KABANATA 3

57 8 0
                                    

My Friends Problem Are My Problem Too.

"This is my Daughter, Serene Dubois" my dad introduce me to his business partner, we've known each before but I don't know if he can still recognize me at ngayon ko lang nalaman na anak niya pala si Juan Liu which I met him last night. What a small world, hindi ako tumingin kay Juan, nakatingin lang ako sa Dad niya



I smiled, "Tito you can call me, Red. Just don't call me Serene." mahinang saad ko. I know it's embarrassing to tell him what he should call me but I'm not really proud of my name, I'm sorry pero unti-unti ko namang natatanggap na ito talaga ang pinangalan sa'kin ng mga magulang ko. Mabuti na lang tumawa lang siya dahil sa sinabi ko. 


"Your daughter is so pretty, she looks like a Princess kamukha niya talaga ang mommy Divine niya." sabi niya habang nakatingin sa'akin.


"Thanks, Tito" I answered politely



"And Angelica Dubois my youngest" he also introduces my step sister as my youngest sister. Tumaas ang isang kilay ko roon sa sinabi ni Daddy, magkapatid pala kami? never niya naman ako tinuring na kapatid



"This is my wife, Hilary." pagpapakilala rin ni Dad sa step mom ko. Napairap ako sa naging reaksyon niya, she smiled sweetly at sabay pulopot sa braso ng Dad ko. Feel na feel lang?



"I guess this is your second wife?" natawa ako ng mahina sa tanong ni Mr. Liu, 'yong reaksyon kasi ng step mother ko hindi mapaimpenta ang mukha nang sinabing second wife siya. For me kabit pa rin siya, buhay pa lang si mommy dumating na siya sa buhay ng dad ko para makihati.



"I'm sorry but anyway nice to meet your Family, I also want to introduce to you my one and only son, Juan Liu." nagkatinginan kaming dalawa sabay iwas. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.I simply took a glance on him but when he looks at me, I look away. Masyado yata akong halata. Is he a cold person? Quite?


"I prepare some foods for us guys, so that you can casually talk, and of course, I know you haven't eat your breakfast yet." sabi ng stepmother ko kay Mr. Liu


Tumawa si Mr. Liu "Alam mo namang hindi ako tumatanggi r'yan, blessings 'yan, alam mo namang masamang tumanggi sa grasya."



"Okay, kumain na tayo." pag-aya pa ni Dad. Pumunta na kaming lahat sa dining area, sabay upo sa upuan namin. Katabi ko si Juan sa upuan, parang hindi ako mapakali saglit knowing na parang hindi siya interesado sa'kin kagabi habang kinakausap ko siya. Hindi niya ata tipo ang mga babaeng katulad ko? Did he think katulad din ako ng mga babaeng nasa bar?



"How about your eldest, what did she take? Is she still studying?" tumingin si Dad sa'kin ibig sabihin ako na ang sasagot.



Uminom muna ako ng tubig bago sumagot sa tanong "I'm no longer studying, Tito. I'm done with my course in Los Angeles and I'm already handling my own business"



Tila napatingin silang lahat sa'kin. Ngumiti ako sa kanila "What business?" tanong ni Mr. Liu. They are all waiting for my response, ganon ba sila ka gusto malaman kung anong ginagawa ko sa buhay?




Affection Series 1: Serene NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon