5. Wikang Nalimot (August, 2022)

19 4 0
                                    

"Wikang Nalimot"

Minsan ka na bang napaisip kung paano tayo natutong magsalita?
Nagtaka ka na rin ba kung paano nabuo ang bawat salita?
May ideya ka ba sa ating pananalita?

Lahat tayo ay nakaranas ng mga ito
Lahat tayo ay nagtaka at nalito
Alibata, sinaunang titik ng mga pilipino,
may nakaaalala pa ba nito?

Mga salita at baybayin noon,
may gumagamit pa ba ngayon?
Nilamon na nga ba tayo ng makabagong sistema,
kung kaya'y simpleng salita ay hindi natin maalala?

Sa ating katutubong wika ay mayroon ba tayong nalalaman?
O mga banyagang wika ang ating pinag-aaralan?
Hindi naman masamang kumilala ng bago, ngunit huwag kalilimutan na lumingon sa pinagmulan at huwag magpalamon sa makabagong mundong kinamulatan.

Mga nanakop noon na naghari harian
Na gumawa ng iba't ibang kautusan ukol sa ating wikang pinagmulan
Na siyang lubhang nakaapekto sa wikang katutubo ng ating mga ninuno'y pinaglaban

Mula sa kulay pulang banderang kanilang itinaas
Bughaw na banderang ating pinaglaban at sa huli ay kalayaan ating nakamtan

Nakakatawang isipin na tayo'y napaglipasan ng panahon
Ating sinayang ang napakaraming pagkakataon
Nilimot natin ang isa sa mga mahahalagang bagay noon
Para lamang sundin ang nauuso ngayon.

Ating sisirin ang karagatan ng titik na nalimot natin
Ating akyatin ang kataas taasang bundok ng baybayin
Ating damhin ang bawat salita ng wikang katutubo natin.

Tayo'y magbalik sa nakaraan
Hindi para lasapin ang sakit kundi para alamin ang bawat detalye ng nakaraan
Ang simula ng mga salitang siyang sumimbolo sa ating pinagmulan.

Mga Tula ni MinaWhere stories live. Discover now