Chapter 2 (Unedited ver.)

110 5 0
                                    

Umaatungal na sa gutom ang mga pinakamamahal na alaga ni Trace habang hindi naman maipinta ang pagmumukha ko. 

Nakakunot ang noo at nakasimangot ko lang tinitingnan ang mga pangit niyang alaga. I shouldn't be here right now. Dapat nasa opisina ako ngayon at nangangalap ng mga impormasyon para kay Mr. Black, Mr. Wang at Senator Montelo.

Hindi ako papayag na mapikot sa mga anak nila. Heck! Ubos ang stock ng condom ko sa condo, amoy bayag ang buong room, tapos sasabihin nilang buntis sila? 

Maingat ako sa lahat ng babaeng natitikman ko. Hindi pa naman ako nababaliw para anakan sila. Kung ang safeguard nga may naiiwan pang 0.1% na germs sa katawan ng tao. Puwes! Ibahin nila ako, kahit negative percent pa 'yan, walang maiiwan na sperm cells ko sa mga matres nila. Walang katas ni Keros ang mababakas. 

"O siya… magsikain na kayo," walang gana kong sabi sa mga alaga ni Trace. Biglang napataas ang kilay ko nang hindi man lang nila inamoy ang dala kong mga karne ng baboy! 

Ang arte ng mga puta! Anong gusto nila wagyu beef na grade a4!? 

"Ming… ming… kain na kayo. Bawal kayo mag-skip ng meal. Mangangayayat kayo tapos papatayin pa ako ng amo ninyo na sira ulo," pakikipag-usap ko sa mga alaga ni Trace. 

Naamoy ba nilang double dead ang karne na binigay ko? Nabili ko lang kasi 'yan kay Aling Lagring na suki ko sa palengke. Ang mahal kaya ng kilo ng baboy ngayon. Ako nga minsan na lang nakakakain ng karne kasi namamahalan ako. Tapos itong mga alaga ni Trace ang aarte! Sipain ko sila eh. 

Hinintay ko pa talaga na kainin nila ang mga dinala ko bago ko nilinisan ang mga ngipin nila. Mabuti na lang talaga at kasama ko na noon pa ang mga alaga ni Trace. Nilalaro ko sila no'ng mga baby pa sila kaya pamilyar na sila sa amoy ko. 

Para akong mahihimatay sa pagod. Sabayan pa ng bad breath nila. Isang araw ko pa lang ginagawa 'to mukhang mapapasuko na ako. Hindi ko alam kung paano natatagalan ni Simoun at Ibarra ang mga pets ni Trace. 

"Good morning, boss." Isa-isang nagtayuan ang mga tauhan ko sa loob ng building ko sa isla. Mukhang busy sila sa pag-monitor ng security sa buong isla. 

Dapat lang. Hindi naman kasi basta-bastang tao ang mga miyembro rito. May mga high profile criminals, drug lords, assassins, mafias, mga royalties, mga mayayamang tao sa alta sociedad at iba pa. Many to mention dahil sa dami ng iba't ibang taong nandito. Lahat sila ay kailangan kong protektahan sa lugar na 'to. To maintained Agrianthropos's reputation at para na rin sa samahan.   

Kahit hindi halata sa mukha ko ay masasabi kong perfectionist akong tao pagdating sa trabaho. No one should ever breach the tight security I built on this island. Not on my watch. Kahit sinong magaling na hacker pa ang magtangka ay hindi nila magagawang gibain ang malaking pader na itinatag ko. 

"Cal," tawag ko sa sekretarya ko. Si Cal ang sekretarya ko pagdating sa isla. Kapag wala ako ay siya ang pumapalit sa puwesto ko. 

Tahimik na tao si Callum o Cal. I discovered his talent when he tried to rob a bank that is supposedly my target that night. We battled for minutes using codes that only a hacker knew. When he tried to access all the doors and the locks, I blocked all of his codes and hacked his laptop instead. I easily defeated him. Madaling ma-crack lahat ng codes na ginagamit niya at iwasan lahat ng trap na nilagay nito sa sariling laptop. Halatang baguhan. I even got his info. Pero may potential akong nakikita kaya mas sinanay ko pa siya at kinuhang tauhan sa kumpanya ko. 

"Boss," bati nito. 

"Update," sagot ko. Kinuha ni Cal ang laptop nito sa labas at gamit ang projector na mayroon ang opisina ko ang pinakita nito ang mga attempts ng mga kalaban namin. Attempts na pasukin ang isla. 

Wild Men Series: Keros VolzkieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon