two

3.8K 107 75
                                    

HAPPY KAISOO DAY~

Warning: landian chos, nachos <3

--x

“ dalian mo yeol, baka naghihintay na si jongin sa tapat ng resto “

Sabi ni kyungsoo habang inaayos ang kaniyang bag habang si chanyeol naman ay nag bibihis pa lang. Nagsikap si chanyeol para maitayo ang pangarap ng asawa niya-- isang restaurant at si kyungsoo mismo ang taga luto dito habang ang isa naman ay taga manage lang kaya ito ang laging busy at wala.

“ umagang umaga ibang lalaki na agad iniisip mo “

hindi kinabahan si kyungsoo sa komento ng asawa dahil alam niyang nagbibiro lang ito na agad naman niyang sinakyan para hindi pa ito mag isip ng masama. Lumapit siya kay chanyeol na wala pang suot na pang itaas at niyakap ito mula sa likod

“ ano ka ba yeol, syempre matagal na nating customer si jongin. Naging kaibigan na rin natin siya at parang kapatid na nga turing mo sakaniya diba? Masama bang mag alala ako sa kalusugan niya? “

Ngumiti naman ng malapad si chanyeol at umikot para mayakap din ang asawa at mahalikan ang noo, pisngi at labi nito

“ bakit ba ang bait ng asawa ko? nakaka selos na tuloy na hindi lang ako ang iniisip mo “

Ngumuso pa si chanyeol na tinawanan lang ni kyungsoo,

“ alam mo namang sayo lang ako diba? Kay chanyeol lang si baby Soo “

 

--x

Bumaba si kyungsoo sa tapat ng resto habang si chanyeol naman ay iikot pa papuntang likod para i-parke ang sasakyan.

Tama nga siya na naghihintay na si jongin sa harap at sabik na sabik nang tikman ang kaniyang mga luto. Pero alam rin ni kyungsoo na hindi lang luto niya ang gustong tikman ni jongin

 

Babatiin pa lang niya ang binata nang salubungin na siya nito ng halik, mabilis at malalim. Kumpara kay chanyeol, ganito sinasabi ni jongin na sabik na sabik siya para kay kyungsoo na gusto rin naman ng isa.

Hinawakan ni jongin ang puwitan niya kaya napa bitaw siya sa halik at pinalo sa dibdib ang binata. Naghahabol siya ng hininga pero tinawanan lang siya ng isa habang naka hawak pa rin sa puwit niya, hindi iniintindi na nasa pang publiko silang lugar at maaaring may makakita sakanila.

Nag bilin kasi si jongin sa mag asawa na maaga siyang kakain sa resto nila. Isang dance instructor si jongin, may tuturuan pa kasi siyang mga bata at ang mga luto daw ni kyungsoo ang pang palakas niya. hindi naman tumanggi si chanyeol dahil marami talagang pumupuri sa luto ng asawa niya. at tulad nga ng sinabi ng kaniyang asawa, parang kapatid na ang turing dito ni chanyeol dahil para sakaniya ay bata pa ito.

Naiwan si jongin mag isa habang pinagluluto siya ni kyungsoo sa loob ng kusina at may naka yakap na chanyeol sa likod nito. Kitang kita niya kung paano mag lambingan ang mag asawa mula sa kinauupuan niya.

Napa ngiti si jongin sa naisip na hindi lang yakap ang magagawa niya kung maiwan silang dalawa ni kyungsoo sa loob ng kusina. Na imbes kutsilyo at gulay ang nasa kamay ni kyungsoo ay baka ang pagkalalaki niya, na katawan niya ang hinahawakan nito kaysa sa karne at labi niya ang nasa labi nito imbes na ang kutsara.

Nakaramdam naman si kyungsoo na parang may tumitingin sakaniya sa malayo kaya napa lingon siya kay jongin. Nagtama ang mga mata nila, ngumisi si jongin at bumulong

“ I.want.you.now. “ matigas na sabi nito na may konting pag hinto kada salita. Mahina para hindi marinig ni chanyeol pero alam niyang makukuha ni kyungsoo

“ bakit Soo? “

Bumalik sa realidad si kyungsoo nang marinig ang boses ni chanyeol, tumingin ito sa tinitingnan niya pero naka ngusong jongin lang ang nakita niya

Para talagang bata, naisip ni chanyeol at ngumiti

“ bilisan mo kasi baby Soo, hindi na ata makapag hintay si jongin “

Tumango lang si kyungsoo,

Oo, hindi na siya makapag hintay na matikman ulit ako.

 

 

 

 

“ chanyeol~ “

Saway ni kyungsoo sa asawa niyang ninakawan siya ng halik habang kumakain si jongin at nag aayos naman sila ng mga upuan at lamesa sa kabilang banda.

Ngumiti lang si chanyeol at hinalikan ulit si kyungsoo sa pisngi. Gustong gusto kasi niya kapag nahihiya at namumula ang mga pisngi nito. Na para bang isa siyang babasagin na kailangang protektahan ni chanyeol.

Hindi siya yung tipo na pinapakita sa publiko kung gaano niya ka mahal ang asawa niya o a.k.a PDA. Pero sila lang naman ang tao sa resto, sarado pa kasi ito at ayos lang naman sakaniya kahit kasama nila si jongin.

Dahil parang may nag tutulak sakaniya na dapat niyang ipakita na sakaniya lang si kyungsoo.

--

walang smut, aba. may plot din to noh! xD

please vote and comment :3

-saranghaedyo <3

and nobody knows [exo ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon