Valencia was having a nightmare last night. She was really bothered by her bad dream. Si Shien ang nasa panaginip niya. Hindi niya alam pero kinakabahan siya dahil sa panaginip niya ay may kasamang iba si Shien. That was really odd for her.
Nang magising siya ay kaagad niyang tinawagan si Shien. Shien mentioned that he was preparing to go to work. Naalala niya na may importanteng meeting din si Shien pero ang ipinagtataka niya gusto nitong ipa-cancel lahat ng meeting nito ngayong araw na 'to. May kailangan daw itong unahin. She really wanted to ask him but she just chose to keep her mouth shut. Hindi pa naman niya alam kung ano na ang estado ng relasyon nilang dalawa ni Shien. They never talked about it. It seemed like they were just enjoying each other's company.
Pero bilang babae, gusto na malaman ni Valencia kung ano siya para sa boss niya. Gusto niyang malaman kung anong puwang niya sa buhay ng isang Shien Castiel Adler.
Valencia just shrugged off the idea in her mind. Ayaw niyang pangunahan si Shien. Alam niya sa puso niya na espesyal ang tingin ni Shien sa kanya. Iyon ang pinanghahawakan niya.
She giggled when she remembered the kisses that they'd shared. Napahawak siya sa kanyang labi at napangiti.
Shien finally caught her heart.
Nakarating na si Valencia sa opisina nila. She must say that Shien's company was really booming in the business industry. Nakakaproud ang galing ng boss niya kahit na may pagkalasinggero ito noon. Tuwing naalala niya ang mga panahon na sinusundo niya si Shien sa bar na lasing ay napapailing na lamang siya. She never thought that she could love him this much.
"Valencia, umalis na si Sir. Sumaglit lang siya sa opisina pero agad na umalis," bungad sa kanya ni Jayra nang nasa front desk na siya.
"Ang aga pa 'ah," sinipat niya ng tingin ang kanyang relong pambisig. Maga-aalas-otso pa lamang ng umaga.
"Kaya 'nga. Mukhang nagmamadali nga 'e."
Tumango na lamang siya. "Ganoon ba. Pina-cancel nga niya lahat ng meetings and appointments niya for today."
"Baka may family emergency."
"I will just call him," aniya at kinuha ang kanyang cellphone na nasa bag niya. She checked if Shien sent her any message—pero wala. "Thanks, Jayra," tipid niyang tugon sa kaibigan.
Ilang ulit siyang napabuntong-hininga dahil hindi siya mapakali. Kinakabahan siya at hindi niya alam kung bakit. She tried calling Shien but he was not answering his phone. Nasa loob na siya ng kanyang opisina at inilagak na niya nang maayos ang kanyang mga gamit. Pero agad na napakli ang kaba na nararamdaman niya nang makita niya ang nasa ibabaw ng kanyang mesa.
It was a sandwich and can coffee. Napangiti siya nang mapansin ang sticky notes na nakadikit sa can coffee...
Drink this, babe. I also bought you some sandwich. Talk to you later. - Shien
"Ang aga-aga pinapakilig na ako ng mokong," wika niya sa sarili. She sat on her chair and started to work. Kinain niya ang mga iniwan ni Shien sa kanya. Masaya siya. Masaya ang puso niya. Pinapasaya siya ni Shien. Pero hindi niya pa rin alam kung bakit nakakaramdam pa rin siya ng takot para sa sarili niya.
Natatakot pa rin siya na baka masaktan ng lubusan ni Shien. She didn't expect him to capture her heart. She was truly out of his league. Wala siya sa kalingkingan ng mga babaeng umaaligid kay Shien. Natatakot din siya na baka siya lang ang umaasa na may patutunguhan silang dalawa.
Napasandal si Valencia sa kanyang upuan. Hinilot niya ang kanyang sentido at pilit na pinapakalma ang sarili niya.
"Ginusto mo 'to diba, Valencia Vega. Kaya panindigan mo 'to," aniya sa sarili. She heaved a sigh.

BINABASA MO ANG
Adler's Legacy #1: Subtle Romance
RomanceHe spends his time dancing with strangers, partying all night, and there is no passion in his life. Shien defined his life in this manner after his ex-girlfriend became pregnant with another man. Happiness seemed impossible to come by until he found...