KABANATA 26

53 5 0
                                    

Tumakbo ako at sinundan siya.

"Juan!" tawag ko ulit.

Humarap siya sa'kin na may dalang envelope. Binigay niya sa'kin ang envelope.

"Ano 'to?" kinakabahan akong buksan kung anong laman ng envelope na binigay niya.

"Just open it," sabi niya sa malamig na boses.


Nanginig ang kamay ko habang binubuksan ko ito. Pagbukas ko, bumulagta sa'kin ang divorce paper. Bigla akong nanigas nang makita iyon. Tumulo ang aking luha habang nakatingin sa divorce paper. Bumaling din ang aking tingin sa kanya. Wala siyang emosyon habang nakalagay ang isang kamay niya sa kanyang bulsa.



"Huwag ka naman mag-joke," natatawang sabi ko habang may luha pa sa mga mata ko. Umiling ako. "Hindi mo magagawa sa'kin 'to. Tell me you're just joking. Huwag naman ganito ang biro mo."


"I'm not joking," the tone of his voice proves that he's not really joking.


"No! Please don't do this to me, Juan," pagkumbinsi ko sa kanya. I even hold his hand para pakiusapan siya pero hinawi niya lang ang aking kamay.



Hindi ako makapaniwala na kikihwalay siya sa'kin. "Choice mong magloko, Serene. Choice ko ring maghiwalay tayo."



I sighed. "Oo, choice mo naman lahat eh. Choice mong hindi ako pagpaliwanagin. Mas pinili mong itaas ang pride mo kesa makinig sa'kin. I deserve to be heard too, kasi hindi ko deserve ang nangyari sa'kin. It was a set-up," sumbat ko sa kanya.



"Pero ito?" tinaas ko ang envelope habang tumutulo ang aking luha. "Hindi ko magagawang pirmahan 'to. Ikaw lang ang meron ako, Juan. Huwag mo naman gawing komplekado ang lahat. Maayos pa natin 'to. Don't leave me, I'm begging you."



"Hindi na'to maayos pa, Serene. Hinding-hindi ko makakalimutan ang nakita ko, Serene. Mas kailangan ko protektahan ang sarili ko kasi at the end of the day mas kawawa ako," saad niya.


Napailing ako sa sinabi niya. I can't believe him.


"Alam mo namang may trauma ako r'yan, alam mo 'yan. Alam mo ikaw ang bumuo ng tiwala ko pero ikaw din ang nagwasak non. Ngayon ako mismo ang tatapos kung anong meron sa ating dalawa," sabi niya.


I understand you, Juan. You're being hurt kaya ka ganyan magsalita.



"It's hard for me to trust again, Serene. Ilang buwan kang hindi umuuwi ng bahay tapos makikita ko lang ang larawan na 'yon. Pilit kong sinasabi sa utak ko na hindi 'yon ikaw pero napatunayan ko mismo na ikaw talaga at kasama mo pa ang lalaking iyon sa iisang kama."



"Siguro, Juan, nasabi mo 'yan kasi nasasaktan ka pero ang totoo niyan. Hindi mo pa ako lubusang kilala, mas pinaniwalaan mo ang mga nakikita mo. Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Sana maghanap ka muna ng sapat na ebidensya bago mo ako sabihang manlokoko."



Hindi naman siya nakinig sa sinabi ko kaya parang nakakapagod na rin ipaliwanag sa kanya. Hahayaan ko na lang siya kung saan siya masaya.


"Sige, maging totoo lang ako sa'yo,"

Suminghap muna siya ng hangin bago magsalita. "I never loved you, Serene."

His words pierced through me, causing my world to come crashing down. I felt like I was being squeezed, unable to comprehend what was happening. I didn't care about my appearance or what face I showed him.

"Pasensya na dahil ginamit lang kita. I just used you for my own benefit," mahinang sambit niya.

"Tama na!" sabi ko sa malakas na boses. "I don't want to hear it," dagdag ko pa.

Affection Series 1: Serene NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon