CHAPTER 3

2 0 1
                                    

BERLAT'S POV:

"Ma'am, we're here." Saad ng driver na ipinadala ni mommy para sa akin.

Ngayon lang pumasok sa aking utak na hindi ko pa pala alam ang buong pangalan ni mommy, paano nalang kung gumagawa ito ng illegal? Iwinaksi ko ang aking iniisip at saka bumaba sa sasakyan.

Muntik na malaglag ang aking panga sa napakalaking mansion na bumungad sa akin.

Nakita ko namang nakatayo si mommy sa two-door main entrance ng mansyon nila, agad akong lumapit dito nagulat na lang ako nang bigla ako nitong yakapin.

"Iha, i missed you! Kahit kakakita pa lang natin kahapon, I'm very excited for you to be part of our family. You're soon to be Mrs. Stanford!" Tila galak na galak na saad sa akin ni lola.

Iginaya ako nito papasok sa mansion, mga nakahilera habang nakayuko na kasambahay naman ang bumungad sa amin.

"HELLO! I'm Beatrice Stanford this is Kalid Stanford and this is Isamira Stanford, we're your future sister-in-laws and he is your future brother-in-law" sabay turo kay Kalid.

Nginitian ko naman ang mga ito, 8:30 na ngunit wala pa rin ang tinutukoy ni lola na mapapangasawa ko.

"Magkakapatid ba kayo?" Basag ko sa katahimikan na bumabalot sa hapag kainan habang inaantay ang apo ni lola.

"Yes! Apat kaming magkakapatid, si kuya Max ay mukhang may inaasikaso pa sa kumpanya kaya natagalan ang mapapangasawa mo—" hindi natuloy ang kaniyang sasabihin nang may biglang pumasok sa dining area.

"Good Evening, I'm sorry lola i am late, nagkaroon lang ng urgent meeting sa kumpanya kaya natagalan ako." Pagbati niya sa lahat at pag papaliwanag niya kay lola.

"Apo,mabuti naman at nandito ka na, kanina ka pa namin inaantay, sige at maupo ka na sa tabi ng mapapangasawa mo." Saad ni lola na halatang ikinagulat naman nung sinasabi niyang mapapangasawa ko na sa aking pag kakatanda ay Max ang pangalan.

"I'm sorry." Nakatingin ito ngayon sa akin, kaya ginawaran ko ito ng simpleng ngiti, ngunit hindi man lang ito gumanti ng ngiti sa akin, malamig na tingin lamang ang ginawad nito sa akin bago maupo sa tabi ko.

Hindi naman naging tahimik sa hapag kainan dahil nag simulang magkuwentuhan about sa business sila Max at Lola, habang sila Beatrice at ang kaniyang mga kapatid ay nagtatawanan, nakikitawa rin naman ako sa kanila paminsan minsan ngunit binabalot talaga ako ng hiya kaya mas minabuti ko nalang na manahimik.

"Apo, I'll set your wedding next month." Nabilaukan naman ako sa sinabi ni lola, mabuti nalang at katabi ko sa aking kaliwa si Beatrice kaya naabutan niya agad ako ng tubig,nagpasalamat naman ako saka binaling ang tingin kay lola na halatang nag alala sa akin.

"Are you okay, iha?" Tanong ni lola sa akin.

"Opo, ayos lang po ako pasensya na po kayo." Aniko dito.

"So iha, like what you've heard next month ay ikakasal na kayo, nais ko sanang mag sama kayo ni Max sa iisang bahay bago kayo maikasal next month, bukas na bukas ay ipapahatid ko ang mga gamit mo sa bahay na ipinatayo ni Max." Ani ni lola. Nagulat naman ako ngunit wala na akong nagawa upang tumanggi pa sa kaniya dahil bakas sa mata nito ang excitement.

"MAX, drive her home it's too late na." Utos ni lola kay Max,nang matapos kaming kumain at mag kuwentuhan.

Nauna na magpahinga sila Beatrice dahil kakauwi lang daw ng mga ito galing amerika upang magbakasyon, agad naman akong umiling dahil nahihiya ako, pwede naman akong mag taxi nalang pauwi, kahit nagtitipid ako.

"H-huwag na po lola." Pagtanggi ko.

"No. I want Max to send you back home, safe and sound." Mariing saad ni lola.

The Happy Romance Where stories live. Discover now