Berlat's POV:
NAGISING ako sa malakas na pag ring ng cellphone ko, oo may cellphone na ulit ako, kahapon kasi pagka-bigay na pagka bigay pa lang sa akin ni aling Inday ng sahod ko ay dumiretso na ako sa bangketa malapit sa Karendirya.
Di-pindot lang ang selpon na binili ko.
At sino namang burikat ang tumatawag sa akin, umagang umaga e.
"Hello?" Bati ko sa kabilang linya.
"Ate! Y-yung mga i-inutangan ni mama dati, pumunta dito at naniningil na, ang sabi nila bibigyan daw nila tayo ng dalawang linggo at kapag di pa daw natin sila binayaran ay ipapakulong daw nila tayo." Humahagulgol na boses ng aking kapatid ang bumungad sa akin.
Umagang kay ganda ng bungad, grabe.
"Ano?! Ayos lang ba kayo? May ginawa ba sila sainyo?!" Nag aalalang tanong ko.
"Ayos naman kami ate,pero saan tayo kukuha ng dalawang milyon? Napaka laking halaga nun at sa loob ng dalawang linggo, alam kong hindi tayo makakalikom kahit kalahati ng one-forth nun." Anito sa kabilang linya.
"Wag kang mag alala,gagawa si ate ng paraan. Mag ingat kayong dalawa ni tita lagi. Mag papadala ako bago mag dalawang linggo." Saad ko saka ibinaba ang tawag.
Lagot na!
Saan ako ngayon kukuha ng dalawang milyon? Bakit kasi mga utang pa ang ipinamana sa amin nila mama bago sila nawala?
wala akong pasok ngayon kaya naisipan ko na tawagan ang kaibigan ko na si Zarielle, upang ipaalam na pupunta ako sa condo niya.
.
.
.
.
"ANO nanaman ang ginagawa mo sa unit ko, Berlat? May problema ba? Bakit parang di maipinta yang mukha mo?" Sunod sunod na tanong ni Zari sa akin habang iniinom ang kape niya.
"Tumawag si Xeros kanina." Panimula ko, kaya agad naman nagbago ang mukha niya at seryosong nakinig sa akin.
"Pumunta daw yung mga inutangan ni mama dati sa bahay nila ni tita,at naniningil na. Dalawang linggo ang binigay nila sa amin para makapag bayad dahil kung hindi daw,ay ipapakulong daw kami." Nakatungo kong saad sa kaniya.
Tila nabilaukan naman ito sa huli kong sinabi.
"Ano kamo?! Ipapakulong kayo?" Pag uulit nito.
OO NGA SABI E,BINGI KA BA?!
Nag angat ako ng tingin sa kaniya at sinamaan siya ng tingin, "Oo nga be, ulit ulit ka?" Naiinis na tanong ko saka ito inirapan.
"Gago! Paano na yan?! Saan ka kukuha ng dalawang milyon Xeriana Berlat!?" Sunod sunod na tanong nitong kurimaw na to.
"Hindi ko alam." Maikling tugon ko. Hindi ko nga alam kung saan kukuha ng pang tuition ng kapatid ko e. Nanatili kaming tahimik,at natigil lamang iyon nang biglang magsalita si Zari.
"Alam ko na!" Sigaw niya kaya halos mapatalon na ako sa gulat.
"Tangina mo talaga Zari e noh? Akala ko mamamatay na ako sa gulat!" Singhal ko sa kaniya agad naman itong nag peace sign, para humingi ng paumanhin.
"Oh e ano bang idea yang pumasok sa maliit mong utak?" Pabiro kong tanong.
"Makaliit ka naman! Top 1 kaya ako nung kinder!" Sagot nito sa akin saka ako inirapan.
"Oh ano na nga?" Nawawalan na ako ng pasensya sa bruhildang to. "Diba may matandang nag offer sayo nung nakaraan? Yung tinulungan mo?" Tanong nito. Oo naikuwento ko yun sa kaniya.
YOU ARE READING
The Happy Romance
عاطفيةTHE LOVE-STORY OF XERIANA AMBER SANTOS AND MAXIMILIAN STANFORD ARRANGED SERIES #1