~
Nagising ako dahil nararamdaman kong gumagalaw si Irene.
"Oh bakit?" I asked
"Wala makikiabot nung isang unan, yun oh yung nasa pag itan nung dalawang lalake" she said
Inabot ko naman feeling ko nangangalay sya.
"Nangangalay ba likod mo?" I asked
"Medyo" she said
"Teka tulungan kita mag hanap ng komportableng higa" i said
"Namimiss ko anak natin" she said
"Nasa nursery lang yon, hindi yun mawawala si Kaye ang nag babantay" i said
"Pwede makita?" She asked
"Hindi na, mag pahinga ka, bukas naman ng umaga dadalhin na yun dito eh" i said
Natulog naman ulit sya at nagising yung dalawang kumag.
"Dad tara coffee tayo sa labas, its 3am na oh" Alfie said
Lumabas naman kami para mag kape. Nakatulog na kasi di Irene ....
"Dad kung January 14 pinanganak si Baby, pano nyo sya ginawa?" Alfonso asked
"Kailangan pa ba i elaborate yon?" I asked
"May anak kana alfie tas ganyan pa tanungan mo" Luis said
"Ay yon nga pala, di ko yon anak" Alfie said
"Anong hindi mo anak? Tinatanggi mo?" I asked
"Hindi dad, i mean nung panahon na kami pa, may iba na pala sya, nung nabuntis sya iniwan nya ako sumama dun sa tatay nung bata" Alfie said
"Eh bakit sabi nung nanay responsibilidad mo daw yung bata?" Luis asked
"Yun na nga mga tanga sila, di ko naman pala anak" Alfie said
"Muka namang di mo talaga anak eh, di mo kamuka" i said
"Dad naman, so pano nyo nga ginawa?" Alfie asked
"Birthday ko" i said
"April 20? Eh bakit January 14 sya pinanganak" luis said sabay higop ng kape
"Tama naman ah advance diba nag 1week stay kami sa Batangas noon?" I asked
"Oh yung birthday gift ko" alfie said
"Oo yun nga" i said
"San sa Batangas?" Alfie asked
"Sa CR ng resort" i said
"What the fu......dgee bar" luis said
"Dun inabot eh" i said
"Grabe naman kayo dad, di nyo man lang inintay, araw ba o gabi?" Alfie asked
"Araw, eh yung mommy nyo, cr na cr na eh naliligo ako, nag pumilit pumasok, edi yon ginawa na namin, cute naman yung kinalabasan ah" i said
"Cute nga parang kamatis na napisak yung ilong, bat ganon ilong non?" Alfie asked
"Eh kasi nung 4months pregnant ang mommy nyo, pinag hanap nya ako ng kamatis tsaka ng aratilis" i said
"Tapos?" They asked
"Tinitigan nya lang yung kamatis na kulay pula at yung aratilis" i said
"Ahh kaya sabihin nyo sa mami wag mag tataka kung bakit yung ilong ng kapatid namin eh napaka layo sa ilong nating apat" luis said
"Sa side naman ng lola nyo di naman matangos ang ilong lahat ah, pati sa side ng lolo luis nyo" i said
"Ilaban nyo talaga ni Mommy ang pagiging pango ng kapatid namin" Luis said
"Pero dad? Pano yan lahat ng gamit nya pang lalake?" Luis asked
"Ay oo nga buti nasabi mo, bukas mag sama kayo ni Xandra at ni Manang Imee bumili kayo ng gamit na pang babae" i said
"Mga damit lang okay lang naman siguro na yung tub nya kulang blue" i said
"Pero dad bakit yunh mittens nya kulay pink na?" Luis asked
"Nacutan ang mommy nyo kaya binili nya" i said
"Eh pano anong name?" Alfie asked
"Its either, Graciela, or Gracie malaman natin pag gising ng bukas ng mommy nyo" i said
Nag kape na lang kami habang nag kwekwentuhan ng mga nang yayare sa buhay buhay namin. Mag 4:30 na nang dumating sina manang. Umuwe muna kaming tatlo sa bahay para kumuha ng ilang mga gamit at para na din makapag pahinga ng konting oras...
YOU ARE READING
Love That Will Last
FanfictionCompilation of Author's Imagination WE CAN FEEL THAT WE HAVE A COMPLETE AND A HAPPY FAMILY. WHERE PROBLEMS CAN FIXED EASILY.
