RENEWAL OF VOWS
"You look so gorgeous mom" sambit ni Alfonso habang buhat si Gracie
"Wow, ito pala yung itsura ng mommy namin 25years ago, ang ganda, ang sexy" sambit ni Luis
"Anak wala kang pinag bago ang ganda mo" sambit ni Mommy
"Binobola nyo na ako eh" tawa ko
"Hindi mommy, kung ako si daddy at si Xandra ikaw gagawa kami ng isa pang Gracie" pang aasar ni Luis
"Oh bat di kayo gumawa?" Tanong ko
"Pag malaki na lang si Gracie, para may mag aalaga" tugon ni Luis
"Wow ading ang ganda mo ha, pero bat tong mga to andito, dun kayo sa daddy nyo" sambit ni Manang
"Ay tita nag dala lang talaga kami ng letter ni Daddy, tara na nga luis, oh tita si Gracie" sambit ni Alfonso bago iabot si Gracie kay Manang
Inabot naman ni Manang kay nanay Merly si Gracie. Literal na ginagawang bola ang anak ko. pinag papasapasahan
"Taba ng anak mo" pang aasar ni Manang bago lumabas ng kwarto
Nag pump lang ako ng gatas kaninang umaga para naman masulit ko ang araw namin ni Greggy. Mahirap din naman mag padede pag naka wedding gown ano yun joke?
Habang nag hihintay eh binasa ko ang letter na pinadala ni Greggy.
Dear Irene,
This is it, happy 25th wedding anniversary. Kahapon pa kitang hindi nakikita kaya miss na miss na kita. Hindi ko naman na pahahabain tong letter na to sa vows ko na lang sasabihin lahat ng gusto kong sabihin. I am so excited to see you. I love you
Love,
Greggy Araneta
Nag effort pa talaga syang mag sulat ng letter eh pwede namang sabihin na lang sa vows lahat mamaya.
I don't know pero may pamahiing the day before the wedding until the wedding hindi pwedeng mag kita ang groom at ang bride. Sinunod na lang namin ni Greggy dahil nasa probinsya naman kami.
Pinapadala ko lang si Gracie sa kabilang bahay pag gustong makita ni Greggy. Pero kagabi nahirapan ako dahil nag iiyak si Gracie kaya naman pinakuha ko kay Alfonso at pinatawagan ang Daddy nya.
Isa pa kasi sa pamahiin ang hindi kami pwedeng mag usap....
Nauna na sina Nanay Merly at sina manang sa simbahan kasama si Gracie... Nakasakay na ako sa bridal car, nag hahalo halo na ang nararamdaman ko.
Nag text saken si Alfonso na nag iiyak na daw si Gracie kaya sabi ko pag dating ko eh dalhin nya sa kotse....
Nang makarating kami sa simbahan ay agad kong kinuha si Gracie at hinele hanggang sa makatulog.
Aaminin kong nataranta ako ng sinabing mag sisimula na at pinapapwesto na. Buhat buhat ko pa din si Gracie, hanggang sa mag lakad na ako sa aisle at nag iintay si Mommy at si Manang sa gitna. Natatawa tawa sila hindi ko alam kung bakit.
Nang makarating ako sa tapat nila eh hinawakan ni Manang ang braso ko.
"Do you get dejavu?" Asar nya
YOU ARE READING
Love That Will Last
FanfictionCompilation of Author's Imagination WE CAN FEEL THAT WE HAVE A COMPLETE AND A HAPPY FAMILY. WHERE PROBLEMS CAN FIXED EASILY.
