Buttercup, Don't Break My Heart

1.3K 17 0
                                    

SI MIA YUNG NASA PICTURE. :)

----------------

Hinay-hinay akong bumangon, good. it's still 6:39 in the morning, naligo ako at nagbihis na. It's a good thing na Wednesday ngayon, so it means... CIVILIAN type ang susuotin ko ngayon, I smirked... pumunta ako sa closet ko at kumuha ako ng isang long-sleeved na black na polo, then black pants with black converse shoes. Para namatayan sa suot ko. pero bahala na XD Bumaba na rin ako papuntang sala.

"Good Morning Kosh." bati sa'kin ni Aleyah, nginitian ko siya.

"Good Morning, alis na'ko. bye." and I went out, tatanong lang naman siya kung anong nangyari or whatsoever, bahala na siya. Pumasok ako sa kotse, readied everything up and went to Mary's house. Yes Mary. Ayoko ng tawagin siyang Starbucks Girl, mabait kasi siya sakin eh. At saka, crush ko panaman siya. HAHA 

Pagdating ko sa labas ng bahay nila ay sigurado akong tulog pa siya, kaya't sinuot ko ang shades ko then nagdoorbell ako sa kanilang bahay, may babaeng nag-greet sakin mga mid-50's na siguro.

"Good morning po." bati ko.

"Sinong hanap mo iho?" tanong nito sakin, teka.. IHO?! ay oo. Nakadamit panglalaki pala ako. Palagi naman eh.

"Si Mary po, andyan po ba?" tanong ko, sabay ngiti.

"Ay tulog pa. Pasok ka muna.. tawagin ko lang ang anak ko." sabi nito, ahhh so Mama pala ito ni Mary, hmmm. Maganda rin pala ito. mehe

Pinapasok ako sa kanilang bahay, normal lang naman ang size ng kanilang bahay, two-storey and by the looks of it... I think dalawa lang silang magkakapatid, tumayo ako, tinignan ko yung mga picture frames nila... and... lahat ng pictures na nakikita ko ay all about Mary.. and only Mary, I sighed.. ang vain kasi niya. There's this time nung nag-stalk ako sa Instagram niya, naku! Halos lahat pictures niya, mabilang ko lang ata kung ilan ang mga pictures kung saan makikita mo ang mga kaibigan niya. Ang babaeng ito.

"Mikosh?" narinig kong sabi ng isang cute na boses, tinignan ko kung sino and obviously, it was Mary.

"Good Morning, Princess, anong oras na'ba? may utang ka'pa sakin, remember?" sabi ko sa kanya, she facepalmed herself

"Oo nga! TEKA! hintay ka muna ah!" sigaw niya sabay takbo ulit sa itaas, I smiled. Bumalik ako sa pag-upo sa kanilang sofa ng tinawag ako ng mama niya.

"Anong gusto mong mainom? para hindi ka mainip sa kahihintay kay Maria." ngiti niya sakin.

Maria? Maria pala ang nickname niya. haha! ang cute naman.

"Hindi na'po, ayos lang." ngiti ko sa kanya, tumango siya at umalis na, binuksan ko ang phone ko at nag-GM ako. 

Smile 'cause you're beautiful, frown 'cause you're lonely, but always remember that because of me, you've been happy.

Good Morning! :)) Have a nice day babe :*

GM

Ang GM na ito ay para kay Allyssa. mehehehe

pati ba naman sa text ay flirt ako? haha! nakita ko si Mary na bumaba, ngumiti ako.

"Magandang Umaga po, mahal na prinsesa." bati ko sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay sabay belat sa akin.

"You're 10 minutes early!" sabi niya, nginitian ko lang siya, tapos lumabas na ako ng bahay, nag-antay ako sa kanya sa loob ng kotse.

"Anyare sa'yo?" tanong niya sakin, pumasok na din siya sa wakas.

"Wala lang.. eh early ako ng 10 minutes eh." 

"Ang O.A mo! Punta na tayo sa school." sabi niya, tumango at inistart na ang kotse.

We're in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon