Chapter 4 (unedited ver.)

82 3 2
                                    

I hack, track, and kill. This is how I survived in this cruel world. Dahil kung hindi? Sa sementeryo ako pupulutin. Hindi pa nga sure kung malilibing ba ang bangkay ko o maaagnas na lang ako sa gilid-gilid.

Pumapatay ako ng tao for living. That is something I am not proud of. Nais kasi ni Pops na sa malinis na paraan ko kikitain ang pera. Pero maagang namulat ang mga mata ko sa karahasan ng mundo. Maagang naging halang ang kaluluwa ko.

Napariwara ang buhay ko sa murang edad. Ang pagiging inosente ko sa mundo ay napalitan ng kadiliman. Para akong pusang gala na nakikipaglaban na mabuhay araw-araw. At the age of twelve, I started doing some illegal jobs. Bata ako ng mga drug addicts sa lansangan na siyang nagiging asset nila sa iba. Pakikipag-basag-ulo ay parang naging routine ko na sa pang araw-araw na buhay ko noon. Hanggang sa nakapasok ako sa underground society kung saan ang salitang awa ay parang wala ng kahulugan.

Drugs

Kidnapping

Sex slaves

At marami pang iba. Ilan lang 'yan sa mga bagay na normal sa madilim na mundong napasukan ko.

Kriminal

Assassins

Killer

Drug addicts at kahit mga simpleng mayayaman na halang ang kaluluwa. Lahat sila ay makikita mo sa underground society. Pera ang kailangan mo sa mundong ito. If you have money, you can build connections, and if you have connections, you can have power and authority.

I remember when I first met Trace. Si Trace na siraulo at parang laging galit sa mundo. Sa unang pagkikita ay alam ko ng magkakaroon kami ng koneksyon. The man is crazy at kalahi ata ni Satanas 'yon. And I am crazy too at inaanak din ako ni Satanas, that's why we clicked.

Hindi ko naman akalain na bigatin talaga si Trace. Noong una ay simpleng trabaho lang ang inaalok niya sa akin. Pinapahanap niya sa akin lagi 'yong kapatid niyang si Paige na kung saan-saan nagpupunta. At pinapa-subaybayan niya 'yong step mom niya. Ewan ko ba sa gago at ang laki ng galit do'n sa step mom. Minsan din nagnanakaw kami kapag may free time kaming dalawa. Pinipili lang naman namin ang mga taong ninanakawan naming dalawa. Those we identified as corrupt politician o mga siraulong negosyante na akala mo pagmamay-ari nila ang mundo. Ako ang nagsisilbing utak at mata ni Trace. Habang si Trace naman ang pumapasok para kunin ang mga pera, alahas, at kung ano pa na makita nitong may value.

Maliksi kung kumilos si Trace at mukhang sanay na sanay. Hindi mo rin siya makikitaan ng katiting na konsensya sa ginagawa nito. He is a human form of evil. Kaya noon ay nag-aalangan akong pagkatiwalaan siya. But even the devil himself knows how to trust a human like me. Kaya sinuklian ko rin ng katapatan ang tiwala nito. That's how we became friends.

"Solve ka na ba talaga sa mga small time na trabaho, Tech?" napatingin ako sa lalaki na nasa gilid ko. Pareho kaming nakaupo habang tahimik na sumisipsip ng alak sa baso.

"Keros na lang, Trace. Masyadong pormal ang Tech at wala naman tayong tinatrabaho ngayon," sagot ko habang ang mga mata ay nasa basong hawak. Nilalaro ang rim ng baso at malalim ang iniisip. Lumilipad ang isip ko sa pagkamatay ng kinikilala kong ama.

Napatitig ako sa kaibigan na nasa gilid na tahimik din at tila malalim ang iniisip. Patricio Dimagiba a.k.a. Trace. Halos isang taon ko na ring kilala si Trace and he also knew my hidden identity rito sa underground society. I go by the name tech dahil na rin sa safety ko bilang hacker.

"The world is fucked up, Keros. Alam mo na siguro 'yon. Tanging mayayaman lang ang mananatili sa tuktok," seryosong saad ni Trace sa akin. "Foedus can help you," dagdag pa nito.

Wild Men Series: Keros VolzkieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon