Chapter Five

638 37 4
                                    


"KAILAN nga ulit iyong anniversary, Valencia? Tinatanong kasi ni Riggs nang paulit-ulit sa akin," tanong ni Jayra sa kanya. Nasa Jollibee sila ngayon dahil biglang nag-crave si Jayra ng manok sa fastfood chain na ito. Hindi naman matanggihan ni Valencia ang kaibigan dahil wala rin naman siyang trabaho ngayon. Day-off niya kasi at mabuti na lamang at nakatulog siya nang mahimbing kagabi dahil hindi siya ginambala ng boss niya.

Tinawagan niya ito para ikompirma kung nasa bar ba ito na madalas nitong puntahan pero sabi nito ay wala raw kaya nagging kampante siya at nakatulog nang maayos.

"Next month pa naman. Lahat daw ay dapat pumunta. Mandatory daw iyon. Hindi ka ba nagche-check ng email mo, Jay?"

Umiling si Jayra. "Hindi, e. Nakalimutan ko kasi ang password ng Outlook email ko," anito habang nginunguya ang manok nito.

Nanlaki ang mga mat ani Valencia dahil sa nalaman. Ngalingali niya iuntog sa pader si Jayra pero mabuti nalang at kaibigan niya ito.

She twisted her spaghetti on her fork. "I-reset nalang natin iyan pagbalik ko sa office. Ilang araw na ba 'yang hindi gumagana?" untag niya rito.

"Last week pa, Val."

"Gaga ka talaga. Sana pinaalam mo agad sa akin," wika niya habang napailing sa kaibigan niya.

"Hindi ko rin naman kasi masyadong ginagamit," rason ni Jayra. Tapos na nitong papakin ang manok. Ang spaghetti naman ang pinunterya nito.

"Sige na. Reset ko nalang 'yan pagbalik ko sa Monday."

Ngumisi si Jayra sa kanya at kinindatan pa siya. Napangiwi lamang si Jayra at muling ibinalik ang kanyang atensyon sa spaghetti na order niya. Pagkatapos kumain ay naisipan nilang dalawa na maglakad-lakad sa loob ng mall. Valencia had planned to treat herself to a new outfit as a reward, but she instead opted to get a new pair of shoes for her sister Valeara.

Naisip niya kasi na mas kailangan ni Leara ang bagong sapatos dahil nag-aaral pa ito. Mas mabuti na iyon dalawa ang sapatos ni Valeara para hindi agad masira ang mga sapatos nito. She really wanted her sister to finished her study. Hindi muna ito pwedeng mag-boyfriend dahil baka mabuntis nang maaga. Mabuti na lamang at masunurin ang kapatid niya.

"Val, diba si Mr. Adler 'yan,"

Napalingon si Valencia sa kasalukuyang itinuturo ni Jay sa kanya. She was sipping her coffee and keeping her gaze fixed on the woman who was strolling beside her employer at the time. That woman looked very familiar. That is, in fact, the same woman that caused such a commotion in their workplace.

"What's the real story between that woman and our boss?" Jayra inquired; her curiosity piqued as they followed their eyes to them. They were on their way to a restaurant. Arianne started stroking her stomach, hinting that she was pregnant.

Valencia sighed and shrugged her shoulders. "Ewan!" she exclaimed as an answer. "Kasama ni Sir si Miss Salvacion?" nagtatakang untag ni Jay sa kanya. "Diba wala naman silang connection dalawa? Bakit magkasama ang mga 'yan?"

Iyon 'din ang ipinagtataka ni Valencia. Miss Salvacion was still committed to her husband so there's no fucking way that they got back together.

"Anong ewan, Valencia Vega?" kinurot siya ni Jayra sa tagiliran kaya napaigik siya. "Anong ewan pinagsasabi mo? Sekretarya ka ng boss mo alam kong alam mo kung anong koneksyon ng dalawang 'yan," nanulis ang nguso ni Jayra sa restaurant na pinasukang dalawa.

"Eh, wala nga akong alam," sagot niya rito. Kahit na may alam siya ay hindi niya ito pwedeng sabihin kay Jayra dahil baka makasira pa iyon sa pangalan ng boss niya. She cared for her boss's reputation. Bawal naman kasi ang mga pinagagawa nito kasama si Arianne. They should not be seen being together because that would cause scandal.

Adler's Legacy #1: Subtle RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon