ZACHARIAH'S POV
Payapa akong nagrereview ng subject naming Anatomy and Physiology. Lahat ba naman ng bones sa katawan kailangang kabesado. Pero mas ayos na ito kaysa naman sa mga subjects na may math which is yung Biochem.
After kong magreview, nagdecide akong pumunta muna sa soccer field. Sa may bench, lilim ng puno ng acacia. Mahangin kasi doon at nakaka chill. Patulog na sana ako ngunit biglang sumulpot si Lorie.
"Ria! Ilan nakuha mo sa Bio?" nagulat ako sa kaniyang boses. Si Lorie lang pala.
Pinost na kasi yung quiz result namin sa sias kaya agad ko itong tinignan. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong intindihin 'yon.
18/25
"Eighteen lang, ikaw?" dismayado ako sa result ng quiz ko. I have 7 incorrect answers! I know I can do better than that. Agad niyang inagaw ang cellphone ko para ikumpirma kung 'yon nga talaga ang score ko.
"Halla! Wehhh?" pinanlakihan niya naman ako ng mata.
"Ako nga 5! Ang hirap ng biochem! Pero at least may nakuha ako!" Pagrereklamo niya. Tinapik ko naman ang balikat nito.
"Ang swerte mo, Ria! Switch kaya tayo ng brain?!"
"Kaloka! The higher the grade, the lower the mental health" at kinuha ko na sa kaniya ang phone ko. Napansin ko na dismayado parin siya. Malaki rin kasi ang percentage ng quizzes sa grades ito yung panghatak sa exam.
"Oks lang 'yan! Bawi next time" kailangan talagang i-accept mo yung nakuhang score mo tapos mag comeback ka academically. Bagsak ka man ngayon pero make sure na babawi ka.
"Hindi ko alam kung 'nursing' ba talaga yung true calling ko?! Mag shift kaya ako?" At ngayon ay nakatingin na siya sa kawalan. Nag-uumpisa palang kami ng course na 'to tapos mag-shi-shift kaagad? Pero sa totoo lang... Nakaka drain sa lahat ng aspect. Physically, mentally, emotionally tapos financially draining talaga.
"Shift tayo ng tourism, Ria!" alok niya sakin. Umarko ang kilay ko at napatawa sa sinabi niya.
Nandon si Sierra...
Sa tanong niya about sa 'shift', ayoko sa tourism department, nandoon ang ate ko. Tsaka pandak talaga ako. Pero higit pa non, ay iniiwasan ko talaga ang maikumpara sa kaniya.
"Ano ka ba?! Tignan mo nga ako?! Hindi pasok yung height standards! Kaloka ka!" Sabay tapik ng marahan sa braso niya. Papanindigan ko itong course na ito. Kahit mahirap, kakayanin!
"Mag stay ka na sa Nursing kasi maraming opportunity" dagdag ko. In demand ang course na 'to kaso magastos pero worth it naman. Kaagad niyang inayos ang gamit niya at isinuksok sa bag.
"Alis na ako Ria, kukuha ako ng libro sa lib. Mag-aaral ako ng nomenclatures!" paalam ni Lorie.
Huminga ako ng malalim. It's ok... I comforted myself knowing that I feel like I'm a failure for having 7 incorrect answers. Nag review ako pero hindi pala 'yon sapat. Kailangan ko talagang mag-aral pa. Binuklat ko ang aking notebook upang i-analyze yung nomenclature. Alright, hindi ko talaga ma gets kaya sa bahay nalang ako magre-review.
"Bat ka mag-isa na naman?" That voice sounds familiar. Napatingin ako sa side ko. It was him again. Ang lawak ng campus pero bakit nandito siya? Hindi na naman ako makakapag-focus neto.
"Para matulog?" maikling sagot ko habang ipinatong niya ang kaniyang bag sa may lamesa. maganda kasi sa lugar na 'to at kakaunti lang ang mga taong pumupunta. Tambayan ko sa library kaso punuan, halos mga fourth year students ang laman non kasi nag-co-compile sila ng research papers.
BINABASA MO ANG
When September Sparks
Teen FictionWhen you accidentally fall in love with your cousin's suitor, what will you do? When September begins, the magic of love sparks. It is all about falling in love with a stranger, but at some point, there are ups and downs. Zachariah Marie is a first...