10. Kababaihan (March 2023)

10 2 0
                                    

“Kababaihan”

Mga kababaihan na kung iisipin ay mahihina
at walang kakayahan,
Taong sa paningin ng iba ay puro paganda
at pumorma lang ang pinag-aaralan.

Mga mahal, nagkakamali kayo.

Mahina man kami sa inyong paningin,
matatag pa kami sa inyong iisipin,
Marami kaming kayang gawin na
nagagawa niyo rin.

Tao rin kami na katulad ninyo,
Nasasaktan, nagdurusa, at naghahanap
ng taong magpapakatotoo,
Irespeto at igalang niyo rin kami gaya ng ginagawa niyo sa ibang tao,
Kaming mga kababaihan ay mayroong malambot na puso.

Mga Tula ni MinaWhere stories live. Discover now