Nasa Iyo Na Ang Lahat

1.3K 16 1
                                    

Oh, flashback pala 'to ng buhay ko, matagal na talaga akong ganito. Yung umaasta na lalake, yung para ka talagang lalaki.

Na-shock nalang ako ng one day ng malaman kong.... MAY CRUSH sa AKIN ANG BESTFRIED KONG BABAENG BABAE. Pero ibang lovestory na yan :) si MARY ang pinaguusapan natin dito, Hindi yung dating kong bestfriend na si Tina, she's from the past... buried past to be exact, matagal ko na siyang kinalimutan.

Two months na din ang nakaraan ng naging member ako ng Horse Back Riding Club at naging rider ako ni Buttercup, ganoon din ang pagkakaibigan namin ni Mary.

Actually, lumaki na ang crush ko sa kanya, yung lumaki na talaga, and well... I'm inlove with her. oo, malandi na kung malandi, pero totoo talaga 'tong nararamdaman ko. At naging awkward pa rin ang things between me and Allyssa, I mean, we're still friends but the problem is she's still bitter towards me, yung ayaw ka niyang makasama, ay ewan.

Mary ... MARY.. MARY. yan ang tibok ng puso ko, ewan ko kung bakit, I'm a straight person, but I don't really know how to explain things when it comes to falling inlove, at hindi ko talaga ini-expect na maiinlove ako sa isang babae, sa kay Mary. Nasa kanya na ang lahat, brains, beauty, popularity, but someone already owns her. And that's Rhyle, hanggang ngayon eh hindi pa rin niya alam ang malaking sekreto ni Rhyle, ewan ko nga kung bakit pero masama talaga ang pakiramdam ko kay Rhyle, I sighed.

Boring kasi ng Chem namin, tapos wala din si Mary. mehe~ 

Napatigil ako ng may nagtext sakin, I covered my phone with a book and I opened the message.

From: Aleyah (Smart)

Gala tayo mamaya? Gora na! Tayo lang tatlo ni Mary!

ngumiti ako, hahaha! masosolo ko sana si Mary mamaya.

To: Aleyah (Smart)

Sige go, pero maya na, may practice ako, text nalang kita :)

At nagring na ang bell, bigla akong tinulak ni Aleyah papunta sa labas at nabangga ko si Mia, bakit ko ba palaging nababangga si Mia?

"Sorry Mia!" sabi ko, sabay rub ng neck ko, nakakahiya na kasi eh.

"Di, okay lang." ngiti niyang sabi, bestfriend ko na pala ngayon si Mia, dahil palagi kaming magkasama at well, I'm comfortable around her, and siya palang ang nakakalam tungkol sa crush ko kay Mary.

"Sige Mia, kita nalang kayo sa practice niyo mamaya ah?" sabi ni Aleyah, sabay hila sakin palayo sa kanya, si Leyah talaga, pushy. I waved to Mia which she returned by a soft giggle and a soft smile, which made me blush. Ay ewan. HAHAHA

Sa kaka-hila sakin ni Leyah ay sa field lang pala ang rating namin, naman o. Ano naman kaya ang gagawin namin dito?

"O, anong meron?" tanong ko, sabay tingin kay Leyah na umuupo.

"Antayin natin si Mary, wala kasi sila Allyssa, Jako, at Valery ngayon,, may trip sila." sabi niya, tumango ako with a hint of joy.

"Ah." ikli kong sagot, tumahimik kami, ako nakatayo habang siya ay nakaupo.

"Oy, nagseselos kaba?" bigla niyang tanong, tinignan ko siya, with the confused face of mine.

"Ha?" 

"Nagseselos kaba kina Yssa at Ko?" tanong niya, ay.. about pala ito kina Allyssa at Jako.

Tumabi ako sa kanyang pagkaupo, sabay rest ng ulo ko sa right shoulder niya, then I smiled.

"Hindi, at bakit naman? dapat nga eh masaya ako sa kanila."

"Kung ganoon, bakit hindi mo pinapakita?"

I sat up, tinignan ko siya at nginitian niya ako.

"Ha? What do you mean? I mean... what should I do?"

"Ewan ko, you need to prove to me that you're not jealous." ngiti niya.

"And why in the Earth's name should I do that?"

"Kasi alam ko ang past niyo ni Yssa."

My world froze, I mean, everything froze. Hindi talaga ako makapaniwala, ano naman kaya ang gagawin ko?!!!!!

"Ah, And how can you associate the old me to the present me?" BOOM! nakabawi ako.

"You're more different, and well.. I like the present you." 

what does she mean? Tatanungin ko pa sana siya ng biglang tumigil ang mundo ko, nakita ko kasi si Mary, paparating samin.

"Uy o, she's her." Sabi ni Leyah, sabay nudge sa may ribs ko at tumayo, nanatili akong nakaupo dahil hindi ako makagalaw, nag beso-beso sila ni Leyah ng bigla siyang natumba at naglanding siya sa nakaupong ako.

My head was on her neck, and her body was on me. Hindi naman sa nagbibinastos ako, pero totoo eh. XD

"Sorry Kosh." sabi niya, sabay tingin sa mga mata ko, her body was still on mine..

"Ah okay lang..." napatigil ako ng when we stared to each others eyes, like it was battling for dominance.

Nanatili kaming ganun ng nagsalita si Aleyah.

"USO NAMAN ANG TUMAYO, DIBA?" damn. 

Napansin kong nagblush si Mary sabay tayo, she offered her hand which I returned, tinulungan niya akong tumayo and we headed to Leyah's place, and Oo nakatira pa ako sa kanila. Hindi pa kasi tapos ang mga contracting shurva. bahala na nga. XD

Nasa sala kaming tatlo, masayang kumakain ng pizza ng dumating ang father ni Leyah sabay bigay ng isang box sakin.

"Ano po ito?" tanong ko.

"Your suit, may party ang company natin sa makalawa so, kailangan ka doon." ngiti niyang sabi.

Ah, so magpapanggap na naman ako. Tumango ako kay Tito.

"And you need to have a date, a girl to be exact." sabi niya, tinignan ko si Aleyah.

"Sorry." sabi niya, may kadate pala 'tong si Leyah, tsss. 

"Ako nalang." ngiting sabi ni MAry.

"Okay lang ba sayo Mary?" tanong ni Tito, tumango si Mary at sinabi na "OO nman po Tito."

"Sige, maiwan ko muna kayo." at umakyat paitaas na si Tito, naiwan akong nakatulala kay Mary.

"Anong meron?" tanong ni Aleyah

"Wala, hindi lang ako makapaniwala na makakadate ko si Mary." tawa kong sabi, nakita ko siya nakapout at mahina niyang sinapak ang mga braso ko.

"Baliw!"

"Sino ba ang kadate mo?" tanong ko kay Aleyah.

"Si Daddy." hiya niyang sabi, binigyan ko siya ng "You don't say face" at binelatan lang ako.

"BALIW AH!" sigaw niya, sabay tawa namin ni Mary.

"Should've known." sagot ni Mary, tumawa ulit ako, and Aleyah stormed off to her room.

Bigla kaming tumahimik ni Mary.

"Okay lang ba talaga sayong magsuot ka nga ganyan?" tanong niya, I nodded.

"Sanay na ako." ngiti kong sabi.

"Ah, so sanay ka na ring magkafling ng mga babae?"

Tumango ako

"Ah."

Biglang naging awkward ang lahat, ng nahawakan ko ang mga kamay ni Mary, at napansin kong nakapikit siyaaa. 

ANO KAYA ANG GAGAWIN KO?!

We're in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon