Where do Broken Hearto Go?

72 3 0
                                    

Sobrang daming nangyari kay Andy dito sa chapter na ito pahanda na alng ng tissue baka tumulo pati sipon. Enjoy reading guyz!

Please play the song at the right side ANONG NANGYARI SA ATING DALAWA by AIZA SEGUERRA (sobrang gandang pakinggan nyo promise) ----------------------------------------->

****************************************************************************

Chapter 11

Nagpunta si Duncan sa opisina ni Lee para kausapin ito tungkol kay Joana. Gusto niyang kumbinsihin ang kaibigan na hindi nila intensyon na saktan sya lalo na si Joana. Ayaw niyang maging masama ang tingin nya sa dalaga. Saktong papasok na si Lee ng elivator ng makita sya ni Duncan.

"Lee!" tawag nya dito, ng makita sya sumimangot ito

"What are you doing here?" sarcastic na tanong nito

"Gusto lang sana kitang makausap tungkol kay Joana"

"Ang kulit mo rin noh, wala na akong pakialam kung ano man ang gusto mong sabihin"

"But Lee----"

"Mukhang type mo naman ata sya eh at nasarapan ka kaya ikaw na lang manligaw sa kanya"

"Sobra ka na ah...." asar na sabi ni Duncan

"Akala mo kung sino pahard to get yun pa la pareho lang ng ibang babaeng nakasama ko sa kama!"

"Hindi sya babaeng pakawala!"

"Oh really? bat basta-basta na lang syang sumama sayo ng wala kayong relasyon? Gawain ba yun ng matinong babae? She's a whore!"

Biglang may narinig na ingay ang dalawa dahilan kung bakit napatingin sila malapit sa elevator. Nagulat sila ng makita kung sino ang taong naglikha ng ingay.... si Joana.

"Joana..." sabi ni Duncan, umiiyak si Joana at tumalikod na ito palayo sa kanilang dalawa.

"Joana!" hinabol ito ni Duncan pero hindi na nya naabutan agad itong nakasakay ng taxi, samantalang naiwan si Lee na tulala.

Joana POV:

Tinawagan ko Karen para tanungin kung anong ang complete address ng work ni Lee, agad naman nyang naibigay sakin dahil sa boyfriend nitong si Tyron remember? Gusto ko kasing bisitahin si Lee sa work nya para magpaliwanag.

Pagdating ko sa building papasok na ako sa elevator ng may marinig na nag-uusap, hindi ko na sana papansinin dahil pasakay na ako ng marinig ko ang pangalan ko, kaya nakinig ako sa usapan nila.

"Gusto lang sana kitang makausap tungkol kay Joana"

"Ang kulit mo rin noh, wala na akong pakialam kung ano man ang gusto mong sabihin"

"But Lee----" si Lee at si Duncan ang nag-uusap? pinakinggan ko pa ang usapan nila.

"Mukhang type mo naman ata sya eh at nasarapan ka kaya ikaw na lang manligaw sa kanya" napatakip ako ng bibig

"Sobra ka na ah...." asar na sabi ni Duncan

"Akala mo kung sino pahard to get yun pa la pareho lang ng ibang babaeng nakasama ko sa kama!" unti-unti ng nanunubig ng mata ko ganun na pala ang tingin nya sakin.

"Hindi sya babaeng pakawala!" pagtatanggol sakin ni Duncan

"Oh really? bat basta-basta na lang syang sumama sayo ng wala kayong relasyon? Gawain ba yun ng matinong babae? She's a whore!" nagulat ako sa huli nyang sinabi kaya nung paalis na ako biglang nasipa ko ang basurahan sa tabi ko na naglikha ng ingay.

Between Truth and Lies (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon