CHAPTER 12 - The prophecy

4 3 0
                                    

Chapter 12 - The prophecy

"Anong nangyari......rito?" Malamig na Tanong ni Amalthea habang pinagmamasdan ang buong paligid nang sakura garden.

"Amalthea! Kamari's power has already unleash but for now, she was out of control. You should stop her as long as possible or she will be a danger in this school" nag aalalang sagot ni Amara kay Amalthea.

"Meron po ba kaming maitutulong Ms. Amara?" Mahinahong tanong ni Raiden.

"Kailangan kong makalapit sa kanya upang isara ang gate of energy nya ng pansamantala. And I need you all para makalapit sa kanya" utos ni Amalthea.

"Sige po" Saad nina Yeldrich, Raiden, Cassandra at Kalea habang pinagmamasdan si Kamari na lumulutang sa ere at napupuno ng kulay asul ang kabilang mata habang ang kanan Naman ay napupuno ng kulay pula na mula sa apoy.

"Hindi dapat ito mangyari, anak ko" bulong ni Amalthea habang ang kanyang awra ay napupuno ng labis na pag aalala.

"Binibining Amalthea! Susubukan namin na magkaroon ka ng tyempo upang makalapit sa kanya. Saka ka po sumugod sa oras na may pagkakataon ka na" pabatid na Saad ni Kalea saka tumungo at dumiretso patakbo upang guluhin si Kamari na nakalutang sa ere at hindi matinag tinag ang kapangyarihang nakapalibot sa kanya.

"Amalthea! Ikaw na ang bahala sa kanya. Gustuhin ko mang tumulong--"

"Okay lang Amara. Naiintindihan Kita" sagot ni Amalthea saka hinawakan ang kamay ni Amara at nahawakan ang unti unting paglabas ng mga kadena sa mga kamay nya.

Napatingin si Amalthea na ubod nang pag aalala. Agad na nahiya si Amara kaya't ibinaba nya agad ang kamay nya dahil hindi nya gusto na may nag aalala at may naawa sa kalagayan nya. Umalis Siya ng biglaan at sinamahan naman Sya ni Gliselda. Sunod Naman, ay nilingon ni Amalthea ang anak.

"Napakaswerte ng magiging anak mo dahil hindi lang kapalaran ang swerte sa kanya dahil maging ikaw sweswertehin, lubos syang masipag at pursigido. Magkakaroon ka rin ng mabuting asawa ngunit wag mong susubukang sundan ang lalakeng nakasombrero na nakasuot ng kulay brown na damit. Ilayo mo rin ang pagiging mausisa sa bawat kinikilos nya dahil pag ginawa mo ito Isang trahedya ang magbubuklod sayo at nang anak mo ng isang problema pero agad itong maiibsan ngunit wag kang papasigurado na magiging maayos na ang Lahat dahil maaring magiging masaya ka o malungkot ngunit katumbas nang kahit anumang emosyon na nararamdaman mo ay ang sakit mula sa puso mo at tanggapin ang reyalidad na nauugnay sayo"

"Alam kong mangyayari rin ito kung hindi ko Sana ginawa ang bagay na yun at sinunod ang sinabi ng manghuhula. Ano kaya ang magiging Buhay mo? Anak ko" tanong ni Amalthea habang nakatitig sa mga mata ng anak. Lubos siyang nagsisi dahil sa ginawa nya noon na hindi pagsunod rito. Inuna nya Kase ang pagiging mausisa sa mga bagay na bago sa paningin nya.

Huminga Sya ng malalim at ibinaba ang kanang kamay nya saka lumabas ang isang napakahabang scepter.

Napatingin naman at napatigil si Raiden sa panggugulo kay Kamari nang makita ang espadang gawa sa tubig ni Amalthea.

"That's why, Amalthea is the water alchemy" Raiden smirked and help Kalea on fighting Kamari.

Sumugod agad si Amalthea at tumalon ng napakataas saka nawala ang scepter na ginawa nya sa kapangyarihan nya at sa taas ng talon nya kaagad nyang nahawakan ang noo ni Kamari.

Sa paghawak nya sa noo ng anak ay Isang napakaliwanag ang lumiwanag sa buong sakura garden.

Kamari's Point of view...

Wala akong makita. Baket ba nakapatay ang ilaw ng kwarto ko? Hayss! Si Kalea talaga. Siguro pinatay nya na naman ang ilaw. Kahit tinatamad pa akong tumayo ay kinapa kapa ko ang light switch. Pero wala akong nakapang niisa. Ano bang lugar ito?

The Witch's HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon