapag nagtagal ako."

"Sasamahan na kita."

"Wag na."

"Sige na"

"Hala sige mapilit ka kasi eh. Tara na nga?!"

"Yehey!"

"O ba't ka nagbubunyi?" kaloka rin tong si isang ito. Para bang nanalo ng lotto.

"A-ah e-eh w-wala," syet ang cute cute ng mga ngiti niya. Ay ano ba naman Eya ang landi landi mo. Pero totoo ha. ^____^

Agad na man rin kaming umalis at mabuti na lang ay madali rin kaming nakapunta doon sa shop.

Laking pasalamat ko talaga ng hindi pa si aleng Yeye napatawag kang auntie para hingin ang bayad. Safe na safe ako mula kang auntie. Haha. Swerte ko ngayon pero hindi naman kagaanong kaswerte. Dahil nga kay CM. Bwiset talaga yun.

"So uuwi ka na ba Eya?" Tinanong ako ni Aldrien habang papalabas na kami ng shop.

"Ah oo Aldrien eh."

"Samahan mo muna akong mag-mall."

"Lunes na lunes mag-mamall tayo?" Eh? Hindi ba siya nakapagmall kahapon?

"Please Eya. Samahan mo naman ako sa mall. Tutal sinamahan naman kita dito eh?" Nagpuppy eyes siya habang nagpupumilit. Aahhh ang cute niya, no no Eya stop it. Landi landi mo!

"Eh? Bakit pinilit ba kitang sumama dito?" Pagmamatigas ko sa kanya.

"Please Eya," shet lang ba't di ko siya matiis. Kung wala siguro si Cross malamang sinunggaban ko na tong si Aldrien. Haha. Bad memeng! Pero syempre joke lang. Loyal ako kahit menopausal stage yung CM ko. Haha

"Oh sige na nga," wala na rin akong nagawa. Kakaawa naman rin kasi tong isang ito, "pero libre mo ako ha? Nagugutom na ako."

"Hahahaha. Yung lang pala eh, tara na?" At hayun nga pumunta na rin kami ng mall.

Wala naman kaming masyadong ginawa doon. Naggala-gala lang kami sa mga shops dun, tumingin-tingin ng mga damit at accessories, mga relo, sapatos at syempre kumain sa KFC libre niya yun. Haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Infinity and Beyond (A fanfic of Diary ng Panget)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon