sixteen

2.4K 103 113
                                    



wag niyo kong patayin pwahahaha walang makaka pigil sa mga plano ko lols. sabihin niyo pag putol 'to ah OuO PAKI SAGUTAN YUNG AUTHOR'S NOTE SA HULI EMEGHED.


WARNING: disappointment xD


-x

Biglang nagising si kyungsoo mula sa isang masamang panaginip, napa upo siya at hingal na hingal. Madilim ang kwarto na tanging ilaw lang mula sa buwan ang meron dito

" Soo? Anong nangyari? "

Napa lingon si kyungsoo sa katabi niya, walang pang itaas na suot si chanyeol habang kinukusot pa ang mga mata. Suminghap siya bago yumakap dito

" masama ba napanaginipan mo? "

Tanong ni chanyeol habang hinihimas ang likod ng asawa, tumango ito at lalong hinigpitan ang yakap

Naririnig na lang niyang humihikbi ito- umiiyak si kyungsoo. Hinalikan siya ni chanyeol sa ulo bago yumakap pabalik,

" ssh, nandito lang ako Soo. Hindi kita iiwan, wag ka na umiyak. I love you baby "

Sana nga.

--x

" good morning po! "

Masayang bati ni baekhyun sa mag asawa, tinigil niya ang pag pupunas sa lamesa para lang doon

Deretso lang ang tingin ni kyungsoo habang bumati naman pabalik si chanyeol, siniko pa nga niya ang asawa pero hinila lang siya nito sa opisina

" tungkol kay, uhhm.. Doon sa bago "

Panimula ni kyungsoo, hindi niya masabi ang pangalan nito dahil sa hindi kumportableng nararamdaman niya

" kay baek? "

Pag tama ni chanyeol sa asawa habang pinupulupot ang braso sa bewang nito, tiningnan siya ng masama ni kyungsoo

" baekhyun. "

Hindi siya makapaniwalang may nickname na agad ito sa lalaki

" ah, oo. Kay Byun baekhyun. Bakit? May problema ba? "

Napa buntong hininga si kyungsoo habang pinapa ulan naman ni chanyeol ang mukha niya ng halik

" saan mo siya nilagay? I mean yung posisyon niya, hindi mo naman siya pagkaka tiwalaan agad diba? "

Napa tigil sa pag halik si chanyeol, na nanatili ang braso sa bewang ng asawa

" diba yeol? "

Ulit ni kyungsoo, naka tingin lang kasi sakaniya yung isa

" waiter muna siya ngayon. Mukha kasing wala siyang alam sa pag luluto kaya si Jongdae muna yung pinalit ko sayo sa kusina "

Muna? Pagkatapos niyang maging waiter anong sunod? Ang maging kabit mo?

" pero baby Soo, kanina pa kita napapansin ha. May problema ka ba? Hindi mo rin binati si baek kanina na hindi mo naman ginagawa sa iba. Mukha namang mapagkakatiwalaan y- "

" pero kaka dating lang niya! "

Hindi sinasadya ni kyungsoo na tumaas ang boses niya

" kaya nga siya yung kinuha ko kasi mukhang mapagkakatiwalaan! Ano ba talagang problema mo?! "

Napatayo si chanyeol at nakipag sabayan sa taas ng boses ng asawa

Naisip ni kyungsoo yung panaginip niya, pwede ba talagang mangyari 'yon? Kaya ba'ng agawin ng isang Byun Baekhyun ang asawa niya?

Iiwan ba siya nito?

Pero naisip niya, maraming pwedeng maging dahilan para hiwalayan siya ni chanyeol, na may sapat siyang dahilan para iwan si kyungsoo at mag hanap ng ibang mapagkakatiwalan.

" w-wala, kalimutan mo na yeol. I'm sorry, lalabas muna ko "

pipigilan sana siya ng asawa pero mabilis siyang lumabas at iwan ito. Napa hawak si kyungsoo sa dibdib niya, pinipigilan niyang umiyak. Minsan lang sila mag Talo ni chanyeol kaya ang laki ng epekto nito sakaniya

Wala naman akong dapat ika takot diba chanyeol?

-x

Dumeretso si kyungsoo sa apartment ni jongin, nakapag desisyon siyang kausapin ito bago mag trabaho sa resto at harapin si chanyeol pati na rin si baekhyun, hindi pa niya kayang makasama ito sa trabaho

Kumatok siya sa pinto nito pero walang sumasagot, naka ilang ulit siya pero mukhang wala ang binata sa loob, Aalis na dapat si kyungsoo nang makasalubong siya ni jongin.

" kamusta? "

Tanong niya kay kyungsoo nang maka pasok, Nilapag ni jongin ang supot sa lamesa na may mga cup noodles sa loob

" 'yan lang ba kinakain mo lagi? Jongin hindi 'yan mabuti sa kalusugan mo. Bakit hindi ka na bumabalik sa resto para naipag luluto kita? "

Kumuha si jongin ng isa at nag handa ng mainit na tubig, kasi hindi ko kayo masikmura ng asawa mo.

" nag aalala ka pala sakin? " Naka ngisi niyang sinabi

" syempre na- "

" wala akong pera kyungsoo, hindi ko na kayang kumain ng mga luto mo. Nag advance ako ng bayad para dito sa bahay, kaya tinitipid ko sarili ko sa pagkain "

Totoo mga sinabi ni jongin, naniniwala siya na mamumuhay siyang mag isa kaya kailangan niyang mag settle ng tirahan para sa sarili niya

Naka kunot na ang noo ni kyungsoo, hindi niya inaasahang makikipag Talo ulit siya sa pag punta niya dito

" pero jongin, pwede ka naman naming tulungan ni chan- "

Tumawa ng kaunti si jongin,

" kyungsoo hindi kita sugar daddy o ano man. Ginagawa natin 'yon para sa katawan natin at hindi para sa isang utang na loob "

Biglang naalala ni kyungsoo yung pinunta niya dito,

" ah.. tungkol doon, j-jongin gusto ko sanang itigil na natin 'yon. Ayoko na, ayoko nang lokohin pa yung asawa ko "

Nabitawan ni jongin ang hawak niya.


--x


mabilisang update, aalis pa ko eh xD


NOTE: hindi niyo na ba 'to susuportahan kung hindi mangyari yung gusto niyo? xD

please vote and comment OuO



-saranghaedyo <3

and nobody knows [exo ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon