eight

2.7K 100 40
                                    

Warning: jealousy [wala na kong mailagay sarreh~]

--x

Tuloy lang sa pag kain si jongin habang nagsusubuan ang mag asawa sa harap niya, hindi niya iniisip kung anong pakiramdam kung siya ang sinusubuan ni kyungsoo ngayon, kung masaya ba talagang mag alaga si kyungsoo sa asawa nito. Hindi niya iniisip kung paano kung siya ang nasa pwesto ngayon ni chanyeol, sa halip ay tinatanong niya sa sarili niya kung bakit nandito pa siya ngayon, humahadlang sa mag asawa at wala man lang kapareha

Ayos lang sakaniya ang kumuha ng kung sino sino para maaliw pero tuwing tinitingnan niya ang mag asawa ay naiinggit siya na walang katulad ni kyungsoo ang sumasalubong sakaniya tuwing uuwi siya ng bahay

Nararamdaman ni kyungsoo ang katahimikan ni jongin, kung wala lang si chanyeol sa tabi niya ay malamang niyakap na niya ito para sabihing nandyan lang siya. pero hindi pwede, hindi dahil may asawa na siya kung hindi dahil wala naman silang relasyon ni jongin. Katawan lang nila ang gusto nila sa isa’t isa pero kailanman ay hindi nila hinanap ang bawat isa para paginhawain ang kalungkutan nila

Nandyan si chanyeol para sakaniya, pero naisip niya na paano si jongin? Wala siyang kilalang mga kaibigan ng binata o kahit sinong na i-kwento sakaniya.

Dahil hindi naman sila madalas mag kwentuhan tungkol sa buhay, konti lang ang alam niya tungkol sa binata at ganoon din naman ito sakaniya. kahit kailan ay hindi ito nag sabi kung masaya ba siya, malungkot o nagagalit kasi wala silang relasyon at dapat lang na wala silang pakialam sa isa’t isa

“ wala ka pa bang balak mag asawa jongin? “

Nabigla ang dalawa sa tanong ni chanyeol, si jongin dahil malalim ang iniisip niya at si kyungsoo dahil hindi niya akalaing itatanong ito ni chanyeol sa binata. May parte sakaniya na gusto rin malaman kung bakit nga ba hindi pa nag aasawa si jongin

“ b-bakit mo naman natanong? “

Natawa ng bahagya si jongin

“ oo nga naman yeol, bata pa naman si jongin ah “

Komento ni kyungsoo na tinuloy lang ang pag kain

“ eh kasi na realize ko maganda siguro kung kumain ulit tayo sa susunod pero may kasama na si jongin para hindi siya nalulungkot diba? Parang double date “

Natawa si chanyeol pero ngumiti lang yung dalawa

Ano nga kayang reaksyon ni chanyeol pag niyaya ko siyang mag threesome kasama si jongin?

 

“ tsaka hindi na bata si jongin, dalawang taon lang kaya ang tanda natin sakaniya! “ habol nito at ngumuso lang si kyungsoo sakaniya

 

 

 

“ may hinihintay kasi ako “

Sabi ni jongin na nagpa tigil kay kyungsoo sa pag kain, yumuko siya at ngumiti ng malungkot habang gulat na gulat naman ang mag  asawa

“ bakit? May asawa na ba yung hinihintay mo? “
wala sa sariling tanong ni kyungsoo, wala siyang paki kung mahalata man siya ni chanyeol pero gusto niya lang talagang malaman kung siya ba yung taong hinihintay ni jongin, na hinihintay nitong maghiwalay sila ng asawa niya

Hindi umimik si chanyeol, hindi niya napansin ang tono ng boses ni kyungsoo sa tanong nito at hinihintay rin ang sagot ng binata.

Ngumisi si jongin bago sumagot,

“ oo may asawa na siya “

--x

at ako 'yon. charot~

-unedited

please vote and comment HUEHUEHUE

-saranghaedyo <3

and nobody knows [exo ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon