I Love You... Goodbye...

77 1 0
                                    

Eto guys sinasabi ko sa inyo maiiyak talaga kayo dito sa chapter na ito pinagpuyatan ko ito ngayong gabi dahil inspired akong isulat ito kaya basahin nyo na. I assure you guyz maiiyak talaga kayo

***********************************************************************

Chapter 8

Joana POV:

Hinanap ko si Lee at nakita kong may kausap siya at nagtatawanan pa kaya pinuntahan ko ito, napatigil ako sa paglapit ng makita kung sino ang taong kasama nito. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at hindi makagalaw sa kinatatayuan ng makilala kung sino.

"Duncan..."

Sakto naman nakita ako ni Lee at lumapit sila sakin, nagulat din si Duncan na makita ako.

"Joana meet my bestfriend Duncan, Duncan meet Joana my future girlfriend" nagkatitigan lang kami ni Duncan, ako na ang unang nagbitiw ng tingin.

"H-Hi...." sabi ko, hindi ako makatingin sa kanya samantalang siya titig na titig sakin. I pretend na hindi ko siya kilala.

"She look's familiar..." sabi ni Duncan

Bigla akong kinabahan, hindi pwedeng malaman ni Lee ang lahat samin ni Duncan ang lahat-lahat ng nangyari samin.

"Really?" tanong ni Lee

"Lee, pwede bang mahiram muna si Joana gusto kasi syang mameet ng mga cousin mo" sabi ni tita (mama ni Lee)

"ok Ma" ay hinila na ako palayo kina Duncan.

Nakita ko silang nag-uusap ng masinsinan at minsan tumitingin sakin, sobra akong kinakabahan ganito pa la ang feeling ng may tinatago sa taong mahal mo. Ayokong umalis sa tabi nila dahil baka kung ano-ano ang ikwento ni Duncan tungkol samin. Pinagpapawisan na ako sa sobrang kaba, nanlalamig na ang kamay ko kung pwede lang sanang lumubog na lang ako dito sa kinatatayuan ko o magevaporate na lang ako.

Hindi ko na naiintindihan ang pinag-uusapan nila dahil kung ano-ano na ang naiisip ko. Pano kung malaman ni Lee? Pano kung ipahiya nya ako dito, pano kung ---- Ahhh!!! ang daming tanong sa isip ko, unti-unti ng namumuo ang luha sa mga mata ko.

"Iha are you ok?" tanong ni tita sakin

"Uhmm... medyo sumama po pakiramdam ko, powder room lang po ako" at nagpaalam akong pupunta sa cr.

Pagpasok ko ng cr tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, natatakot ako sa pwedeng mangyari ngayong gabi. Pagkatapos kong umiyak inayos ko ang aking sarili at napagpasiyahan ko na lang umuwi bago ako mapahiya sa harap ng lahat.

Paglabas ko ng cr nakita kong nakasandal si Duncan sa may pader malapit sa cr mukhang may hinihintay ito mukhang ako.... kinabahan na naman ako. Iniwasan ko siya pero hinila nya ang siko ko.

"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong nito

"Duncan ayoko ng gulo" sabi ko habang nililibot ang mata dahil baka may makakita samin

"Ano kayang mararamdaman ni Lee pagnalaman niyang may nangyari satin dalawa, hindi lang ilang beses kundi pauli-ulit" nang-aasar nyang sabi sakin, biglang naginit na naman ang sulok ng aking mga mata.

"Duncan nakikiusap ako sayo wag mong sabihin kay Lee"

"Pano kung ayaw ko?" lalo pa nitong hinigpitan ang kapit sakin

"A-Ano bang gusto mo?" naiiyak kong tanong

"Stay away from Lee!" bulong nito sakin

"Ha?!" gulat kong tanong

"Ayaw mo? madali naman akong kausap, Lalayuan mo siya o sasabihin ko sa kanya ang lahat-lahat?"

"Aray nasasaktan ako... S-sige... iiwasan ko na siya wag mo lang sasabihin sa kanya ang lahat..." at tuluyan ng tumulo ang luha ko, bigla nyang binitawan ang kamay ko

"Madali ka naman pa lang kausap eh, sige mauna na ako" tumalikod na ito at naglakad na parang walang nangyari

Samantalang ako naiwan na litong-lito, ito na ang simula ng pag-iwas ko sa kanya. Hindi pa nagsisimula ang relasyon namin agad ng natapos sa isang iglap.

Nakita kong busy si Lee sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nya, agad akong lumabas ng bahay at hindi na nagpaalam sa kanya. Itetext ko na lang sya o kaya tatawagan pagnasa byahe na ako. Binilisan ko ang paglakad para walang makakita sa pag-alis ko ng biglang may tumawag sakin

"Joana!" kunwari hindi ko narinig pero alam ko kung kaninong boses iyon, tuloy-tuloy lang ako sa paglakad.

"Joana!" sigaw niya uli ng biglang may humila sa braso ko

"Joana san ka pupunta" hindi ako lumilingon, tumulo ang luha ko at agad pinunasan ito para hindi nya makita

"Uhmm.... masama kasi pakiramdam ko kaya uuwi na ako" dahilan ko, iniharap niya ako sa kanya

"Umiiyak ka ba?"

"Hindi masama lang talaga pakiramdam ko, sige mauna na ako"

"Teka lang hatid na kita" hindi na ako tumanggi dahil alam ko ito na ang huling araw na makakasama ang lalaking mahal ko.

Duncan POV:

Nakita kong umalis na sila Joana at Lee kaya umalis na rin ako sa party. Sobra akong naguilty na makitang umiiyak si Joana, kaya ko lang nagawa un dahil nagseselos ako. Selfish na kung Selfish pero mahal ko sya, ang tagal ko syang hinanap nasa piling na pala ngayon ng kaibigan ko at bestfriend ko pa.

Nasasaktan ako dahil alam kong ginawa nya ang gusto ko dahil kay Lee dahil mahal niya ito pero hindi ako papayag na maging maligaya sya dahil sa akin sya.

Pagdating nila sa tapat ng bahay ni Joana bumaba na kagad ang dalaga, bumaba din ang binata.

"Are you sure ok ka lang?" tanong nito bigla akong lumingon

"Oo salamat, Lee thank you sa lahat-lahat" pagkasabi nya noon ay lumapit siya sa lalaki at hinalikan ito sa labi, nagulat ang lalaki pero tumagal ang halik sila saka dahan-dahan na nilayo ni Joana ang sarili.

"Bye..." at tuluyan na siyang pumasok

Habang naglalakad sya impit ang kanyang pag-iyak dahil alam niyang ito na ang huli nilang pagkikita.

***********************************************************************

Oh my God mas maganda pa dito ang ibang eksena mas maiiyak pa kayo sa next chapter goodnight bukas uli

VOTE

BECOME A FAN

LEAVE COMMENTS AND SUGGESTION OF YOU LIKE

Lovelots

JHingzzy

Between Truth and Lies (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon