Getting to know you

93 1 0
                                    

*******************************************************************

Chapter 4

Nasa opisina si Jillian at gumagawa ng report  ng magring ang celphone niya, nakita niya sa screen unknown number hindi niya sinagot ito at itinuloy ang ginagawa. Ilang sandali pa at tumunog uli ito at sinagot na niya

"Hello" walang nagsasalita sa kabilang linya

"Hello!" asar niyang sabi

"Uhmm… Hello…" narinig niya sa kabilang line

"Hello, who's this?"

"I-it's me Lee…"

"Lee at the bar? Ung friend ni Tyron?" paniniguro nya

"Y-Yah…" nahihiya nitong sagot, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Joana parang naexcite sya.

"Oh, Hi! How did you get my num?" pagtatakang tanong niya

"Kinuha ko kay Karen I call her tinanong ko nung last tayong nagkita, hindi ko kasi nakuha nung nagkita tayo. Medyo nahihiya ako kaya ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob na tumawag sayo" paliwanag nito, natatawa naman si Joana sa linya

"Oh I see, bat ka nga pala napatawag?" tanong niya

"Uhm… busy ka ba ngayon? Invite sana kitang lumabas…" gustuhin man ng dalaga hindi siya pwede dahil marami siyang hinahabol na deadlines.

"Lee sorry…. Kasi madami akong ginagawa ngayon maybe next time…" sabi nito

"O-Ok…. Sige mukhang naabala pa ata kita busy ka pala sige next time na lang…" mukhang malungkot ang boses

"Ok sige pasensya na ha… Bye…"

"Bye…" end call

Lee POV:

Habang nasa opisina ako bigla kong naisipan tawagan si Joana hindi ko alam parang namiss ko sya ung maganda nyang mukha ung ngiti niya. Matagal ko ng  nakuha ang number nya kay Karen pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob na tawagan siya hindi ko alam kung bakit.

I dialled her number but she did'nt answer, I dialled it again and suddenly I hear her voice, a beautiful voice.

"Hello" hindi ako sumagot parang natulala ako o nahiya, hindi  ko alam. Shit! Natotorpe ba ako? Ako natotorpe sa babae NEVER!

"Hello!" asar niyang sabi

"Uhmm… Hello…" naisipan ko ng magsalita dahil baka babaan pa ako at di ko na sya makausap.

"Hello, who's this?"

"I-it's me Lee…"

"Lee at the bar? Ung friend ni Tyron?" paniniguro nya

"Y-Yah…" nahihiya kong sagot teka bakit ganito ako ngayon? biglang bumilis ang tibok ng puso ko parang naexcite makausap siya…

"Oh, Hi! How did you get my num?" pagtatakang tanong niya, naku eto na….

"Kinuha ko kay Karen I called her tinanong ko nung last tayong nagkita, hindi ko kasi nakuha nung nagkita tayo. Medyo nahihiya ako kaya ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob na tumawag sayo" mahabang paliwanag ko mukhang natawa naman siya sakin, may sense of humor pa la ako...

"Oh I see, bat ka nga pala napatawag?" tanong niya

"Uhm… busy ka ba ngayon? Invite sana kitang lumabas…" kinakabahan ako kung ano ang isasagot niya

"Lee sorry…. Kasi madami akong ginagawa ngayon maybe next time…" sabi nito, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, pero sabi nga ni Karen busy sila ngayon dahil deadline nila kaya naiintindihan ko naman.

"O-Ok…. Sige mukhang naabala pa ata kita busy ka pala sige next time na lang…" malungkot kong sabi…

"Ok sige pasensya na ha… Bye…"

"Bye…" end call

Pagkatapos naming mag-usap para akong nanlumo dahil unang invite ko sa kanya mukhang basted na ako. BASTED?! Nanliligaw na ba ako?! Eh bat ko nga ba sya iniinvite na magdinner? Bat ko nga ba siya namimiss? Gusto ko ba siya? Ang daming tanong sa isip ko.

Nung una ko siyang nakita sa bar palapit pa lang siya sobra na akong nagandahan sa kanya hindi lang sa sexy sya, ay napakabait pa. Naaliw din akong kausap siya dahil masayahin siyang tao parang ang sarap niyang kausap. Alam kong maraming lalaki ang magkakagusto sa isang tulad niya hindi ko din alam baka may boyfriend na sya, un ang dapat kong alamin...

Iniisip ko pano ko sya maiinvite sa first date namin kung unang yaya ko pa lang soplak na ako, biglang…

Ting!...... (tunog ng biglang may lumabas na bumbilya sa ulo, inshort  biglang may naisip hahaha!!!)

Bigla akong napangiti may naisip akong magandang idea, alam ko na kung pano sya hindi makakatanggi sa first date namin… ang talino mo talaga Lee the best ka pagdating sa babae….

*********************************************************************

VOTE

BECOME A FAN

LEAVE COMMENTS AND SUGGESTION IF YOU LIKE

Lovelots

JHingzzy

Between Truth and Lies (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon